She's Sick, Heartaches

9.5K 266 0
                                    

"Dalawang araw nalang kasal ko na." excited na wika ni Lucille, bakas sa mukha nito ang saya. Salo-salo silang kumakain kasama ang mapapangasawa nito at mga ilang bisita. Magkatabi sila ng dalaga at kaharap naman niya si Drew.

"Yes babe, at ikaw ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa." hinawakan ni Bernie ang kamay niya, ito ang mapapangasawa ni Lucille.

"Thank you babe. Bagay lang tayo." kinikilig pa ito. Parang dalawa lang sila sa lugar na iyon kung mag-usap. Napapangiti siya sa paglalambingan ng dalawa.

Pasimple niyang sinulyapan si Drew. Parang walang pakialam ito sa mga naririnig.

"Ate Bianca, may boyfriend ka na ba?" nabigla siya sa tanong ni Lucille, hindi niya alam kung sasagotin niya o hindi. Sinulyapan muna niya si Drew bago sumagot.

"Wala." iyon naman ang totoo.

"Talaga? Sa ganda mong 'yan ate? Naku! Mahina pala ang mga taga Manila e." si Bernie."Magtagal ka lang dito ate, marami kang makikilalang binata." tuloy pa nito.

"Talaga? Mga gwapo ba naman?" napangiti siya.

"Oo ate, mga gwapo sila katulad ng babe ko." nagkatinginan ang dalawa animo'y kinikilig. "Para pareho ng taga Isla ng Batanes ang mapapangasawa natin." biro ni Lucille sa kaniya.

"Sige. Ipakilala mo nalang sa akin iyong bestman niyo. Baka sakaling siya na si Mr. Right ko." masarap makipagbiruhan sa dalawa.

"Talaga ate? Si Rocky. Naku single pa iyon at mayaman." si Bernie

"E di maganda. Malay mo, magustuhan niya ako at kami na ang susunod na ikakasal." tumawa siya.

"Naku ate, baka beach wedding din kayo. May pagmamay ari silang resort dito." si Bernie.

"Ganoon ba? Kaso ayoko ng beach wedding." seryoso niyang turan.

"Ank gusto mo Ate? Garden wedding?" beach wedding kasi ang dalawa.

"Gusto ko sa simbahan." ngumiti siya sabay sulyap kay Drew. Nakita niyang napatigil ito sa pag-nguya, parang nag-iisip.

"Siguro iniisip din nito kung saan sila ikakasal ni Isabelle." nasaktan siya aa isiping iyon.

"Hayaan mo Ate, sasabihin ko kay Rocky." si Bernie. Tinawanan lang niya ito.

Nagulat sila ng biglang tumayo si Drew.

"I'm done.Excuse me, magpapahangin lang ako saglit." paalam nito bago umalis sa hapag kainan.

"Anong problema nun. Kanina pa nakabusangot." si Lucille.

"May topak o may dalaw." sabay sabay silang nagkatawanan sa sinabi ni Bernie.

***
Pagkatapos nilang kumain ay tumulong siya sa pag-aayos ng bulaklak para sa decoration. Parang lumala ang masamang pakiramdam niya. Gusto na sana niyang magpahinga pero nahihiya siyang magpaalam kina Lucille. Nakikitawa nalang siya at nakikipagkwentuhan.
Gabi na ng naisipan ng grupo na magpahinga na.

Tumuloy siya agad sa kwarto na tinutuluyan nila ni Drew. Magkasama parin sila sa iisang kwarto. Agad siyang nahiga sa kama at mabilis na hinila ng antok.

"Drew." hindi niya alam kung malakas ang pagtawag niya sa pangalan ng binata o nanaginip lang siya sa mga sandaling iyon. Ang alam niya ay nilalamig siya. Hindi maganda ang pakiramdam niya.

Paulit niyang tinawag ang pangalan ng binata, habang tulog. Naramdaman nalang niya ang pagka alis ng mga saplot niya sa katawan at may basang dumadampi sa balat niya. Sa noo, sa mga kamay,paa at sa buong katawan. Hindi niya kayang imulat ang mga mata niya upang tingnan ang nangyayari.

"Drew." tawag niya ulit sa pangalan ng binata. Iyon lang ang kaya niyang sabihin.

"Psst. I'm here sweetheart." mahina pero alam niyang si Drew iyon kahit tulog siya.

"Don't leave me please. Don't leave me again." umiiyak na siya.

"Hush. Never again.Nandito lang ako." narinig nanaman niyang sumagot ito. Ang ganda ng panaginip niyang iyon. Gusto niyang kahit sa panaginip lang ay may lakas ng loob siyang sabihing huwag siya nitong iwan.

"Hug me please." panaginip naman e, walang masama. Naramdaman niyang may katawang lumapat sa hubad niyang katawan. Parang guminhawa ang pakiramdam niya at nawala ang nararamdaman niyang lamig. Napalitan iyon ng init at kakaibang sensasyon na bumabalot sa katawan niya.

Nakatulog siya ng mahimbing dahil sa magandang panaginip na iyon.

zzzzzzzzzzZzzZ!

****
Hindi niya maigalaw ang katawan niya ng magising siya kinabukasan. Parang may mabigat na nakadagan sa kaniya. Hindi rin niya kayang imulat ang mga mata niya dahil gusto pa niyang matulog.

"What is the meaning of this?!" isang sigaw ang nagpagising sa diwa niya.

Bigla siyang napamulat ng makita ang isang magandang babae na nasa bungad ng pinto. Halata sa mukha nito ang pagkabigla.

Lalo siyang nahimasmasan ng marealize niya ang dahilan ng pagsigaw nito.

Nakahiga siya sa kama habang nakapatong ang katawan ni Drew sa kaniya. Ang masaklap pa, nakabrief lang ito at siya ay ang panloob lang din niya. Oh! God! Hinihiling niya na sana ay masamang panaginip lang iyon.

Napabango siya at napa-upo sa kama. Itinulak niya si Drew kaya ito ay nagising.

"What?! Natutulog ang tao e." reklamo nito sa kaniya. Halos hindi niya maitaas ang ulo niya upang tingnan ang babae sa may pinto.

Naramdaman din agad iyon ni Drew kaya, sinundan niya ang tingin nito.

"Isabelle?" mahinang tawag ni Drew ng mapagsino ang babae.

Siya pala si Isabelle, ang mapapangasawa ni Drew. Nagsikip ang dibdib niya. Wala siyang laban sa babae. She's beautiful, iyong mga tipong hindi pinapakawalan ng mga lalake.

"Oh!!" umiiyak ito at mabilis na lumabas sa kwarto.

"Wait Isabelle, let me explain!" agad na nagsuot ito ng pants at mabilis ding lumabas sa kwarto.

Naiwan siyang mag-isa. Gusto niyang matawa at maiyak ng sabay. Nasasaktan siya dahil hindi man lang siya liningon ni Drew kahit saglit bago lumabas sa kwartong iyon. Gusto niyang matawa dahil kahit hubad na siya aa harap nito ay hindi pa rin siya binigyan ng kahit konting pansin.

Pero ang mas nangibabaw sa damdamin niya ay ang sakit. Hindi niya namalayang lumuluha na siya. Sa mga sandaling iyon, lalo lang niyang napatunayang hindi siya kayang mahalin ni Drew.

"Ikaw kasi!" sinuntok niya ng mahina ang parte ng dibdib niya. "Wala ka namang kasalanan e. Nagmahal ka lang. At kahit ayaw ka niya ay nagmamahal ka parin." umiiyak siya habang kinakausap ang sarili.



_______.iamtamz

Thank you :)







He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon