Maiksi lang po ang update na ito :) Pasensya na po talaga...
Brent Santos
Natapos ang isang buwan ay paulit-ulit lang kami ni Lianna. Asaran. Irapan. At ang dami ko ng epic moves at nauubusan na ako. This is the first time. Nag-iisip palang yata ako alam niya na ee..
-SCHOOL-
"Good morning Brent." Brittany. Nasa room siya namin wala naman daw silang prof at sumaktong wala din kaming professor. Sinabi pala sa kanya ni Echo. Letse talaga.
"Who told you to come here?" ako
"Wala. I just missed you so much. Almost a month na kitang di nakikita at nakakausap ee."
"Will you please Brit. You are not even making sense in coming here."
"Bakit ba lagi mo nalang ako tinataboy?"
"Dahil ayoko nga sayo. Di pa ba obvious o nagbubulag-bulagan ka na naman."
"I like you."
"I don't."
Deritso kong tugon.
"But-"
"Brit ano ba. Para ka nang tanga. Hanggang kailan ka ba magpapakagaga."
Saway sa kanya ng pinsang si Echo. Alam ni Echo ang lahat, pinagsabihan niya na rin ito pero sadyang matigas masyado ang bungo nito. Maganda mga sana, tanga lang talaga.
"To hell with you Echo. Why do you even care?"
"I care because you put me in a total shame."
Natahimik siya sa sinabing yun ng pinsan niya
Hahahaha.. Pambihirang pinsan to.
Lumabas ng room si Lianna kasama ang dalawang best friends niya.
Tumambay sila sa may hall.
Tininingnan siya ni Brit ng masama na nakita niya yun. Lagot.
"What?!"
Anina niya kay Brittany.
Umirap lang si Brit. Takot. Hahahahaha
Lianna Santos
"YANNAAAAAAAAAAA!"
"Bunganga mo naman Sofia! Ano ba yun?"
"Look! Echo have a crush on me!"
And I was like.. So?
"Ano naman ngayon?"
"Yanna naman. Kaunting suporta naman. Crush ko kaya to!"
"Sofia ahh. I am reminding you. Walang makakapanligaw sayo hangga't hindi dumadaan sa akin. We promised."
"I know. Hindi naman siya nangliligaw ee.. He chatted and texted me?"
"What? Through chat and text lang??"
Babaeng to. Hindi man lang nagpabebe bigay agad. "SOFIAA!"
"Ano ba naman yan Yanna. Napaka old school mo naman."
"Ito oh!"
Kinotongan ko siya ng malakas! Harot ee!
"Aray naman!"
"Ang harot mo ah!"
"Nagtitimpi lang ako kase kasama kita. Daig mo pa si Mommy at Daddy sa pagka strict ee."
"Kaya nga kaibigan di ba? BEST FRIEND!" diniinan ko talaga yun.
"Oo na!"
Ayon natahimik siya, pero nakangiti parin dahil katext niya siguro si Echo. No problem naman ako kay Echo. Wag lang sa apat na yun.
YOU ARE READING
Queen Maldita meets King Cassanova
Random[ ON GOING] Kwento ng dalawang tao na mababago ang pananaw sa pag-ibig.