Seducing Mr. Right

9.3K 277 0
                                    

Hindi nakatulog si Bianca sa sinabi ni Drew sa kaniya na sa isang isla sila pupunta. Hindi siya sasama dito. Kaya sinadya niya ang opisina ng binata. Tinanong niya kay Jami kung saan iyon. Hindi na rin niya sinagot ang pagtatanong ng kaibigan. Ang gusto lang talaga niya ay makausap si Drew.

"Good morning po Ma'am." bati sa kaniya ng dalaga na malapit sa pinto ng opisina ni Drew. Ito siguro ang sekretarya niya. Nginitian niya ito.

"Good morning. Nasa office ba si Mr. Fontanilla?" tanong niya dito.

"Yes ma'am, may appointment po ba kayo sa kaniya?" magalang nitong tanong .

"Kailangan ko lang siyang makausap. Pakisabi nandito si Bianca Lopez." pasuyo niya sa sekretarya nito.

"Okay po Ma'am." pumasok na ito sa opisina ng binata at agad ding lumabas."Pumasok na daw po kayo Ma'am." Nginitian muli niya ito bago pumasok.

Nakita niyang nakaupo si Drew habang matamang binabasa ang mga dokumentong nasa mesa nito. Ilang sandali pay tiningnan siya nito.

"What brought you here?" blanko ang ekspresyon ng mukha nito.

"Nandito ako para ipaalam sa iyo na hindi ako makakasama sa lugar na sinasabi mo." seryoso niyang turan. Mataman lang siyang tinitigan ng binata at saka muling nagsalita.

"Alam mong hindi na pwedeng bawiin ang statement mo Bianca." tumayo ito sa pagkakaupo.

"For heaven sake Drew! Batanes is an Island! Nasa kadulu-duluhan ito ng Pilipinas!" napalakas ang boses niya. Kagabi pa siya nagsearch sa google kung saang banda ang Batanes.

"I know. At ano naman ang problema doon? Are you afraid sa sinabi ko kagabi?" may kislap sa mga mata nito.

Ano nga ba ang dahilan niya kung bakit ayaw niyang sumama? Natatakot ba siya? Yes! Natatakot siya para sa sarili niya baka hindi na niya malabanan ang damdamin niya para sa binata.

"Magpapadala nalang ako ng kapalit ko." sabi niya.

"Hindi pwede. Ikaw ang nakagawa ng kasalanan kaya ikaw ang pumunta doon."

"Alam mong hindi ako ang naunang nanggulo!" napasigaw na siya sa inis. Parang siya lang kasi ang may kasalanan sa nangyaring gulo na iyon.

"Ang mga katulad nila ay kaya nilang baliktarin ang pangyayari Bianca. At alam mo kung ano ang kahihinatnan mo pag nangyari iyon." seryoso ito.

Natahimik siya, hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa binata.

"Ang isang linggo ay hindi ganun katagal Bianca. Depende nalang kung may hindi ka maiwanan." ang tono ng binata ay may ibang ibig ipahiwatig.

"Kanino ko iiwan si Twinkle?" isa rin iyon sa iniisip niya, dahil wala naman si Yaya Carmi nito at ang Kuya Reid niya.

"Siya ba talaga ang iniisip mo?" malisyoso nitong tanong.

"At sino sa tingin mo Mr. Fontanilla?" halos isang metro ang itinaas ng kilay niya."Kung sino iyang iniisip mo na hindi ko maiwan ay..siguro pwede ko namang isama." nakita niya ang patatagis baga ng binata.

"Tandaan mo na hindi ka pupunta doon para magbakasyon!" medyo nagulat siya sa tono nito.

"E, bakit ka nagagalit?" inis niyang tanong.

"Look! Hindi ako nagagalit, sinasabi ko lang kung ano ang sadya mo sa pupuntahan natin!" matigas niyang sabi.

"Alam ko Mr. Fontanilla, kaya huwag kang sumigaw! Kasi hindi naman ako bingi!" asik niya dito.

"Iwan mo na si Twinkle kay Jami. Dahil sa kaniya mo lang siya pwedeng iwan." maawtoridad na utos nito.

"Bakit mo ba ako pinangungunahan kung kanino ko gustong iwan ang anak ko." asik niya ulit sa binata.

"Bakit may iniisip ka pa bang pwedeng pag-iwanan?" naka-kunot noo nitong tanong.

"A-.." hindi siya agad nakasagot. Dahil wala din siyang maisip.

"Isama mo nalang siya kung iisipin mong iwan sa lalakeng iyon!" may galit sa boses nito. Talagang binigyang diin pa niya iyong salitang "lalake". Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Ang kuya Reid niya.

"Wala kang pakialam Mr. Fontanilla! Ako ang magdedesisyon kung kanino ko iiwan ang anak ko!" sabi nito at mabilis na siyang lumabas sa office ng binata.

"Damn!" nainig niyang pagmumura nito.

****

"Kuya, isang linggo lang kami doon." katawagan niya si Reid habang nag-eempake ng gamit. Ipinapaalam nito ang pagpunta niya sa Batanes pero hindi niya sinabi ang totoong rason. Sinabi lang niyang ikakasal ang kaibigan niya at hindi pwedeng hindi siya makadalo.

"Paano si Twinkle?" tanong ng Kuya niya sa kabilang linya.

"Iiwan ko muna siya kina Jami kuya. Remember her? She's my bestfriend kaya pinagkakatiwalaan ko siya." sagot niya dito. Lagi kasi niyang nai-kukwento dito ang tungkol kina Jami, Wyne at Celine.

"Okay. Pero mag-iingat ka doon."

"Opo kuya, don't worry. Kaya ko ang sarili ko." sabi nito. Nagpasalamat siya dahil hindi na ito masyadong nag-usisa pa. Baka madagdagan lang ang kasinungalingan niya kung nagtanong pa ito.

"Star, baka doon mo na na mahanap ang Mr. Right mo." biro ng kuya niya.

"Ano ka ba kuya, hindi naman ako pupunta doon para maghanap."- dahil ang totoo siya nga ang kasama kung pupupnta doon.

" Malay mo makasalubong mo na doon." tudyo nito.

"Hay naku po! Ikaw muna maghanap ng Miss Right mo. Kasi po tumatanda ka na." balik-biro niya dito.Narinig niyang tumawa si Reid.

"Ako kahit sino, basta mamahalin niya si Twinkle natin." seryoso nitong tugon.

Napangiti siya sa sinabi ni Reid.

"Kagaya ni Carmi?" tudyo niya.

"Choppy ka star. Star? Star?" hanggang sa narinig nalang niyang nag-end na ang tawag ng kuya niya. Natatawa siya sa reaksyon nito. Alam niya kasing may "something" sa dalawa.

"Buti pa sila." napabuntong hininga siya ng maalala si Drew. Ang lalakeng matagal niyang inalagaan sa puso niya ay mapupunta lang sa iba.

Itinuloy niya ang pag-eempake. Hindi siya makapag decide kung anong mga damit ang idadala niya.

"Sa huling pagkakataon!" aakitin niya si Drew kahit hindi na siya mapunta sa kaniya. Ang importante ay maganda siya sa paningin nito.Malay mo diba?!

Mga seksing damit ang ipinaloob niya sa bag niya.

________.iamtamz

Pls. vote and follow me po. :)













He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon