Playfull Kiss

10.4K 315 5
                                    

Hinahalikan daw siya ni Drew. Ang sarap ng halik nito ang lambot ng mga labi niya.

"Hoy Ikang! Gumising ka na diyan." nagulat siya sa sigaw ni Jami.

Nanaginip lang pala siya. Parang totoo kasi. Nakakainis naman oh.

"Good morning bes." masayang bati nito sa kaibigan.

"Masaya ata ang gising mo bes, may nangyari ba kagabi? Ba't nandito ka sa kwarto ni kuya?" sunod sunod na pag uusisa nito.

"Wala noh! Ang dumi ng isip mo!" sabi nito sabay tayo.

"Magkwento ka naman." pangungulit nito, habang sumaaabay sa kaniya palabas ng kwarto.

"Bes, wala. Natulog lang kami, at saka sa sofa siya natulog." sabi nito na nanghihinayang ang boses.

"Sayang! Akala ko sister-in-law na kita." sabi nitong nakangisi.

"Akala ko nga rin eh." wika niya.

Nakarating na sila sa kusina, nandoon na sina Wyne at Celine. Nakahain narin ang pang-umagahan.

"Good morning ladies!" si Celine na mukhang masaya. "I have a good news to all of us."

"Ano un?" si Wyne.

"Nagtext si Amy, you know her?" tanong niya sa amin.

"Yes, iyong may crush kay Larry na Junior?" sabi ko.

"Tumpak! Nakipagkasundo ako sa kaniya na kukunin ko ang cellphone number  ni Larry kapalit ng pag spy niya sa prom. Well, ang sabi ko ang tutukan lang niya ay si Tristan pero di kayo maniniwala sa sasabihin ko girls." naeexcite na sabi nito.

"Ano nga? Binibitin mo naman kami. Hindi naman siguro pwedeng hindi natuloy ang prom." wika ni Jami.

"No. Pero hindi daw umattend sina Tristan, Jace, Clyde at Drew sa prom. Actually lima daw sila, pati iyong captain nila sa basketball si Zandro. Di daw nila alam kung saan sila nagpunta." masayang sabi nito.

"Really?" di makapaniwalang sabi ni Wyne.

So totoo nga iyong sinabi sa kaniya ni Drew kagabi. Napangiti siya. Bakit kaya?

****
Masaya ang mga sumunod na araw niya. Nainspire siyang pumasok. Hindi niya makalimutan iyong gabing natulog siya sa kwarto ni Drew.

Ang bilis ng araw. Nalungkot siya ng maisip na isang buwan nalang bakasyon na. Ibig sabihin, hindi na niya makikita si Drew ng madalas. Mag aaral daw ito sa Maynila at baka hindi na ganoon kadalas ang uwi niya sa kanila ayon kay Jami. Bibili din daw ang magulang niya ng condo unit para dito.

Pipilitin ko si Mama na sa Maynila din ako mag aral sa kolehiyo. Susundan niya si Drew after two years. Kahit imposible iyon dahil mag isa lang ang Mama niyang naiiwan kung saka sakali. Patay na ang Papa niya at dalawa nalang sila ng Mama niyang magkasama. Nag iisa lang kasi siyang anak. Pero sana payagan siya ng mama niya.

Nagulat siya ng may umakbay sa kaniya. Si Larry.

"Hi Ikang." bati nito.

"Bitawan mo nga ako." sabay alis sa kamay nito. Papunta siya sa office ng principal dahil may inutos ang adviser nila na idala doon.

"Ano ka ba, gusto ko lang naman magpasalamat sa inyo. Ang taas kaya ng grade natin sa biology." sabay akbay ulit sa kaniya .

"Ganiyan ba ang itinuro sayo Mr. Fernandez na paraan ng pagpapasalamat." tinig na nanggaling sa likod nila. Sabay silang napalingon ni Larry.

Si Drew. Matalim ang tinging pinukol sa kamay ni Larry na nakaakbay parin sa kaniya. Agad namang binawi ni Larry ang kamay nito.

"Hi Drew, sige Ikang mauna na ako sayo. Salamat ulit." mabilis na tumalilis ito palayo sa kanila.

He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon