SITAW 6 ♥

732 10 1
                                    

A/N: After 1234567891414141414 lightyears ago nakapag-update din ako. XD

SITAW 6: 

Ana Karylle Padilla Tatlonghari soon to be a Viceral's POV

*Flashback*

DINGDONG~

Nagpunta ako sa pintuan para tignan kung sino ang nasa labas ng bahay na nag-doorbell. Pagbukas ko, nakita ko si Zia and Coco na may dalang fuds XD

"Hi ate! May we come in? :D" Tanong ni Zia. 

"May dala kaming fuds~! ^_^" Sabi naman ni Coco habang excited na tinaas yung dala niyang pagkain. 

"Sure! Bakit kayo nagpunta dito? Kamusta si mama?" Tanong ko sa kanila sabay upo sa sofa at binuksan ang t.v.

"She's fine naman," naupo si Zia sa tabi ko, "Busy lang masyado sa projects niya especially sa ASAP at sa bago niyang magiging movie." 

"How about you?" Sabi ni Coco bago isubo yung pagkaing dala nila. XD

"Ok lang, though madali akong mahilo ngayong past few days. Hindi ko alam kung bakit."

Kumuha ng sauce si Coco sa kitchen habang si Z naman ay kausap ko. 

"Stressed ka lang siguro, ate. Maaga ka bang natutulog every night? Don't overwork yourself, ha." Payo niya sakin. Ako naman, nakatingin lang sa screen ng t.v. habang hawak hawak yung stick ng siomai. 

"May Cinderella practice kasi kami every afternoon after ng Showtime. And minsan hanggang gabi pa yung rehearsals." 

"Nako ate. I think you should consult a doctor."

"Hindi naman masyadong serious yun eh. And don't worry, kaya ko naman i-handle ang lahat ng 'yon." Tumayo ako pero biglang...

Nagdilim ang paningin ko at para bang bumagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay. 

Pagka-gising ko ng araw na yun, nasa harapan ko sila Z and Coco at yung doctor ko. Mukhang nasa ospital ako kahit sinabi ko sa dalawa kong kapatid na ayoko talaga sa mga ospital.

"Ayan na, dok! Gising na siya! :D" Sabi ni Coco nung mga oras na yun. Sabi nila alalang-alala daw sila, pati daw si mama na tumawag kanina. 

"Ms. Tatlonghari..." 

"Bakit po?" Parang kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung bakit pero may nagsasabing hindi maganda ang kalalabasan nito. 

"We checked everything, yung kalagayan mo and something is not normal with your blood cells." Doctor Valdez said.

"Hindi ko po kayo maintindihan." Tumingin ako kila Zia and Coco na mukhang malungkot ang expressions nila. Si Zia ay malapit nang umiyak, kaya naman mas kinabahan pa ako. 

"I'm sorry to tell you this but...you have lukemia." Noong oras na yun ay pumatak ang luha ko at para bang gusto kong mayakap si Vice ngayon. 

*End of Flashback*

---

Mukhang tragic pa ending nito ah XD

SITAW 7 >>

*I Found My Smile Again* --ViceRylle Story!! ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon