Chapter 7

143 7 4
                                    

Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon nila.

'Yes, mom. Is there any problem?' Tanong ni Third.

'This is the first time na may ipakilala ka samin na babae. So, normal lang samin na ganto ang reaksyon namin.' Sagot ng mom nya at tumango-tango naman ang daddy at ang kanyang ate.

Nagtaka ako sa sinagot nya. Hindi ba nya pinakilala sa mga magulang nito si Hayley na babaeng mahal na mahal nya? Aish! Baka secret relationship sila nun? Tama! Baka ganun nga kaya ganto. Hmp! Gulo ko rin e.

'Anyway, pasensya ka na sa naging reaksyon namin hija ha? As what I've said a while back, this is the first time na may ipakilala sya samin na babae. Di lang kami sanay. Akala nga namin girlfriend ka nya e.' At ngumiti pa ito sa huling linyang sinambit nya.

Ngumiti lang ako saka sumagot. 'Okay lang po.'

'You look so familiar, have we met before?' Tanong ng ate nya.

'Akala ko ako lang nakapansin. May kamukha ka nga hija.' Sambit naman ng daddy nya.

Baka yung mom ko ang tinutukoy nila? Carbon copy daw ako ni mom e.

'May I know your surname hija?'

'Pascual po ma'am. I'm Zanea Jade Pascual.'

'Are you related to Ms. Elizabeth? Yung sikat na designer? If I'm not mistaken she's already a Mrs. Elizabeth Pascual? She's only known by Ms. Elizabeth, right Paula?' Usal ng mom nya at tumingin pa to sa kapatid ni Third.

'Actually, she's my mother po.' Sagot ko at ngumiti.

'It's nice to see you again hija.' Nagulat ako sa sinabi ng mom nya. Again.

'Have we met before ma'am?' Tanong ko.

'Matagal na din kasi simula nung pumunta ka dito kaya siguro di mo na kami maalala.' Usal naman ng dad nya.

Di ko maalala e.

'We were playmates before Jade.' Pati sya nakiki-Jade rin. Pero playmates daw? Wala akong maalala.

'Magpapakilala ulit kami ha? I'm your Tita Sara, this is your Tito Jude and this is Paula ang nag-iisang prinsesa namin at si Third naman ang aming prinsepe na ngayon ay kaibigan mo.' Pakilala nya. Nakipagshakehands naman ako habang sinasambigt ang 'Nice to meet you.'

'Mama mo ang nag-iisang designer ng family namin. Every occasion ng family namin, sya ang gumagawa ng mga sinusuot namin. Ini'invite rin namin ang mom mo every occasion at sinasama ka nya.' Paliwanag ng mom nya habang kumakain kami.

Wala talaga akong maalala e. Tanong ko na lang si mom pag-uwi ko.

Nung matapos kaming kumain ay nagpasya na si Third na ihatid ako. Baka kung anu-ano pa daw kasi sabihin nila lalo na't madaldal daw ang family nya. Hays! They're good naman e at masaya akong kausap sila.

'Sige po Tita, tito and Ate Pau--

'Just call me Pau na lang sis.'

'Sige Pau. Mauna na po ako.' Pagpapaalam ko.

Tumango naman sila at sinabihan kaming mag-ingat at sana makadalaw daw ulit ako sa susunod.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay ay akmang bubuksan ko na ang pintuan pero pinigilan ako ni Third.

Nilingon ko sya at tinignan sa mata.

'Let me open the door for you.'


His Pseudo Girlfriend (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon