♥Chapter 4♥

99 5 0
                                    

Argh! Bwisit talaga ang lalaking yun!
Sana mabilaukan yun habang kumakain at hindi na naabutan ng tubig! Tapos mawawalan siya ng hininga at unti-unti siyang lalamunin ng kadilima---

"Huy! May pinapatay ka sa isip mo noh?" Saad nito at dinuro ako.

"Tss." Inis na tinampal ko ang daliri niya. Naiinis ako okay?!

Kunot-noong umupo naman siya sa tabi ko. "Anyare sayo?"

"Wala."

"Ano nga." Pangungulit nito pero sorry siya kasi mas makulit ako. '=____=

"Wala nga, kulit mo--- aray naman!"

"Yan batok para matauhan ka! Alam mo ba na halos liparin ko na ang rooftop para lang makabalik sa cafeteria ng mabilis kasi alam ko na mainipin ka?! At dahil sa mabait ka eh pagdating ko, wala akong nakitang ni anino mo. Tapos ano?! Pag tinatong kita kung bakit sasabihin mo wala?! Impossible namang nauna ka sa pagkain teh!"

Wow! Totoo, tinamaan ako ron ah.

"Ehhh. Shorrie naman beshe!" Paglalambing ko rito pero inirapan niya lang ako at pinitik ang noo ko.

"Stop with the baby talk Liza."

"Wow beshe! Nahiya naman po ang intestines ko! Sorry ah! Nahawa ako sa virus mo eh! At tsaka kaya kita iniwan kanina kasi ginawan na naman po ako ng kalokohan ng iba diyan!" Malakas na sabi ko para magparinig. With matching irap po yan ah.

Kita ko naman na napalingon sa gawi ko ang mata ni Joaquinne. Haha! Nasa classroom po kasi kami.

At dahil sa kami ay baliw na magkaibigan. Siya naman ang lumambing. Galing diba?

"Anong nangyari?"

Naiinis man ay kiniwento ko pa rin sa kanya ang nangyari. Ghad! Nakaka badtrip lalo na't tinawanan lang ako ng loka. Bait na kaibigan noh?

"Haha! Galing din niya eh! So ano nang plano mo?" Pag uusisa nito. Saglit na napaisip ako, ano nga ba?

Nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mga mata ko ang iniinom ni Josh na Chuckie. Gosh! Ang childish niya naman! Seriuously? Chuckie? Iniinom ng isang college student?

Mukhang may sinasabi si Jerome na nakakatawa kasi bigla itong nasamid at natapon ang chuckie sa uniform niya na ikinatawa naman ng lahat at syempre kasama na ako don.

"Alam ko na. Humanda siya sa Friday."

Insert evil smirk guyz.

♡♡♡

"Girl wag nalang kaya." Nanginginig na saad ni Mayre habang hinihila ang manggas ng uniform ko.

"Shhh. Wag kang maingay." Suway ko rito kasi baka mabuking kamin at mabulilyaso plano ko.

"Grabe ka talaga. Basta labas ako rito." Bago pa man ako makapalag ay naka labas na siya ng pinto at naiwan ako ritong nakanganga.

Hays! Bestfriend ko ba talaga ang isanh yon?

"Bahala na nga."

Friday ngayon at ngayon din ang araw na isasagawa ko ang aking planong maghiganti. Char! Lalim ng tagalog ni Author.

Balik tayo sa plano. Nagawa ko na ang first step at umaayon naman ang lahat sa plinano ko. First, kunyaring matatapunan ko siya ng chocolate drink sa unifrom niya (hindi po yon chuckie ah! Hindi ako kagaya ni Josh na napaka isip bata) kaya walang ibang option si Joaquinne kundi magpalit ng PE uniform.

Hehe! Kasalukuyan akong nasa loob ng restroom ng mga lalaki. Sinigurado ko munang walang tao sa loob except siyempre sa target ko. Naku! Mahirap na at baka mapagkamalan pa akong mamboboso.

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon