♥Chapter 7♥

89 6 2
                                    

Ni hao!

This chapter is dedicated to @angelblue143 (Jackie Tenebroso) wala lang, gusto ko lang siyang i thank dahil sa pag support niya sa akin. Hehe!

Enough muna po tayo kay Liza, try naman po natin kay fafa Joaquinne. Huhu! Sana may real life Joaquinne nalang.

Lovelots!
♡♡♡

JOAQUINNE'S POV

Tatawa-tawang tumalikod ako sa kanya. Ang sarap lang niyang asarin! Pulam-pula yung mukha eh! Epic!

Ramdam ko ang paggalaw niya kaya napalingon ako ng konti at nakita siyang lumipat sa back seat. Haha! Akala niya talaga sisilipan ko siya.

"Wag kang maninilip ah!" Banta nito.

"Tss. As if naman may makikita ako." Asar ko rito na alam kong ikaiinis niya.

Hindi naman talaga flat chested si Liza--- uy! Alam ko yang iniisip niyo kaya uunhan ko na kayo. Hindi ako interesado ah! Pero totoo naman eh, hindi siya FC (flat chested) pero hindi rin naman malaki kagaya ng sa ilang girls sa school. Sadyang gusto ko lang siyang inisin at asarin.

Napailing iling nalang ako nang dumapo ang tingin ko sa rear mirror (yan ba yung tawag sa salamin na nasa uluhan ng driver?)

To tell you the truth, humahanga ako sa isang ito. Kasi siya lamang ang BABAENG may gana akong barahin, hanga ako sa tapang at lakas ng loob ng isang toh. Lahat nga lalaki ng sa school eh takot sa akin dahil alam nila kung ano ang kaya kong gawin. Babae nga pinapatulan ko, lalaki pa kaya? Tss.

Sya lang ang babaeng kaya akong barahin, ipagtabuyan at pinatalikod pa nga para hindi ko raw siya makita. But the question is, hindi ko nga ba siya nakikita?

Huh!

Talino rin ng isang toh, ayaw raw akong manilip pero kitang-kita ko sya sa rear mirror.

Tagal pa naman niyang kumilos kaya patuloy ko pa rin siyang namamasdan hanggang sa maisuot na nito ang T-shirt ko. Wala sa loob akong napasimangot.

Sagabal naman yang telang yan. Tss

Wait! Where did it came from? Argh! Mababaliw yata ako sa babaeng ito.

But I admit, she looks so beautiful wearing my shirt. Kahit na siya lang ang babaeng nakilala ko na mukhang hindi marunong mag ayos ng sarili, Simple lang ito kung manamit at pumorma pero hindi maikakailang maganda ito, hindi lang sa labas kundi pati sa kaloob-looban.

♡♡♡

LIZA'S POV

Nang natapos na ako sa pagbibihis ay bumalik na ako sa shotgun seat. Ewan ko ba pero kanina habang nagbibihis ako eh may pakiramdam ako na may tumititig sa akin. Alam niyo naman ang feeling diba na parang may nagmamasid sa inyo?

Napapraning lang siguro ako, impossible naman na makita niya akong nagbibihis kasi nasa likod naman niya ako.

"Pano na yan... ang lakas ng ulan." Bulong ko na sakto lang naman para marinig niya. Ayoko kayang magtagal dito kasama ang impaktong ito pero wala akong choice kundi maghintay hanggang sa tumila ang ulan.

Wala kaming imikan dalawa. Hindi rin naman kami makabiyahe kasi sure ako na baha and knowing Joaquinne na super duper ang kaartehan sa katawan. -_____- hindi yan papayag na maputikan ang kotse niya, magasgasan nga lang iyan kahit konti eh beastmode agad siya.

Maya-maya ay unti unti nang tumitigil ang ulan, hay Salamat! Sa wakas makaka---

"Damn!" Nilingon ko si Joaquinne nang bigla niyang hampasin ang manibela ng sasakyan.

Eh? Anyare? Topak?

"Uy! Problema mo?" May himig ng pagtataka ang boses ko pero wala akong narinig na sagot mula sa kanya kundi mga malulutong na mura. Sarap kausap guyz noh?

Lalo pa akong naguluhan nang lumabas ito at padabog na sinara ang pinto ng driver's seat. Lumabas na rin ako para matingnan kung ano ang problema.

"Fuck!" Mura ulit nito at inis na napasabunot sa buhok. Kita ko ang pagkulipot niya sa phone niya. Mukha siyang naghahanap ng signal.

"Nong problema mo uy? Tumigil na ang ulan ano pang hinihintay natin? Milagro?"

"Goddamn it! Walang gasolina okay? Ginamit na naman siguro ito ni Jerome pangsundo sa mga babae niya---shit! Walang signal!"

Loading...

Processing...

0_______0

Ano raw?! Walang gasolina?!

"Ano nang gagawin natin ngayon?! Ayokong matulog sa daan! Ghad!" Panic na saad ko.

"Shut the fuck up okay?! You're not helping! As much as I want to get out of this freaking place, I can't cause first of all, no signal and wala nang gasolina."

Gusto ko man siyang sigawan eh wala rin namang magagawa iyon sa sitwasyon namin ngayon. Mas lalala siguro kung mag aaway pa kaming dalawa.

"Sa tingin mo, kailan tayo makakaalis dito?"

"Ewan... maghintay nalang tayo hanggang mag umaga." Agad na nanlaki ang mga mata ko. Seryoso siya?! Eh sa tantsa ko eh 8 pm palang ngayon. Don't tell me maghihintay kami ng 9-10 hours dito?

"Hindi pwedeng wala tayong gawin. Mamumuti ang mga mata natin sa puntong iyon." Tutol ko.

"At ano ang gagawin natin Aber?!" Aba't sumigaw pa ang bruho! Daig pa ang babaeng nanganganak sa lakas ng sigaw. Grrr...

Sumusobra na ang mokong to ah! Ako na nga yung nagmo-motivate sa amin tapos ako pa yung sinigawan?!

"Ewan! At tsaka bakit ka sumisigaw?!"

"Eh bakit ka rin sumisigaw?!"

Oo nga noh? Bakit din kaya ako sumisigaw?...

Ah basta! Hindi ako magpapatalo! Sumusobra na ang isang ito at tsaka kanina pa ako nagpapaubaya. Gusto niya ng sigawan, then bring it on!

"Ewan ko sayo! Mabuti pa't maghanap nalang tayo ng bahay o lugar na matutuluyan natin! At least kahit na wala tayong makita, masasabi nating ginawa natin ang best natin! Gabi na eh at malay na tin na may ahas o anong creature dito!"

Natahimik naman kami. Unti-unting nag sisink in sa akin ang mga sinabi ko. Wait! Hindi yung ahas thingy kundi sa...

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" Sabay kaming napalingon sa isa't isa nang sabay rin kaming nag salita. And for the third time, sabay rin kaming tumango.

Tingnan niyo nga naman... may gamit din pala ang mala machine gun kong bibig.

♡♡♡

Hehe alam kong walang kwenta. Pero pagtyagaan nalang.

Kainis kasi eh! Ang dami ko pang gagawin. Tss. Pero bawi ako sa next chapter. Or sa next next chapter. Ewan ko lang kasi kung sisipagin ako, nasa notebook ko kasi yung story.

Vote, comment and follow lols!

Zaijian!

Xoxo

Angel's TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon