Destiny

9.6K 271 1
                                    

Dahil sabado ay nasa shop si Bianca kasama si Twinkle. Habang nagtratrabaho ito sa opisina niya naglalaro naman ang kaniyang kapatid. Lagi niya itong sinasama tuwing walang pasok ito sa school. Saling-pusa na kasi sa Prep School. Wala ngayon si Yaya Mina/ Carmina dahil isinama ito ng kuya niya sa Taiwan, wala daw kasing mag aasikaso sa mga kailangan niya doon lalo't matatagalan siya sa business trip niya. Napangiti siya ng maalala ang reaksyon ni Carmina. Para itong nanalo sa lotto. Hindi niya maintindihan ang dalawa, napakasungit kasi ng kuya niya dito. Parang si Drew lang noon. Ipinilig niya ang ulo niya ng maalala ang lalakeng hanggang ngayon ay di pa niya nakakalimutan.

"Ma'am Bianca." si Thesa, isa sa mga sales lady niya. Humahangos ito at may takot sa mga mata niyang pumasok sa opisina niya.

"Bakit Thesa, anong problema?" lumapit ito sa kaniya na nanginginig. Napakunot noo siya sa nakitang takot sa mga mata nito. Mygad! Nilooban ba kami?

"Kasi ma'am, ma-may babae sa labas." umiiyak na ito. "Sini-sinira po niya iy-iyong mga pap-paninda nating bulaklak." halos hindi na ito makapagsalita.

"Ano? Bakit anong nangyari?." tumayo siya at hindi pa nagawang sumagot si Thesa sa kaniya ay nagmamadali itong lumabas. Bago lumabas ay, sinulyapan niya si Twinkle na busy parin sa paglalaro. Nang masigurong okay lang ito, tuloyan na siyang lumabas at sumunod naman si Thesa sa kaniya.

"What?? Nasaan ang may-ari ng pipitsuging flower shop na ito?" iyon ang una niyang nabungaran paglabas niya sa opisina niya. May matangkad na babaeng inaapak apakan ang mga bulaklak na nagkalat sa sahig. Naawa siya sa isa niyang saleslady na, namumulot sa mga bulaklak sa sahig, sirang sira na ang mga ito. Biglang bumangon ang galit sa dibdib niya. Hindi ba nito alam kung gaano nila inaalagaan ang mga bulaklak na iyon.

"May problema ba tayo?." pormal na tanong niya na ikinalingon ng babaeng nagwawala.

"So, ikaw siguro ang manager?" tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nagtaas pa ng isang kilay.

Mahadera! May gana talaga akong taasan ng kilay? So ngayon kalang nakakita ng maganda? sa isip isip niya. Well, aa ugaling pinakita ng babae hindi nalalayo sa itsura niya. Hindi mo alam kung anong stage ba ito nag stop sa "Evolution of Human", sigurado siyang hindi tao ito.

" Ako nga Misis." nang iinis na sabi niya at tagumpay naman siya kasi lalong umasim ang mukha nito.

"Tinawag mo akong Mis-Misis?" galit na sabi nito.

"Oh!" kunwaring tinakpan niya ang bibig niya. "Im sorry Miss, my bad." pakunwari niyang paghingi ng tawad.

"Walang kwenta katulad ng mga bulaklak na paninda niyo dito! Bulok!"

"Excuse me? Pakiulit nga ang sinabi mo." isa pa. Masusuntok na niya ito. Kahit hindi na niya bayaran ang sinira niyang bulaklak, basta maiganti lang niya ang mga staff nito.

"Sabi ko, bulo-" bago pa niya natapos ang sasabihin, dumapo na ang kamao niya sa mukha nito. Sa lakas ba naman ng suntok niya siguradong sa plastic surgery ang punta ng ilong nito.

"Umalis ka na dito, kung ayaw mong buong mukha mo ang pupuntiryahin ng susunod kung suntok." babala niya sa babaeng dumudugo na ang ilong. Takot na takot ito na parang nawala ang kamalditahan niya. Agad naman itong tumayo.

"Magbabayad ka, tandaan mo yan." sabi nito bago tuluyang lumabas sa shop.

Nalaman niyang bumili ito ng bulaklak kaninang umaga. Pero bumalik at isinasauli ang binili niya dahil hindi na daw ito fresh. Nang hindi pumayag ang saleslady niya, nagwawala na daw ito at pinagkakalat ang mga paninda nila. Nalaman din niya na kabit ito ng isang Mayor kaya parang wala itong takot kung umasta. Nagkibit balikat lang siya. Hindi ako natatakot.

****
"Goodmorning sir, may bisita po kayo."

Pinaikot ni Drew ang swivel chair niya paharap sa sekretarya niyang si Alice.

"Sige papasukin mo." sabi niya dito.

Pumasok ang may katandaan nang lalake. Si Mayor Benedicto Ambrocio III, isa sa mga malayong kamag anak ng papa niya. Nagulat siya dahil sa biglaang pagbisita nito.

"Kumusta Uncle, napabisita kayo?" bati niya dito.

"Ang laki pala ng opisina mo. Napaka swerte ng mga magulang mo at nagkaroon sila ng anak na napakatalino at taniyag nang abogado." mahaba nitong sabi.

Tama ang sinabi nito. Nagmamay ari siya ng Law Firm dahil sa pagsisikap niyang maging magaling na abogado ay naging sikat siya. Gusto niyang makilala siya dahil sa isang dahilan.

"Hindi naman Uncle, masipag lang." saglit siyang ngumiti."Bakit po pala kayo napabisita?" tanong niya dito.

"Gusto ko kasing humingi ng maliit na pabor." panimula nito. "Si Auntie Sandra mo kasi, nasa hospital ngayon at ooperahan." sabi nito.

"Uncle, mali po ata kayo ng nilapitan. Abogado po ako at hindi Doctor." sabi nito. "Sigurado din naman ako na hindi niyo ako hihiraman ng pera." dugtong niya.

"Hindi, Drew." umiiling na sabi nito. "Kailangan ko lang ng magaling na abogado para sa kaso ng Auntie mo. Hindi mo alam kung gaano siya umiiyak ngayon dahil sa ginawa ng babaeng iyon sa kaniya, nasira tuloy ang maganda niyang mukha." paliwanag ng matanda.

Napangiwi siya. Nakita na niya minsan ang mistress ng uncle niya. Well, wala namang maganda sa mukha ng babae ng uncle niya. Hindi na ito nagtaka kung may manapak dito, dahil balita niya asal kalye at palengkera daw ito. Sinisira nito ang image ng Uncle niya.

"Drew, tulongan mo naman ako. Alam mo namang hindi ko matiis ang Auntie Sandra mo."

Ewan ba niya pero tinamaan ang uncle niya sa babaeng iyon.

"Ano po bang nangyari?" tanong niya dito. Kailangan niyang timbangin ang lahat, ayaw niyang magdesisyon agad dahil kamag anak niya ang humihingi ng tulong.

"Sinuntok daw siya ng isang may ari ng flower shop. Gusto lang naman daw niyang ibalik iyong bulaklak na binili niya dahil lanta na ito pero pinagmumura daw ito ng manager doon." kwento nito.

"Napakasimpleng kaso po. Kahit hindi po ako ang kunin niyong abogado mananalo po kayo, kung iyon po ang totoong nangyari." sabi niya.

"Pero Drew, kasintahan ni  ang nakalaban ng Auntie mo." may takot sa himig ng Uncle niya.

Kilala niya si , nakasama na niya minsan ito sa party at nababasa niya ang pangalan nito sa diyaryo. May kasintahan pala ito, ang alam niya ay wala itong oras sa mga ganong bagay kagaya niya. Parehong trabaho lang ang pinagtutuunan nila ng pansin. Tiningnan niya ulit ang Uncle niya, may dahilan ito para matakot dahil isa si Drake sa dapat katakutan na tao.

"Well, kailangan ko munang mag imbestiga Uncle.Kilala niyo naman siguro si Drake, mahirap kalabanin ang kagaya niya." sabi niya dito. Hindi sa natatkot ito, pero pakiramdam kasi niya may hindi tama. Knowing Auntie Sandra.


"Si Auntie mo kasi. Pero salamat Drew." sabi nito sabay tayo. " Ito pala ang babaeng nakaaway ni Auntie mo, pinaimbestigahan ko na rin." Sabay abot sa envelope na brown. "Aasahan namin ang tulong mo Drew. Aalis na ako, salamat." at lumabas na ito.


Tumayo siya at inilapag niya ang envelope sa table niya. Umupo siya at pumikit. Bigla siyang napagod. Ilang minuto lang at tiningnan niya ang laman ng folder. May mga pictures. Napatda siya. Stolen shot ng dalaga at bata. O sa maikling salita, mag-ina. Dahil magkamukhang magkamukha ang mga ito. Tinitigan niyang mabuti ang babae sa larawan. Bianca Lou? Parang ayaw maniwala ang sistema niya. Tiningnan niya at binasa lahat ng detalye about sa babae para makumpirma ang hinala niya. Bigla niyang nilakumos ang papel at itinapon ito sa isang sulok ng opisina niya.

"Damn!"

"Damn!"

______________________________________

Guys! Sa next chapter na... :)















He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon