Chapter 2

157 9 0
                                    

'Be my girl.'

Maawtoridad na sabi sakin ng akala mo kung sinong gwapo ang lalaking to. Well, I admit gwapo sya pero di yan tatalab sakin.

'Be your girl? Me? Seriously? To think na wala pang isang araw kayong hiwalay ng girlfriend oww-- ex nga pala tas lumalandi ka na?' Sagot ko. Wala kong pakealam kung ano pang isasagot nya. Ayoko lang talaga sa mga katulad nya.

'Be my girl.' Pang uulit nya ULIT.

'Hindi mo ba alam kung pano manligaw ha? I wonder kung paano mo napasagot si Hailey nyan.'

'I'm not going to court you, because at the first place hindi kita gusto o mahal. I just want you to be my girlfriend, but a fake one. Para pagbayaran ang gulong dinulot mo.'

Is he damn fucking serious?!! Pero ang sakit nung sinabi nya ha. Hindi nya ko gusto o mahal pero gusto nya kong maging fake girlfriend para pagbayaran ang gulong dinulot ko.

'Wait. WHAT? Ano bang gulo ang ginawa ko sa araw na ito na naapektuhan ka? Ha?!' Singhal ko sakanya. Alam kong wala namang makakakita o makakarinig samin dahil nasa pinakalikod kami ng aming school. Bigla na lang kasi akong kinaladkad papunta dito.

'Alalahanin mo kasi kung ano ang ginawa mo kanina nung nilapitan mo ako at naapektuhan ang iniingatan kong relasyon namin ni Hailey.'

Wow ha! Akala mo naman loyal e nung isang araw lang may nakita akong ibang babae na kahalikan nya. Tss

Inalala ko na lang kung ano ang sinasabi ng kumag na to. Pero ang naaalala ko lang ay ang paglapit ko sakanya nung matapos ang laro nilang basketball kanina. Bukod dun, wala na. Nilapitan ko sya dahil may babaeng humingi sakin ng pabor na kung pwede ay ibigay ko daw ang tubig at  bimpo na hawak nya kay Third Javier. Ang pinakasikat na estupidyante sa school na to hindi lang dahil sa apo sya ng may-ari ng school na pinapasukan ko kundi gwapo din sya at isa sa pinakamagaling na basketball player ng school namin. Okay, back to the topic. Yun nga may humingi ng pabor at dahil nga sa mabait ako. Tinanggap ko yun at pinagbigyan ko sya sa kanyang pabor. Kinuha ko ang tubig at bimpo sakanya at agad ko yung binigay kay Third. matapos ng kanilang laro. Pagkatapos nun ay umalis na ko.

'Dahil ba sa pag--

'Kahit ano pa yun basta be my fake girlfriend. You don't say no to Third Javier. Dahil bago ka pa umangal nakapagpost na ko sa Facebook na we have special something to each other. Kalat na kalat na yun kaya kumagat ka na lang.' Sabi nya atsaka ngumisi sakin.

'Masisingil na rin kita sa kasalanan mo.' Pagkatapos nyang sabihin yun ay tumalikod na sya at umalis. Samantalang naiwan akong nakanganga dito.

Nakapagpost na sya sa facebook at kalat na kalat na ito. Pagpipiyestahan na naman ako ng Unibersidad na ito. Marami na naman ang magagalit at maiinggit sakin nito. Mas marami na naman ang aaway sakin. OMG!

WHY THE HELL THIS IS HAPPENING  TO ME?

Matapos ang insidenteng yun umuwi na ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi na rin ako pumasok pa ng klase dahil nawalan na ko ng gana. Pano ba yan? Mas lalala na naman ang pang-aaway nila sakin. Tas sasabihan na naman ako ng malandi. Hays! Napabunot ako sa buhok ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam.

Kinuha ko na lang ang phone ko na kanina pa nagriring. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at sinagot ito.

'Oh. Hello, Andi. Ba't ka napatawag?' Masiglang bati ko pagkasagot ko ng tawag nya.

'Zanea, are you okay? I heard your Third's new girl? At ikaw daw ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Hailey. Okay ka lang ba? Wala bang uma-

'Hep hep hep! Easy lang Andi. Isa isa lang ang tanong, okay? Tsaka okay ako at hindi totoong ako ang bago nyang babae at mas lalong hindi ako ang dahilan kung bakit sila naghiwalay ng girlfriend nya.'

His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon