♥Chapter 1♥

204 9 2
                                    

This chappy is dedicated to @SweetVintage13 (Ciahana Canete!) Thank you sa cover labyu!

♡♡♡
LIZA'S POV

"Argh! Bwisit naman!" Sigaw ko habang pilit tinatanggal ang mantsang kumapit sa palda ko.

"Beshe whats wrong?" Nagtatakang tanong ni Mayre at sinulyapan ang likod ko.

0______0

Nanlalaking mata naman niya akong tiningnan, "Hala! May tagos ka! Eh diba kakatapos mo lang last week?"

Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ba obvious na prank na naman ito? Hindi na ba sya nasanay? Kasi ako, sanay na sanay na -_____-

"Curse that Crauses!" Sigaw ko na sa sobrang lakas ay nag echo sa buong room. Nagsimula nang magtawanan ang mga kaklase ko sa Management yung iba nga, kumukuha ng litrato at video.

Nga pala, Victor Maria Liza Sandoval Crauses, 21 years old. Nag aaral sa White Sands University, 4th year college sa course na BSBA.

Yung babaeng kausap ko ay si Ladymayre Lopez which is my bestfriend. Pareho kami ng University na pinapasukan (obviously) at pareho rin kami ng course. It turns out na pareho kami ng hilig. Hindi rin kami nagbibiruan ha! Totoong gusto naming magtayo ng business na pagmamay ari namin syempre, hindi rin kami pipitsugin dahil may utak kami at consistent dean's listers.

"Grabe talaga gumawa ng mga pranks yang rival mo ateng!" Kantyaw nito pero sinuklian ko siya ng smirk.

"Huh! Mas magaling akong gumawa ng pranks... watch and learn"

"Sa tono ng boses mo, sure ako na may gagawin ka na namang kalokohan, naku-naku!"

"Patay sya sa akin mamaya sa bahay." Saad ko ng may pagbabanta sa tono.

"Oo na! Patay nga siya... pero ikaw ang mas patay kung hindi ka pa magbibihis, 5 minutes nalang bago mag bell at tapos na ang recess. May extra skirt ako sa locker hiramin mo na lang."

Nakangiting nag cling ako sa braso niya.

"TY!"sabi ko at kumaripas na ng takbo papunta sa locker niya dala syempre ang susi nito.

Pero guyz hindi ba kayo naguluhan sa sinabi ko kanina na 'curse that Crauses?' Eh Crauses din ang surname ko?

Well, the secret behind that line. I'm already married

Nagulat kayo noh? Kung hindi, eh di hindi -____-

Balik tayo sa topic. He is Joaquinne Angelo Crauses, 22 at pareho kami ng course. He is my rival since were highschool. Lagi kaming nag-aaway at gumagawa ng mga pranks sa isa't isa and Believe me or not, marami nang pranks ang nagagawa namin at mas malala pa ang mga yon kaysa dito. And the worst thing is, nakatira kami sa iisang bahay.

Nakakatawa right?

Na yung taong pinaka-ayaw kong makasama ay asawa ko pala. Gusto niyo nalaman kung paano?

Fixed marriage ang peg namin. Ang mga grandmothers kasi namin ni Joaquinne ay magbebestfriends at samahan pa ng mga grandfathers namin na magkasosyo sa negosyo. Oh diba? San ka pa?

Matagal ko nang kilala si Joaquinne dahil everytime na may dinner ang mga parents at grandparents namin ay syempre kasama kami. At simula pa lang ay mainit na ang dugo namin sa isa't isa, siguro bumabait lang kami kapag nasa harap namin ang mga parents namin.

Dahil sa sobrang closeness ng grandparents namin ay gumawa sila ng kasunduan na kapag nagka-apo ang isa sa kanila ng babae at ang isa naman ay lalaki. Ang mga ito ay magpapakasal pagsapit nila sa tamang edad.

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon