All about Her

9.4K 257 0
                                    

"Mommy, you're done na? Bilis kwentohan mo na ako." pangungulit ni Twinkle sa kaniya. Katatapos lamg niya maligo. Paglabas niya sa banyonay nakita niyang nag aantay na sa kaniya si Twinkle hawak ang isang picture frame. Napangiti siya. Hindi ito nagsasawa sa kwento niya.

"Okay baby, just a minute." sabi niya dito. Umupo siya sa kama at mabilis naman itong nahiga sa binti niya.

"Start na mommy, i want to hear it na." excited na sabi nito. habang nasa dibdib nito ang picture frame.

"Okay. Listen baby." simula niya. "Sa isang malayong lugar, may apat na prinsesa. Magkakaibigan sila. Isa doon ay si Prinsesa Ikang. Si prinsesa Ikang ay may nagugustohang prinsepe, si Prinsepe Patrick. Pero si prinsepe Patrick ay hindi pinapansin si prinsesa Ikang. Masungit pa ito at laging galit. Hindi siya malapitan ng prinsesa dahil lagi itong nagsusungit. Laging nalulungkot ang prinsesa, dahil gusto niyang mapalapit dito pero hindi niya nagawa. Nagkasakit ang prinsesa at nakatulog ng tatlong araw. Nang gumising na ito, wala na ang prinsepe sa lugar nila. Sabi ng iba, naging frog na ito dahil sa masama ang ugali nito."

"Siya ba ito mommy?" taas nito sa picture frame. Napangiti siya, iyon ang picture na nahuli nila ni Drew noon. Iyon lang ang remembrance nito sa lalake.

"Yes baby. Hanggang ngayon, hinihintay parin ni Prinsesa Ikang ang Prinsepe niya, kahit frog na ito."

"Pero mommy, bakit hindi nalang hanapin ni Prinsesa Ikang si Prinsepe Patrick?" tanong ni Twinkle. Ang brainy ng bata.

"Kasi baby, hindi na alam ni Prinsesa Ikang ang itsura ni Prinsepe Patrick." sagot nito. "Siguro kung marunong ng magmahal si Prinsepe Patrick babalik na ang anyo niya, ang pinakagwapong Prinsepe sa laha." sabi niya.

"Siguro ang lungkot ni Prinsesa Ikang mommy noh."

"Oo. Sobrang lungkot niya baby."

"Pero mommy, sana bumalik na siya noh. Kakaawa kasi si Prinsesa Ikang." inosenteng sabi nito.

"Sana nga baby. Pero bago siya bumalik, matulog ka muna okay? Akin na iyang picture ni Prinsepe Patrick." sabay abot sa picture frame.

"I love you mommy. Good night" sabay halik sa kaniya.

"I love you baby. Sleepwell sweety." at kinumutan na niya ito.

Napangiti siya. Siguro kung hindi ka dumating sa buhay ko, mababaliw na ako sa lungkot. Ikaw ang nagpasaya sa akin baby sister. Mahal na mahal ka ni ate. Hinalikan niya ito sa noo at nahiga na rin sa tabi niya.

***
"Shit!'' napahawak si Drew sa ulo niyang sumasakit. Nagising siya malakas na tunog ng cellphone niya. Hinanap niya ito at sinagot agad.

" Yes!" bulyaw nito na hindi pa tinitingnan ang screen kung sino ang tumatawag.

"Kuya? Where are you? kanina pa ako dito sa labas ng condo mo. Nagpunta ako sa opisina mo, dalawang araw ka na daw hindi pumapasok." mahabang lintaya ni Jami.

Pinatay niya agad ang phone at hindi na sumagot at tumayo upang pagbuksan ang kapatid.

"Magandang umaga sa maganda kung kapatid."bati niya dito.

" What? Alam mo ba kung anong oras na kuya? Alas tres na po ng hapon." sabi nito."Anong nangyari dito? Iiiw! Bat ang kalat?" maarteng puna nito.

"Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" nakakunot na tanong ni Drew sa kapatid. Habang kumukuha ng tubig sa ref, nasa likod naman niya ito.

"Ano bang pinaggagawa mo kuya, bakit ka ba nagkukulong dito?"

"It's none of your business sister." balewalang sabi nito. "Ang tanong ko ang sagutin mo, bakit ka nandito?"

"May gusto akong malaman kuya." may inilabas itong folder sa bag niya. "Anong ibig sabihin nito?" ibinigay niya ang folder sa kaniya.

"Damn!" napamura ito ng makita niya kung anong laman niyon.

"Nagpunta ako kanina sa office mo, at nakita ko yang mga iyan. First natuwa ako dahil alam ko na kung nasaan si Ikang, pero sa nakikita ko sayo ngayon parang hindi yata ako dapat matuwa." Nakaismid na sabi ni Jami.

"Ito lang ang pinunta mo dito? Para usisahin?" patuyang sabi niya.

"Nag-aalala lang sina Mommy, tinatanong nila kung anong dahilan ng hindi mo pagpasok." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa." Pero sa nakikita ko kuya, alam ko na ang sasabihin ko kina mama." nakangising sabi nito.

"Brat!" tumalikod ito at pumasok sa banyo.

"Kuya! Bibisita ako kay Ikang, sama ka?" pagabol nito.

"Witch! Get out now!" sigaw niya na nasa banyo.

Napangiti siya. Binuklat niya ang laman ng folder. Binasa niya ito.

Bianca Lou Lopez
24 years old
Single
Living with her daughter, Twinkle Amethyst Valdomar.
In relationship with Reid Vincent Valdomar, the father of her child.

Madami pang nabasa si Jami na nakasulat doon. Masaya siyang magkikita ulit sila ng matalik niyang kaibigan pero malungkot siya para sa kuya niya. "See you bes! Madami akong ikwekwento sa iyo, at pati ikaw madami kang dapat sabihin sa akin."

______________________________________

Thank you! :)



He Loves Me Not (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon