♥Chapter 8♥

76 4 6
                                    

Huhu! Panindigan ang hindi pag kain ng kanin! Bwisit na singaw naman oh! Pero oks lang naman kasi mabuti pa naman ang puso ko kahit na ilang beses na niya itong sinaktan.

De joke lang! Enjoy reading guyz wag pansinin ang pag hugot ko kasi alam ko naman talaga na aasarin ako ng iba diyan.

Wala pong meaning yon...

Anyway enjoy reading guyz!

Lyza

♡♡♡

"Ays! Kapagod naman!" Reklamo ko at padabog na umupo sa isang malaking bato. Kanina pa kasi kami lakad nang lakad ni Joaquinne pero wala pa rin kaming ibang nakikita bukod sa mga bato, kahoy at mga puno. Tss, -____-

"Teka, usok ba yon?"

"Hindi nakakatawa Joaquinne, tss." Asar na sambit ko. Asus! Hindi na niya ako maloloko. Kanina kasi sumigaw siya na may bahay raw syang nakikita nang maupo ako at eto naman akong si uto-uto, sinundan siya sa paglalakad tapos halos isang oras na kaming naglalakad eh wala pa rin akong makitang bahay, tinanong ko siya kung totoo ba na may bahay siyang nakita pero kibit balikat lang ang sagot niya. Alam niyo na naman siguro ang ibig sabihin non diba?

"Totoo na nga kasi." Pangungumbinsi nito at may itinuro sa unahan pero wala akong pake kasi alam ko na kalokohan na naman ito. Tss.

"Totoo my ass."

"Bahala ka." At nagsimula na siyang maglakad. Wow bruh! Drama queen ang peg?

"Bahala ka rin."

Hindi na niya ako maloloko ulit.

Sundan mo na!

Nope...

Baka totoo na ang sinasabi niya!

Ayoko pa rin.

Wala namang masama kung susubukan diba?

.

.

.

Argh! Kung hindi lang talaga sa pesteng utak na to oh! Lakas mangulit!

Is it possible na makausap mo ang sarili mong utak? Well, nasa wattpad world tayo at walang impossible. =____=

Inis na tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinundan ang bruho na ngayon eh halos hindi ko na makita sa sobrang layo.

Seryoso siyang iiwan niya ako sa gitna ng daan?

At tsaka grabe kung maglakad ang isang toh. Parang laging may humahabol. Isang hakbang niya siguro eh dalawa na sa akin, at kung maglalakad ako eh hindi ko sya maabutan kaya no choice ako kundi ang takbuhin ang distansya namin.

"Seryoso ka talaga sa joke mo eh noh?" Inis na saad ko rito nang maabutan ko na ito. Hinahabol ko pa ang hininga ko dahil sa layo ng tinakbo ko.

Poker face lang ito at nagpatuloy sa paglalakad na para bang hangin lang ako sa paningin niya.

"Nice talking." Asar ko rito.

Pero isang napakahabang 'tss' lang ang narinig ko. O di ba guyz ang haba? =___=

Binaling ko nalang ang paningin ko sa daan na nilalakaran namin nang may mahagip akong bahay-kubo! Hala! Yey! Sa wakas, may nakita na rin kaming pwedeng matuluyan. Ang problema lang eh kung mabait ba ang nakatira diyan.

(A/N: Imagine niyo nalang po na yung pic sa taas ay yung bahay kubo na nakikita ni Liza.)

"Yey!" Agad akong tumakbo papunta sa bahay-kubo pero nang mapansin ko na mahinang naglalakad na si Joaquinne ay napahinto ako.

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon