♥Chapter 10♥

83 4 0
                                    

Alam niyo yung feeling na bumabawi yung tiyan mo?

Huhu! Gutom na gutom akooo!!!

Lagi naman eh!

Pero sige, heto pa rin ang ud!

Hehe! Naiimagine ko po si Joaquinne as Luhan. Hehe! Ako lang naman po, pwede niyo namang iimagine sya sa ibang tao.

Enjoy reading!

♡♡♡

Gumulong ako paharap sa kanya nang---

0______0

Oh to the em to the yuck!!

"IPIS!!!" Tili ko at agad na umalis sa pagkakahiga sa tabi ni Joaquinne. May ipis kasi sa may bandang leeg niya, gumagang ito pababa sa T-shirt niya. Omo! Sa lahat talaga ng insekto eh ang ipis ang pinaka ayaw ko kasi naman! Galing sila sa mga kanal at kaderder ang mga itsura nila lalo na yung mga paa nilang nakaka inis kapag ginapangan ka?!

"What the heck!" Sigaw nito at kumembot-kembot na parang nakikiliti. Kung hindi lang talaga ako takot sa mga ipis eh kanina pa ako tumatawa. Possible nga sigurong mamatay ako sa kakatawa dahil sa reaksyon ni Joaquinne. Pero huhu! Ayoko sa ipis! Mama!

"Damn! Tanggalin mo!"

"Inuutusan mo ba ako?!" Mataray na saad ko pero deep inside. Nagkandangiwi ngiwi ma ako. Shocks! Para siyang sumasayaw ng gimme gimme nang nakahiga.

"Liza..." sabi niya na may tono ng pagbabanta kasabay ng masamang tingin. Abat siya na nga ang nagpapatulong, sya pa ang may ganang magbanta! Hmp!

At dahil nga sa napaka matulungin at maawain ko eh nag cross arms lamang ako. Bait ko noh?

"Wala akong naririnig. Lalala!" Pakantang sabi ko.

"Fine! I'll do everything you want just get this fucking piece of shit off me!" Pagsuko nito na ikinakinang ng mga mata ko.

"Everything?"

Napalunok naman ito na para bang nagdadalawang isip pero dahil nga sa maarte siya at ayaw mahawakan ang ipis eh sumuko pa rin ito. "Fine! But only 3 wishes."

Hinawakan ko ang baba ko na para bang nag iisip. Hmmm. Wala rin naman akong magagawa sa everything niya dahil hindi naman ako cheater na ginagamit ang kahinaan ng iba para sa mga pranks. Gusto ko yung may thrill, yung tipong fair kayo tapos natalo mo siya. Oh diba?ang sarap sa pakiramdam non?

"Liza."

"Okay!"

Lumapit na ako sa kanya pero hindi ko malaman kung saan ang ipis. Duh! Wala akong x-ray shades di kagaya ni Agent Cody Banks kaya hindi ko makita. Pero yung 3 wishes na sinasabi niya ano ka--

"Liza!"

"Oo na! pero tungkol don sa three wishes. Una sa lahat gusto kong bilhan mo ako ng bagong Ferrari, pangalawa gusto kong ilibre mo ako sa bukas at pangatlo, ibigay mo sa akin ang collection mo ng Harry Pottet books!"

Nanlaki naman ang mga mata niya at tiningnan ako na para bang seryoso ka? Kaya tumango ako sabay ngiti ng matamis.

"What?! No way! I will nev--"

"Okay! Madali naman akong kausap! Get that insect away from you!"

"Wait thats not fair!" Protesta nito pero wala akong pake. Gusto ko yung collection niya ng Harry Potter series! Kyaah! Fan na fan kaya ako ng Harry Potter! Lalo na ni Hermione Granger na sa totoong buhay eh si Emma Watson!

"It is fair."

Naglabanan kami ng titig nang bigla na naman siyang kumembot. At inis na napabuga ng hangin. "Okay! Brand new Ferrari, libre and my collection." Bagot na saad nito.

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon