CHAPTER 1

295 12 5
                                    

Ilang taon na ba ako sa school na to? Since high school pa ko dito e third year college na ko ngayon. Di man lang ako pinagbigyan ng mga magulang ko na mag-aral sa ibang bansa gaya ng kay kuya. Nakakainis na kasi sa school na to e. Ay hindi pala. Yung mga estupidyante pala ang nakakainis dito. Bakit estupidyante ang tawag ko sa kanila? Kasi estudyante lang sila sa salita pero stupid pagdating sa gawa. Puro lang sila pagwapo at paganda wala naman pala silang maibubuga pagdating sa klase. Lagi akong inaaway ng karamihan sa mga babae dito dahil malapit ako sa isa sa pinakasikat, pinakagwapo at pinakamatalino sa school na to, si Andi Ilacad.

Papasok na naman ako sa school na to. At habang papasok ako may mga naririnig na naman akong nagbubulong bulongan sa paligid. Seriously? Parang hindi bulongan e parang usapan.

'Look at her.'

'Hindi naman kagandahan at alam kong hindi rin naman matalino yan e.'

'Baka nagpapaturo lang yan kay Andi. Masyado kasi syang mabait.'

'Inaabuso tuloy ng iba jan.'

Sige magparinig pa kayong mga unggoy kayo!

'Inggit lang kayo!' Gusto kong isigaw sa kanila yun pero hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad.

Alam ko naman na hindi ako maganda e at hindi rin naman ako pangit no! Simple lang kasi ako kung mag-ayos di katulad nila. I prefer wearing t-shirt, jeans, rubber shoes at backpack tas polbo lang sapat na. Minsan nakalugay ang buhok ko, minsan naman nakapusod o nakabraid. Mas komportable ako dun. Sa kanila kasi palaging nakaskirt o dress na napakaiksi tas ang hilig pa sa mga fitted na damit yung talagang hapit sa katawan at kitang kita mo ang hubog nito. Tas minsan kita pa mga cleavage nila. Sana nagmodel na lang sila sa AVON kesa mag-aral dito at lumandi. Tas ang kakapal pa ng mga kolorete sa mukha. Diyos ko!

'Aral muna mga be bago landi.' Pabulong na sabi ko habang patuloy na naglalakad.

'Why bes? I can do both naman eh.' Sabay flip ng kanyang buhok na akala mo eh mahaba saka nagpose at rumampa saka nagpose ulit.

Natawa na lang ako sa itsura ng bestfriend kong si Enzo. Mukhang lalaki pero pusong babae. Ito na yata ang kilala kong pinakamalandi sa lahat.

'Hoy! Ano ka ba?! Ayosin mo nga lakad mo. Makarampa ka naman parang sasali ka ng pageant ha.'

'Ay bes! Antayin mo. Balang araw mapapasakin din ang korona ng Ms. Universe.' At inilagay pa nya ang kanyang dalawang kamay sa ulo na akala mo'y isinusuot ang korona.

'Gising bes. Naku naku! Anong oras magstart klase mo?'

'11 pa bakit?'

Tinignan ko ang oras sa wristwatch ko. Hindi ko na sya sinagot at hinatak ko na lang sya papunta sa gym kung saan ginaganap ngayon ang laban ng basketball ng magkaibang school. Nagpupumiglas pa sya at tinatanong kung san kami papunta pero di ko na lang sya pinansin o sinagot.

Manunuod ako ng basketball para suportahan ang crush ko na si Eros. Nagkacrush ako sakanya nung tinulongan nya ko one time sa mga babaeng umaaway sakin.

Bago ko pa ituloy ang kwento ko magpapakilala muna ako. I'm Zanea Jade Pascual. Zanea ang tawag nila sakin. I'm 19 years old. Third year college student sa Javier University, school kung saan tinatawag din nilang School of Gods and Goddesses. Alam nyo ba kung bakit? Ganto kasi yun, sikat ang school na to at puro magaganda at gwapo ang mga estudyante dito. Kung wala ka nun, ibubully ka nila at mapipilitan kang lumipat ng school. Kahit pa mayaman ka kung wala ka namang ibubugang itsura wag ka na lang mag-enroll dito. Dahil walang nagtatagal na pangit, badoy o nerd dito. Ako? Wag mong isipin na pangit ako hoy! Maganda daw ako sabi nila. Simple lang daw ako manamit hindi ako badoy o nerd na nagsusuot ng malaki at makapal na eyeglass pero matalino ako.

His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon