Friends and Secrets

33.4K 500 11
                                    

"Ikang!" tawag sa kaniya ng kaibigan niyang si Celine.

Nasa seawall siya ngayon, doon ang tagpuan nilang magkakaibigan basta hapon ng friday. Apat silang magkakaibigan, libangan na nila ang pagpunta sa lugar na iyon kung saan sila nagkwekwentuhan at nagsasabihan ng mga sikreto. Grade four sila noong nagkamabutian silang apat. Ngayon ay Second year high school na sila, pare-pareho ang section nila. Bago natapos ang last subject nila, may usapan silang apat na magkikita sa seawall dahil may importante silang pag-uusapan. Kaya pagbaba palang niya ng bag ay nagbihis na ito agad at nagmadaling pumunta sa tagpuan nilang magkakaibigan.

"Celine". kaway niya dito. As usual nauna nanaman ito. Lagi itong on time. Ayaw niyang nale-late sa kahit na anong bagay.

"Wala pa ba sina Wyne at Jami?" naiinip nitong tanong.

"Baka dumaan muna sa grocery iyonh dalawa, alam mo na gutomin." sabi nito habang paakyat sa baitang ng seawall.

"Guys! Nandito na kami." sigaw ni Jami, kasama si Wyne na may bitbit na dalawag supot. As expected, mga pagkain nanaman ang laman nun.

Matapos umupo ang mga ito na, magkatabi sila ni Wyne na nakaharap naman sa dalawa. Sa gitna nila ay ang mga pagkaing binili ng dalawa. Nilalantakan na ni Jami ang isang supot ng crackers. Hobby kasi nito ang kumain, pero hindi naman ito tumataba.

"Mga best, may sasabihin ako.'' si Wyne.

Tumingin kami lahat. Well, nagulat kami actually. Si Wyne kasi ang pinakatahimik sa aming apat at may pagka imtrovert ito. Mas nakikinig siya kaysa nagsasalita.

"I- I'm engaged." sabi nito at humagulgol na.

"What?" Sabay sabay naming sabi.

Umiiyak parin ito. Wala siyang sagot.

"Don't tell me, buntis ka?" derederetsong sabi ni Jami kahit na puno ng pagkain sa bunganga nito. Talent iyon. Namaster narin ng kaibigan iyon.

"Bakit nagmens ka na ba?" biro ko. Inirapan lang nila ako.

"OMG! Sino ang fiance mo?" maarteng turan ni Cecile. Kung gaano ako ka boyish umasta ganun naman ito ka feminine magdala.

Walang tulak kabigin sa kanilang apat. They are all beautiful sa kanya kanyang paraan. Siya may pagka boyish, si Celine ay very feminine, si Wyne super conservative at si Jami very vivid ang character niya. Hindi niya alam kung paano sila naging mag click na apat sa kabila ng magkakaibang personality na mayroon sila.

"Si Jace."

"What?'' napalakas na tanong niya. Si Jami nama'y napatigil sa pagnguya dahil sa pagkabigla, habang si Celine nama'y di mo alam kung naiihi o kinikilig.

" As in David Jace Saavedra?" si Celine.

"Yes." nakasimangot nitong sagot.

"Diba iyong kapatid niya ang gusto mo? Ano na nga pangalan nun?" tanong ko.

"Clyde Daniele." sagot ni Jami. Na nag iwas din agad ng mata sa kanila.

Napangiti siya. Grade four sila ng nagsabihan sila ng mga crushes. Well, siya ang naunang nag spill. Yes! may crush siya noon si Patrick Drew Fontanilla, pero ngayon di nalang ata kasi crush lang ang nararamdaman niya para dito. Ipinilig niya ang ulo niya ng maalala ito. Sumunod ay si Wyne, at ang crush nito ay si Clyde Daniele Saavedra kambal ng fiance niya. Kaya hindi niya masisisi kung bakit sobra itong umiyak ngayon. Si Celine naman ay kahit hindi siya magsalita alam na alam na namin, actually buong campus na ata ang nakakaalam na si Tristan Lee ang gusto nito. Si Jami lang ang hindi nagsabi ng crush niya noong araw na yun. Pero ramdam ko kung sino ang gusto nito at lalo kung napatunayan pagdaan ng panahon. Hindi niya kayang sabihin sa kanila kasi pareho sila ni Wyne ng gusto. Si Clyde Daniele Saavedra.

He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon