Chapter 16

7 0 0
                                    











Its been one week since nung time na nagconfess si Third sakin. And its kinda awkward kaya umiiwas ako sakanya.

Lam nyo yun? Bigla kang may nakaclose tas bigla bigla din magkakagusto sayo? Okay na okay naman kayo as friends pero since nagconfess naloka na ko!

Todo din yung tanong nya sakin mapatext, chat o sa personal man kung bat ko daw sya iniiwasan. Isnt it obvious? Syempre naiilang ako.

Mabuti na lang at malapit na yung Mr. and Ms. Campus 2016 kaya excuse na kami sa mga klase namin para magfocus sa praktis. Hindi ako umoo sa offer ni Third na sya yung maging partner ko sa talent portion kasi nga nahihiya ako! Kaya si Eros na lang total pumayag naman na sya.

10:30am yung praktis namin kaya late na din ako pumasok. Gusto ko sana pumasok sa 8am na klase ko kanina kaya lang nahihiya ap rin talaga ako kay Third.

Dumiretso na ko sa gym kung san laging ginaganap yung praktis namin.

Nung malapit na ko sa gym biglang may umakbay sakin.

Nagulat ako nung tinignan ko kung sino yung biglang umakbay sakin.






Si Third!!!

Bigla kong tinanggal ang mga kamay nya mula sa pagkakaakbay nya sakin at nagtatatakbo na ko papunta sa gym.

Pagkadating sa gym, sobrang hiningal ako dahil sa sobrang gulat, kaba at bigla kong pagtakbo kanina.

"Okay ka lang?" sabay akbay na naman sakin! Pero hindi yung pangcouple na akbay. Yung parang pinatong lang nya yung kamay nya sa mga balikat ko ganun!

Nagulat na naman ako kasi akala ko si Third yun!

Pero hindi pala.

Si Eros!

"O-o!" sagot ko habang hinihingal pa rin.

"Tara na. Magsisimula na yung praktis."

"Sige." Tanging naisagot ko at kinalma ko na ang sarili ko.

Natapos ang praktis namin at exactly 12:30pm. Hanggang sa ganong oras lang kami araw-araw dahil yung panghapon naman daw ay yung sa talent portion.

Dito rin kami sa gym nagpapraktis ni Eros. Interpretative yung gagawin namin.

Naghire pala kami ng magtuturo samin. Mabuti na lang at hindi kami mahirap turuan pareho kaya mabilis kaming natatapos.

Mga pass 5 na nung lumabas ako ng gym dahil nagpalit pa ako ng damit.

Pagkalabas ko sa gym, sumalubong sakin si Third.

Sobrang nakakagulat naman ng araw na to! Bigla bigla na lang syang lumilitaw sa harap ko! My God!

"Its been a long time babe?" sabay ngiti at lumapit pa sya sakin ng sobrang lapit.

Omg! Bat ganyan sya makangiti?

"Di maitago ang kilig? Sobrang pula na ng mukha mo. Pero cute ka pa rin." saad nya habang nakangiti pa rin.

Bigla naman akong napatakip sa aking mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"A-ano? Di ako kinikilig ha!"

"Tss. By the way, may I take you home for today?"

"Bakit mo naman ako ihahatid?" Tanong ko.

"I just miss you." sagot nya at ngumiti ng nakakaloko!


Ano daw?!

Di ko pa rin tinatanggal ang mga kamay ko sa aking mukha. Dahil baka mamula na naman ito at makita na naman nya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon