♥Chapter 2♥

136 4 0
                                    

This chappy is dedicated to @camposprincess (Alleiah Entice) Ayan na pokemon Alleiah ah!

Si Liza po ang nasa pic.
Wala lang, naiimagine ko lang siya kay Naeun

♡♡♡

"What?! Napaka feeler naman talaga ng asawa mo!"

Agad kong pinukulan ng masamang tingin ang bruha. Balak pa talaga akong ipahamak sa harap harapang pagsigaw ng word na ASAWA, daldal talaga ng babaeng ito! Buti nalang talaga at iilan nalang ang mga estudyanteng dumadaan. Lahat kasi sila eh nasa cafeteria na at kumakain. Kami? Papunta pa kami ngayon sa cafeteria.

"Lower down your voice! Kailangan talagang isigaw? Nasa tabi mo lang po ako." With matching irap po yan ah.

"Bitter."

"Hindi ako bitter, beautiful."

"Anong konek?"

"Wala. Honest kasi akong tao kaya nagsasabi ako ng totoo." With matching flip hair. Haha! Walang papalag.

"Tss. Conceited. Teka--- dala mo ba yung bag ko?" Tanong nito at halatang nagpapanic.

Umiling naman ako at pinanliitan siya ng mga mata, "ano ka sinuswerte? Kailan ko pa dinala ng bag mo?"

Sa sinabi ko ay bumagsak ang mga balikat nito sabay nguso. "Hala! Naiwan ko yung bag ko sa rooftop."

Awtomatikong napa face palm naman ako. "Dont tell me kailangan pa nating balikan yon?" Inis na tanong ko.

Hindi naman ako tamad maglakad, sadyang nakakapagod lang po talaga ang maglakad pabalik sa kabilang side ng university at umakyat sa 5th floor gamit ang hagdan dahil under maintenance ang elevator para lang kuhanin ang bag niya na nasa rooftop. =____=

"Calm down woman! Nandon yung wallet at phone ko kaya kailangan KONG balikan yon. Alam ko namang hindi ka ganon ka santa para ilibre ako ng lunch, knowing me na pagdalawahang tao ang lunch ko. Kaya hintayin mo AKO dahil babalikan KO ang bag ko, humanap ka na rin ng pwesto natin. Ghad! As simple as that!" Tuloy-tuloy na litanya niya and before I could protest, kumaripas na siya ng takbo.

Wala na rin naman akong choice kaya pumasok na lang din ako ng cafeteria, alangan namang tumunganga ako sa labas diba? Muntanga na ako nun!

"Aray!" Daing ko nang ma out of balance ako kaya ayun! Ka face to face ko ang sahig! -_____-

"Nananadya ka ba?" Maarteng sigaw ng nabunggo ko na sa kamalas malasan eh si Veronica Shantal Sy na mortal enemy ko rin. Girl version nga siguro nito si Joaquinne eh!

Hindi ko na sana siya papatulan eh pero hindi nakaligtas sa tainga ko ang salitang lumabas sa labi niyang daig ang lipstick ni Anne Curtis sa kapulahan. "Bitch."

Tumayo ako at marahas na pinagpag ang palda kong nadumihan. Bitch pala ah!

"Sa tingin mo ba na sinadya ko ang mabunggo ka? Yuck! Takot ko lang na mahawaan ako ng garapata..." asar ko rito.

"Garapata?! Wala akong garapata!" Asar na asik niya.

"Bakit may sinabi ba akong sayo galing ang garapata? Ikaw ha! Napaghahalataan ka na!"

Malupit na tawanan ang dumagundong sa buong cafeteria na ikinagulat ko, hindi ko napansin na nasa amin pala ang atensyon ng lahat.

"Argh! Were not yet done." Inis na saad niya at madramang nagwalk out pero as usual wala akong pake.

"Haha asar talo!" Sigaw ko sabay belat nang lumingon ito. I know its a childish act but its fun ruining your enemies day. Try nyo, kung wala kayong kaaway eh di maghanap kayo.

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon