Come with Me

9.1K 263 1
                                    

"Mommy wake up."

Halos hindi niya maimulat ang mga mata niya dahil sa kaiiyak niya nang nagdaang gabi. Hindi na niya pinatapos ang party sa bahay nina Jami dahil hindi na niya kayang masaksihan ang susunod na mangyayari. Hindi kaya ng puso niyang tanggapin iyon. Pag-uwi palang niya ay ibinuhos na niya sa pag-iyak ang sakit na nararamdaman niya. Halos hindi si nakatulog.

"Mommy." ulit ni Twinkle. Habang tinatapik siya sa pisngi sabay halik. "Wake up na." kulit niya.

Pilit niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Nakita niyang nakangiti ito sa kaniya. Niyakap niya ito at pinugpog ng halik sa pisngi.

"Mommy stop!" tumatawa ito, dahil nakikiliti sa ginagawa niya. Pero hindi parin niya itinigil. Si Twinkle nalang ang nagpapasaya sa kaniya."Tito Drew is here Mommy!'' napatigil siya sa paghalik dito.

Lumaki ang mata niya sa sinabi ng ni Twinkle.

"Anong sinabi mo baby?" tanong niya dito.

"Sabi ko po, si Tito Drew is here." nakapameywang nitong sabi.

"Anong ginagawa niya dito?" halos hindi niya alam kung anong uunahin niya. Bumalikwas siya ng bangon."Where is he baby?"

"Nasa sala na po. Pinapasok ko na po, diba friend mo naman siya Mommy. Kaya okay lang." inosente nitong sabi.

"Bakit mo siya pinapasok baby, e tulog pa si Mommy. Paano kung masamang tao na iyon." sabi niya sa bata.

"Sorry Mommy." napangiwi ang bata.

"It's okay baby. Sige na, sabihin mo kay Tito Drew bababa na ako." utos niya.
dear

Agad namang sumunod si Twinkle sa kaniya. Samantalang siya'y mabilis na naligo at nagbihis. Napapa-isip siya kung ano ang sadya ng binata sa kaniya.

Natataranta siyang bumaba sa sala. Para siyang teenager na dinadalaw ng crush niya. Nakita niya si Drew na nakikipaglaro kay Twinkle. Bumilis ang pintig ng puso niya. Nakita niyang tumingin ito sa kaniya. Parang nag- slow-mo ang lahat.

"Tito Drew, Mommy's here." sigaw ni Twinkle.

"Anong ginagawa mo dito Mr. Fontanilla?" pinapormal niya ang tono niya.

"Drop the formality Bianca." kumunot ang noo nito. Lumapit siya kay Twinkle at umupo sa tabi nito.

"Nandito ako para i-discuss sa 'yo iyong about sa kaso ng kliyente ko." pahayag nito.

Siya naman ang napakunot ang noo. Inaalala niya kung tungkol saan ang sinasabi ng binata.

"Baka nakakalimutan mo ng ikinakaso ka ng kliyente ko." si Drew."Ipapaalam ko sa iyo na isang malaking tao ang nakaawag mo." parang tinatakot pa siya nito.

"Huwag kang mag-alala Mr. Fontanilla tatandaan ko iyan." parang ayaw niyang mag-isip sa mga sandaling iyon. Ayaw niya ng panibagong problema.

"Alam mo bang kaya ka nilang ipakulong kahit ngayong araw ding ito." nakita niyang natigilan si Twinkle at tiningnan siya nito.

"Enough! Pwede ba nating pag-usapan na tayong dalawa lang?" Mahina niyang sabi dito. ayaw niyang marinig  ni Twinkle ang pag-uusapan nila. Matalino pa naman ang kapatid niya.

"As you wish sweetheart." sabi nito.

"Tara sa kusina." tumayo na siya at suunod ito."Baby, magpreprepare lang si Mommy ng meryenda a.Tutulungan ako ni tito Drew." paalam niya sa bata.

"Sure Mommy." ngumiti ito sa kanila. Nakita niyang kumindat si Drew dito.

Nang nasa kusina na sila ay agad niya itong hinarap.

"Tell me, kung anong kailangan nila." ayaw niya ng paligoy-ligoy pa.

"Lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka." nakangiting lumapit si Drew sa kaniya.Kinilig siya sa sinabi nito, pero napalis din agad ng maalala na ito ang dahilan kung bakit umiyak siya kagabi.

