Chapter 6

108 8 0
                                    

Nagulat kami sa biglang pagsulpot at pagsalita nya.

Natahimik si Hayley at nakatingin lang kami kay Third habang nagbubulong bulongan naman ang mga tao sa cafeteria.

'What 'no, she's not' huh? Noon pa man niloloko mo na ko Third! I thought you're loyal and honest but I'm wrong.' Naiiyak na sa galit si Hayley.

Tinignan ko si Third at magkahalong galit at awa ang makikita mo sa mga mata nya.

'Really Hailey? Am I the one who did not stay loyal and honest?' Ngumisi sya.

Tinignan ko si Hailey at parang nagulat sya sa naging sagot ni Third sakanya.

'I think you're the one who is wrong here.' Ani pa ni Third saka ako hinawakan sa kamay at lumayo dun.

'Let's go babe. Let's stay away to those liars.' Wow! Makaliars wagas! Eh anong tawag mo sa pagpapanggap natin? Gusto ko sanang magreact sa sinabi nya pero mas pinili kong manahimik na lang dahil seryoso kasi ang mukha nya.

Nasa loob kami ng sasakyan nya at wala ni isang nagsasalita sa amin.

Diretso lang ang tingin naming dalawa sa labas.

'I have to tell you something.' Pagpuputol ni Third sa katahimikan.

Tiningnan ko lang sya diretso sa mata at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

'Matagal nang gustong makipaghiwalay ni Hailey sakin.' Nagulat ako.

'Ano? Akala ko ba-- panong-- bakit kailangan pa nating magpanggap kung ganun?'

'Just listen to me and I will tell to you everything.' Tumango ako.

'Last month, she decided to break up with me. I don't know what her reason is but I begged her not to break up with me.' Natahimik sya. 'Those times, I forget that I am Third Javier. You know me, I don't pleased anyone but because of the love I have for her, I did. Lumuhod ako sa harapan nya. Nagmakaawa at humingi ng tawad kahit alam ko naman na wala akong kasalanan. Kinain ko ang pride ko para sakanya pero wala, e.' Naiiyak na sya kaya tinapik ko sya sa kanyang mga balikat. 'Habang nakaluhod ako, umiiyak at nagmamakaawa sa harap nya bigla na lang niyang sinabi sakin na hindi daw nya sinasadyang mahulog sa iba. Kasalanan ko daw kasi dahil mas pinagtuunan ko nang pansin ang pagbabasketball ko at nawalan na ko ng oras sakanya kaya ibinaling nya sa iba ang nararamdaman nya.' Natawa pa sya.

'Nakakatawa diba? Basketball lang yung naging dahilan ng pagkabusy ko at hindi babae. Basketball lang ang nilalaro ko at hindi sya. Pero kung magdemand sya akala mo kung pinagpalit ko na sa ibang babae at pinaglaruan sya. Tas ganun nya na rin lang ako kadaling bitawan? Ang sakit. Ang sakit sakit dito.' At tinuro pa nya ang kanyang puso habang bumabagsak na ang mga luha galing sa kanyang mga mata.

Kung last month palang pala yun, bakit this month lang sila nagkahiwalay?

Tinanong ko sya.

'Bakit ngayon lang nangyari ang formal break-up at hindi pa last month?'

'Sorry, Jade.' Pinupunasan na nya ang mga tumulong luha nya kanina.

'Bakit ka nagsosorry?'

'Pinakiusapan ko kasi sya nun na wag nya muna akong hiwalayan agad. Pumayag sya at one month lang ang ibinigay nyang itatagal na lang ng relasyon namin. Saktong isang buwan naman nung nagkataong binigyan mo ko ng tubig at bimpo at dun na sya nakahanap ng tiyempo na hiwalayan ako. Naganap ang hiwalayan namin nung nakalabas ka na ng gym at ipinagsisigaw ni Hailey doon na ikaw ang dahilan ng break-up namin.'

His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon