SITAW 4 ♥

958 7 0
                                    

SITAW 4:

Vice Pogi's Point of View

Nagpunta ako ngayon sa bahay ni Karylle para surpresahin siya sa dala kong pancakes from McDonald's as breakfast namin. Sure ako napagod siya kahapon sa Cinderella rehearsals niya. Speaking of...nakalimutan kong sabihin yung upcoming movie namin ni Karylle sa February 14,2014. Odiba? Sakto sa anniversary namin and of course si direk Venn Deramas ang direktor. Bukas na daw ang umpisa ng shooting right before her Cinderella starts. Ay jusme, nakalimutan ko nga pala na opening bukas ng Cinderella. Hindi pa ko nakakabili ng tickets para sa ST hosts kasi pinromise ko sa kanila na libre ko at sabi ko din kay K na first day pa lang manonood na kami. Magagalit yun, and I don't want my fiancee to be mad at me. >__<

Nakarating na ko sa bahay nila K. Nag-doorbell ako at si Coco ang nagbukas ng gate. 

"Oh no. Ate Karylle went running with her other friends. Didn't she tell you?" Hala, wala pala si K dito. Kakaalis lang din daw kaya kung gusto ko, hintayin ko na lang muna siya. 

"Sige. Hintayin ko na lang siya, Nicole," Nicole ang totoong first name ni Coco, "Sorry kung maaga akong dumating ah? Nandiyan ba si tita Zsa Zsa?" 6:30 am pa lang kasi ngayon. Kung nagtataka kayo kung saan ko kinuha yung pancakes ng ganito kaaga, 24 hours kasi ang McDo kaya nakabili agad ako. Wala namang masyadong tao pa dun kaya walang customer na nakapansin sakin. 

"Wala si mama. Maaga ang shooting nila for a movie and she left at 5 in the morning." Sagot sakin ni Coco.

Naupo na ko sa may sala at binuksan ang t.v. Nag-decide akong ilipat yung channel sa GMA. Hindi ko alam kung bakit. Basta may pumilit lang sa katawan ko na ilipat ko dun. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ko sa morning news sila Dingdong and Marian. What's worse is what the newsreporter said...

"Marian Rivera and Dingdong Dantes, kumpirmadong hiwalay na sa kadahilanang ang ex-girlfriend daw ni Dingdong na si Karylle Padilla ay gusto pa din ng lalaki. Isa ba itong paghihiganti ng artistang si Karylle kay Marian dahil sa ginawa niya noong nakaraang apat na taon?" Pinatay ko na yung t.v. Hindi nag-process sa utak ko yung mga nakita ko kanina. 

Actually kasi mas thankful nga ako sa kanilang dalawa kasi kung wala sila, siguro hindi ko nakilala ng lubusan si K. Pero ngayon, ayoko na kay Dingdong kasi naalala ko yung mga kinwento ni Karylle kung pano siya sinaktan dun sa break-up nila ni Dingdong. At higit sa lahat, may gusto pa siya kay K?! Kung kelan ba naman engaged na kami dun naman siya sisingit at guguluhin ang lahat?! 

DING.DONG.

"I'll get it." Papunta na si Coco ng bigla ko siya hinarangan at sinabing, "Ako na. Kailangan ko pa siyang kausapin." Binuksan ko na yung pinto at si Karylle nga.

Pero nung makita ko agad siya, hindi ko na naitanong yung tungkol sa balita kanina kasi bigla niyang sinabi, "Oh, Vice, bakit ka nandito? I mean, hindi naman sa ayaw kitang makita pero, ang aga naman yata? Bakit hindi ka muna natulog since weekend naman ngayon at wala naman tayong pasok sa ST? Ano yan?" Hinablot niya yung hawak ko na McDonald's. Ang bilis niyang magsalita at parang natataranta. Hindi niya ko pinasalita. "Pancakes? Tara dun sa table. I'll prepare coffee na din. Ano pa gusto mo? Wala na? Gusto mo nood tayong movie? Babawi ako sa'yo. Ice skating sa MOA? Punta tayo sa park? Saan?" Ang bilis niyang magsalita kanina. At alam ko na kung bakit. Dahil siguro ito dun sa balita kanina. Malamang nalaman niya na ng maaga at tinawagan na siya nung Dingdong na yun. Jusme. Nakakabanas -_-"

"Karylle, ano bang problema? Sabihin mo naman sakin nang hindi ka pinagpapawisan diyan habang nagsasalita." 

Napatigil siya at humarap sakin. Hinila niya ko sa sofa at naupo kaming dalawa.

"Vice, may sinabi sakin si Coleen kagabi." Sabi ni K nung pagupo pa lang namin.

"Na mahal ka niya? Wahaha! Joke lang. Ano yun?" 

"Sabi ni Coleen na nung kasama niya daw si Dingdong sa shooting nila...umamin daw si Dingdong na break na sila ni Marian. At ako daw ang dahilan...kasi mahal pa daw ako ni Dingdong. Vice I'm sorry! Hindi ko alam na magkakaganito...pero promise ko sa'yo na ikaw lang. Ikaw lang talaga ang pangalawang lalaki na mahal ko. Honesto." :(

"Bakit pangalawa lang akong lalaki sa buhay mo?" Nakakalungkot. Si Dingdong nga siguro yung una. :'(

"Kasi si papa M. yung una :P Tatay ko yun noh." Sabay behlat niya sakin. Haayy nako. Kung di ko lang 'to mahal eh. XD

"Eh pano na yun? Kung linapitan ka ng linapitan ng lalaking yun? Anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. 

"Alam ko namang ipagtatanggol mo ko eh >:)" -.-

"Haha! Syempre naman ipagtatanggol kita. Kahit ba sa batas eh." XD

----------

Hehe. Sorry ang tagal ng ud :P

Ang ewan ng update. 

Luh. Malapit na pala ulit mag-January. 

2 years na ko sa Wattpad. lols.

XDDDDDDDDDDD

SITAW 5 >>>

*I Found My Smile Again* --ViceRylle Story!! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon