Anne's Point of View
"Oh? Bakit ka naman nasa ospital? Sinong binibisita mo diyan?" Tanong ko kay K habang kausap siya sa phone.
"Wala akong binibisita, Anne." Eh bakit ba siya nandun?
"Tambay tambay lang ba, K?"
"Hindi din." Uhm, di ko talaga gets kung bakit siya nasa ospital. :\
"Eh ano?"
"Na-confine ako."
"HA?! Nasan kang ospital? Pupuntahan kita agad diyan, okay?!" Sinabi ko sa PA ko na ayusin muna yung gamit ko. Nagpaalam na din ako sa direktor namin since tapos na naman yung scenes ko para sa Palmolive commercial.
"Wala ka ba sa trabaho? Baka na-istorbo kita." Sabi niya.
"Hindi. Mas importante ka naman, noh. Anyway, pasakay na kami ng car. Saan yung ospital?"
"Sa may ********* Hospital..."
"I'll be there in 20 minutes." In-end ko yung call.
Hala, sana okay lang siya ngayon. I wonder kung bakit siya nasa ospital at na-confine siya. Naaksidente ba siya or whatever? Sana naman hindi...
Sumakay na kami ng PA ko sa car at pinuntahan si Karylle sa sinabi niyang location ng hospital. In 15 minutes nakarating kami doon. Wala kasing masyadong traffic kasi nga medyo gabi na din.
I asked the nurse sa may information kung saan ang room ni K.
"Sa room 214 po. Uhm, miss Anne... pwede po bang pa-picture?" Naglabas siya ng camera niya. "Fan niyo po kasi ako eh. Tuwing tanghali po eh nanonood kami ng Showtime dito sa may lobby. Sige na po, please!" Uhm, pa'no ba 'to?!
"S-sige." Inabot ko sa PA ko yung camera para ma-picture-an kami.
"Thank you po! Ngayon may ipapakita na ko sa ibang mga nurse dito! Pero teka lang po..." Patakbo na sana ako sa room 214 nang bigla niya kong pigilan. "Bakit niyo po hinahanap si miss Karylle? Alam niyo po ba kung bakit siya naka-confine dito?" Ayokong magsabi ng masama pero parang ang chismosa naman nitong nurse na 'to. -.-'
"Ah, e hindi ko po alam eh. Ngayon ko pa lang aalamin." Di'ba dapat alam niya kung bakit nandito si K? "Anyway. Kailangan ko na puntahan yung room niya ha?"
"O-okay. Thank you po sa picture!" At bumalik na siya sa trabaho. Nagmadali akong puntahan ang second floor at hinanap ang 214. Malayo pa lang ay nakita ko si Vice sa labas ng pintuan.
"Vice! Nasan si K?!"
"Anne, buti nandito ka. Sinabi na pala ni K sayo na may sakit siya. Nandoon siya sa loob."
May sakit? Si K?
Bago ko buksan ang pintuan ng room niya, parang na-freeze ako sa kinalalagayan ko. Parang ayaw kong makita kung anong itsura ni K ngayon. Hindi naman sa nandidiri ako sa kanya, ha? Hindi ko lang sure kung gaano kalala ang kalagayan niya.
"Anne, pihitin mo lang yung door knob. Gagana yan. Wag kang matakot." Sabi ni Vice -_-
"Alam ko naman kung pano buksan yung pinto, noh! Kinakabahan lang ako kapag nakita ko na siya kasi baka hirap na hirap na siya. Ayaw ko pa naman nakakakita ng kaibigan na naghihirap at parang wala siyang lakas na loob para tapusin ang paghihirap na yun."
"Ang lalim naman niyan, Anne. Tara na nga. Samahan na kita sa loob." Tumayo siya at inaya na kong pumasok sa loob ng room.
"K!" Lumapit ako sa kama niya. "Okay ka lang ba? Anong sakit mo?"
---
"Pa'no nga kaya kung gano'n ang nangyari kay Karylle?" Sabi ni Vhong sa backstage. Nandito kami ngayon at nagu-usap usap bago mag-Showtime.
"Si K? Magkaka-cancer? Nakakatawang kaisipan yun ha! Atsaka, never mangyayaring magkakahiwalay kami ni Kurba kahit kailan!" Hinawakan ako sa kamay ni Vice pagkatapos nyang sabihin yun. Nag-iisip kasi kami ng pwedeng twist sa story ko at yun ay magkakaroon ako ng cancer. Nung araw na kausap ko yung kapatid ko sa bahay, nagdilim ang paningin ko. Pero hindi naman ibig-sabihin nun na may cancer na ko. Sadyang madami lang akong iniisip dahil engaged na kami ni Vice at stressed lang ako sa schedule ko araw-araw.
"At talagang si Anne pa ang pangalawang makaka-alam sa ating mga hosts." dagdag ni Jugs.
"Ganito na lang bilang twist sa story! Maganda kung pagkagising ni ate K, si Vice agad ang makikita niya. Yung para bang Sleeping Beauty? Tapos happily ever after na!" Sabi ni Coleen from behind us.
"Oo, Coleen! Push mo lang yan!" -Vice
*knock* *knock*
"1 minute na lang po ie-air na tayo." Sabi ng isa sa mga staff ng Showtime. Nag-prepare na kami for the show.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Twisterrrr :)
SITAW 10 (Last Na 'To!)>>
BINABASA MO ANG
*I Found My Smile Again* --ViceRylle Story!! ♥
FanfictionAyan ah! First fan fic story ko to para sa ViceRylle :3 On-Hold muna yung ibang stories ko para ma-update ko 'to. Mawawala kasi yung concept kapag hindi ko agad na-publish eh. :) Yung title nga pala galing dun sa kanta ni Karylle. Check nyo din sa...