"Hindi ako nakikipagbiruan Drew, sabihin mo na ang gusto mong sabihin!" humakbang siya paurong. Kung maari ay ayaw niyang magkalapit sila, baka hindi siya makapagpigil.

Naramdaman niya ang lababo sa likod niya.Hindi na siya makaiwas sa paglapit ng binata.

"Ang ilap mo parin Bianca." isang dangkal nalang ang layo nila aa isat-isa."Ako ba ang dahilan ng pag-iyak mo?" mariin siya nitong tinitigan.

"Don't flatter yourself Drew! Walang dahilan para iyakan kita." iniwas niha ang tingin niya dito. Ayaw niyang malaman nito na nagsisinungaling siya .


"Kung ganun, bakit ka umalis kagabi?" lalo itong lumapit sa kaniya hanggang sa magkadikit na ang katawan nila.

"Mas-masakit ang ulo ko." itinagilid niya ang ulo niya dahil halos magkadikit na ang mukha nila.

"You're lying sweetheart." mahina nitong turan.

"Ito ba ang pag-uusapan natin Mr. Fontanilla?" tanong niya. Hindi na kasi siya komportable sa posisyon nila.

"Well." lumayo ito ng bahagha sa kaniya. Nakahinga na siya ng maluwag. "Gusto kung ipaalam sa iyo na gustong i-settle ng kliyente ko ang gusot niyo sa isang kondisyon."

"Ano?" mas mabuti narin iyon kaysa umabot pa sila sa korte. Malalagot siya sa Kuya Reid niya lalo pang magkakagulo kung aabot ito sa kaniya.


"Kailangan nila ng sponsor ng flowers para sa kasal ng anak nila. At ikaw ang gusto nila." sabi nito.

"What?!" hindi siya makapaniwala. Mayaman ang kliyente ni Drew, bakit siya pa ang napiling maging sponsor. Sa dinami-rami ng flower shop sa Pilipinas.

"Hindi ko na masasagot iyan. Ang gusto ko lang malaman ay ang pipiliin mo. Korte o Ang kondisyon nila?"

"Fine!" sagot niya.


"Anong fine?"

"Oo na, papayag na ako sa kondisyon nila.Aba! kaya kong kumuha ng abogado na mas magaling sa 'yo pero ayoko lang ng gulo! At kaya ko ring patunayan na hindi ako ang naunang nanggulo!" pahayag niya.

"My sweet Bianca, hindi ka parin talaga nagbabago." lumapit ulit ito sa kaniya at hinapit siya.

"Drew, let go of me! Makikita tayo ni Twunkle!" itinutulak niya ito. Pero malakas ang binata.

"Can you give me a goodluck kiss sweetheart? May kaso kasi ako ngayon, at ako ang abogadong sasalang sa court room." sabi nito sa tenga niya.

Halos hindi na siya makahinga. Bakit parang naaadik na siya kay Drew, sa pang-aakit nito sa kaniya.

Hindi niya namalayang magkalapat na ang kanilang mga labi. Agad naman siyang tumugon sa halik nito. Ikinawit niya ang kamay niya sa leeg ng binata at naramdaman niyang lalong naging mapusok ito. Binuhat siya nito at pinaupo sa may lababo.

Napasinghap si Bianca ng maramdaman niyang naglalakbay ang kamay ng binata sa loob ng blusa niya. No! Wake up Bianca! Nagpapakagaga ka nanaman! Gusto mo bang maging mistress ni Drew?

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Malakas niya itinulak si Drew palayo sa kaniya. At agad siyang bumaba sa kinau-upuan niya. Inayos niya ang sarili niya.

"You have the habit of kissing me Mr. Fontanilla. Baka makalimutan mong ikakasal ka na." tatalikod na sana siya ng nagsalita ang binata.

"You like it Bianca. Kayang ikaila ng bibig mo, pero hindi ang katawan mo sweetheart." patuya nitong sabi."Lalo na ngayong isang linggo tayong magkakasama sa malayong lugar. Baka hindi nalang ang  halikan ka ang maging habit ko."

"What do you mean?" naguguluhan siya sa sinasabi nito.

"Taga Batanes ang pakakasalan ng anak ng kliyente ko. At bilang abogado nila sasamahan kita doon." kumindat ito sa kaniya. Kiniig ang kalamnan niya."Thank you sa goodluck kiss sweetheart!" nakatulala parin siyang iniwan nito.



"Sila ni Drew? Magkakasama ng matagal? Lord! Paano kung tuluyan na siyang bumigay!"



_______.iamtamz










He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon