Chapter 5

0 0 0
                                    

Hindi ko agad nasagot ang tanong ni papa, para akong binuhusan ng isang balding tubig na punong puno ng yelo. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang isasagot ko natatakot ako na baka magalit sya sa akin at pagbawalan niyang magkita kami.

"Anak tinatanong kita "- tanong uli ni papa.

Di ko alam kung saan ako mag uumpisa, kung pano ako mag papaliwanag sa kanya. Siyempre kung sasabihin kung oo baka magtanung sya kung bakit di ko sinabi sa kanila ni mama.

"A-ah kasi po O-opo" -Nauutal kung sagot kay papa habang nakayuko yung ulo ko at nilalaro ang mga kamay ko kinakabahan ako iba tong pakiramdam nato alam ko kasi magalit yang si papa kala mo mangangain eh . Sana naman Lord hindi nya kami pagbawalang mag kita. Ibang saya ang hatid ni mark sakin pag magkasama kami. :)))

"Kelan pa? at bakit hindi ka man lang nag atubiling pagsabihan kami ha? Alam mo namn kung gaano ka kaimportante saamin ng mama mo.Hindi naba kami mahala sayo ha? anak?"- Mahabang litanya ni papa.

" Kasi po alam ko kasi na ganyan yung magiging reaksyon nyo kaya hindi ko na po sinabi sa inyo tsaka po nanliligaw pa nmn po eh, hindi pa namn po kami..- Sagot ko ang lakas ng tibok ng puso ko nabibingi na ako sa lakas nito . TUG DUG TUG DUG TUGDUG.

"Hindi pa? So may balak kang sagutin yung bastardong yun? Alam mo ba kung anong klaseng tao sya ha anak? Balita ko nga eh paiba iba ng girlfriend yang manliligaw mo eh baka gawin ka lang flavor of the month ng lalaking yun? - Sigaw sa akin ni papa.Oo nasasaktan ako masakit ang mga binitawan nyang salita tungkol kay mark, pero hindi parin mawawala ang feelings ko sa kanya, pagsuway man ito sa magulang pero hindi ako naniniwala kay papa. Alam kung nagbago na si mark at hindi sya ganun..

" Hindi po totoo yun. Marahil eh yun ang pagkakilala niyo sa kanya pero hindi napo sya ganun nagbago na po sya sinabi niya po yun sa akin." - Sagot ko na mangingiyak ngiyak na ayoko ng ganito ng dahil lang sa lalaki nag sasagutan kami ni papa..

"Ha! At ngayon pinagtatangol mo pa yung lalaki nayun sakin. Ganun ka naba kahibang sa kanya? Nanliligaw pa ba sya o sinagot muna? Ganun Ganun lang nabilog na nya utak mo anak ayoko mapunta ka sa lalaking walang pangarap sa buhay, walang alam kundi gumimik at mag waldas ng pera na hindi niya naman pinaghirapan. - Sabi ni papa. Feeling ko ang sama sama kung anak bakit ba ako ganito ..

" Nanliligaw palang po hindi ko pa po siya sinasagot." - maikling sagot ..Gusto ko nang umakyat sa taas at umiyak kasi nasusuway ko na si papa..

"Kung ganon simula bukas gusto kung makita yang lalaki na yan. Wag kang magpapaligaw sa labas gusto ko dito sa bahay ko mismo para makilatis ko kung seryoso yung lalaki nayan sayo, O sya sige na umakyat kana at ng makapagpahinga." -sabi sakin ni papa di ko alam kung matutuwa ako o ano ewan natatakot na excited bahala na nga.

"Sige po pa."- Sabi ko sabay panhik sa taas habang patungong hagdanan nakasalubong ko si ma, ngumiti lang sya at hinalikan ako sa pisngi.

Sa likot ko muntik na akong mahulog sa kama ko yung kaninang gusto kung umiyak napalitan namn ng kaba at excitement diko alam, ano kaya mangyayari bukas ewan bahala na si batman..Ang gulo gulo ng isip ko ..

Ano kaya ang mangyayari bukas. Bahala na nga si batman..

LOVE is all that matterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon