SITAW 8 ♥

657 7 1
                                    

SITAW 8

Vice Pogi's Point of View

Hindi ko na kaya...

"Kurba, lalabas muna ako ah." 

"Uhm, o sige."

Binuksan ko ang pintuan at lumabas. Tuluyang tumulo ang mga luha ko...buti na lang at gabi na--wala nang masyadong tao dito sa may labas ng kwarto ni K. Tahimik na ang lahat dahil malamang ay natutulog na ang mga pasyente. 

Ano ba 'tong nangyayari sa amin ni K? Agad na natanong ko sa sarili. 

Parang kahapon lang ang ayos ayos pa namin. Nagtatawanan, at para bang mas sweet pa sa honey at bears. -.-'

Gusto ko sana maging positive para kay Karylle. Pero hindi ko na talaga kaya eh. Pa'no na lang kung mawala na siya? Magiging bakla ba ulit ako? Ayoko na kasing bumalik dun eh. Masaya ako na maging lalaki para sa kanya, pero pa'no kung wala na yung dahilan ko para magpaka-lalaki?

Pinunasan ko ang luha ko. Nakakainis naman kasi eh. Baka mahalata pa ni K na umiiyak ako, at mag-alala pa siya. 

Nang nasiguro ko nang tumigil na ang pag-iyak ko, pumasok ako ulit sa kwarto ni K. Pinilit kong ngumiti pero parang hindi pa din halatang totoo ang ngiting iyon.

"Visceral, umiyak ka ba ha?" Agad na tanong niya sakin. 

"H-ha? Hindi ah..." Nagsinungaling ako sa kanya. 

"Vice." Seryoso na talaga siya. 

"Hmm?"

"Kilala kita. Alam ko kung malungkot ka or hindi." 

"Eh kasi naman," Tumulo nanaman yung mga luha ko, "Pinipilit kong maging positive at iniisip ko na magiging okay ang lahat. Pero pa'no mangyayari yun kung yung pagka-positive ko ay masyadong malayo sa katotohanan?!" Pinunasan ko ang luha ko pero patuloy pa din itong pumapatak. 

Umiwas ng tingin sa akin si Karylle...alam kong umiiyak na din siya. Nararamdaman ko ang mga nararamdaman niya--na hirap na hirap na din siya lalo na't hindi naman siya masyadong expressive ngayon sa feelings niya. 

Pakiramdam ko nga na we're slowly drifting apart. 

Hindi ko alam kung bakit, pero may kulang. Hindi lang yung pagkakaroon niya ng sakit pero alam kong may kulang. 

----

Anne Curtis-Smith's Point of View

Gabi na pero nasa work pa din ako dahil sa busy sched ko. 

"Ma'am, may tumatawag po." Sabi ng PA ko habang hawak-hawak ang phone ko. Inabot ko ito at nakitang tumatawag si Karylle. 

"Hi, K!" 

"Anne..." Medyo nanginginig ang boses niya and parang she's crying.

"Oh, girl, what's wrong?" I sat down sa isang couch sa dressing room ko while I'm talking to her on the phone. 

"M-may sasabihin akong importante." 

"What is it? Gusto mo ba we'll come to your house?" Tanong ko sa kanya. 

"Wala ako sa house ngayon, Anne. Nasa hospital ako." 

**

SITAW 9 >>

*I Found My Smile Again* --ViceRylle Story!! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon