Chapter 10

103 8 2
                                    

Third POV

Pumasok ako ng school mag-isa at badmood. Dulot pa rin ng kagabi.

Pumasok ako nang school mag-isa at hindi ko sinundo si Jade. Bakit?

Magpapamiss ako. Hahahaha! Sana effective.

Dumaan muna ako ng building nila bago tuluyang pumasok sa klase ko. Eight am ang pasok nya ngayon ako naman 10:30 pa. Hehe pero maaga akong pumasok. Wala lang. Trip lang.

Pagkadaan ko sa room nila, wala pa sya. Halla! Malapit na mag-eight. Late na yun. Sana sinundo ko na lang sya at di nagpamiss.

Ay! Mali! Ay hindi tama pala! Ay mali! Aysh! Basta magpapamiss na lang ako. Bahala sya kung di nya ko mamimiss.

'Pero pano nga pag di ka nya mamiss?' Tanong ng isip ko.

'Wag ka ngang kumontra! Mamimiss nya ko at hahanapin nya ko.' Pabulong na sigaw ko sa sarili ko.

Then naramdaman kong may nagvibrate mula sa bulsa ko.

Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang nagtext.

BINGO!

Abot tenga ang ngiti ko ng pangalan nya ang una kong nakita.

I opened her 24 text messages. May mga missed calls din. Sabi na eh. Mamimiss ako neto.

Pagkaopen ko ng isang text nya. 'Unggoy!' lang ang sinend nya. Tas yung mga sumunod tinatanong nya kung nasan ako.

Di lamg ako namiss neto. Hinanap din ako. Hahahaha! Sarap sa feeling mga bro!

Nagtungo muna ako sa cafeteria matapos nun ay nagtungo na ako sa classroom namin para dun na magpalipas ng oras.

Habang papalapit sa building namin, nakita ko si Jade sa gilid ng isang garden. Nagpapapadyak at tila naiinis.

Problema kaya nun? Eh class hour pa nya.

Naku! Wala pala tong deans lister na to eh. Nagcutting class naku naku bawas yan sa point.

Tinitignan ko lang sya mula dito ng may maisip akong magandang ideya.

Yayayain ko ulit siyang lumabas sa sabado, pag umayaw sya isusumbong ko sya sa head ng college nila na nagcutting class sya. Galing ko diba? *insertsmirkemoticon*

Papalapit na ko ng madako ang tingin nya sakin. Halatang inis na inis sya.

Kinuha nya ang isang sapatos nya tsaka ibinato ito sakin pero umilag ako para di matamaan.

'Hoy! Ano ba? Balak mo bang dungisan ang gwapo kong mukha?'

Imbes na sumagot ay ibinato pa nya sakin ang pares ng sapatos nya.

'Nakakainis ka! Nakakainis ka!' Sinabi nya yun habang pinagsusuntok at sampal ako.

'Ano na naman bang nagawa ko ha? Ba't ka ba naiinis?'

'Ikaw! Ikaw ang dahilan kung bakit ako naiinis!'

'At bakit?'

'Kasi nakakainis yang pagmumukha mong unggoy ka!'

'Ay ay! Mali ka diyan. Ang gwapo ko oh.' At nilagay ko pa sa ilalim ng baba ko ang aking kamay.

'Unggoy! Girlfriend mo ko diba?!'

'O-oo oo. Girlfriend kita bakit?'

'Gago kapal mo! Fake girlfriend kamo.'

'Gulo mo! Bakit ba?'

His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon