Mission

9.7K 128 3
                                    

"MAG-SINUNGALING"

Ito ang kailangan gawin ni Jam para hindi siya makilala ng mga ka schoolmates nya sa Dark Bow University na pag-mamayari ng pamilya nya noon at nasa kamay ng Tita Jane nya hanggat wala pa sya sa wastong edad dahil wala na ang mga magulang nya nung 11 palang sya.

Ayaw nya na makilala sya ng mga istudyante doon dahil gusto nya na pantay-pantay ang trato sakanila sa DBU, Napaka-bait nyang bata, Matalino at Masunurin.

Masaya sya ngayon dahil darating na ung pinakamamahal niyang lalake mula states, Pero nagbago lahat un nung nalaman nyang nag crash ung sina-sakyan nitong eroplano. Simula nun hindi nya na nakuhang maging Masaya.........
----------

Jam's POV

Papasok na ako sa Dark Bow University ngayon. 1st day of school kase, late na nga ako eh. Pero okay lang I don't mind cause I own this school noh. Dalawang taon na ang nakalipas simula nung nawala si Nathan dahil sa plane crash. Di ko parin matanggap na wala na talaga sya. Ang sakit isipin pero kailangan ko ng kalimutan dahil wala na tal------

"Aray!!!" sakit ng pwet ko
"Miss, pasensya na late na ako e" sabi nung nakabangga sakin
"Kahit pa late ka na, sana nag-iingat ka parin!" sabat ko sa lalake.
"Pasensya na talaga, ako nga pala si John. Bago lang ako dito. Sige una na ko, pasensya talaga" sabi nung John ba un? Ayun umalis na din.

AYYY! Nakakairita naman tong araw na to! First day ng klase may naka bangga ako, napaka suplado pa nyaaaaa. Pasalamat sya at bago sya dito kundi nasaksak ko na un. Pag-pasok ko sa room andun ung lalakeng nakabangga ko, nag i introduce sya pero dirediretsyo lang akong umupo.Nakakatamad makinig kaya sa labas ako tumingin.

Ako nga pala si Jamilla.... Jamila S. Monteverde pero Jam ang tawag nila sakin. 17 years old palang ako, grade 11. Isa akong gangster, hindi lang basta basta isang gang. Ito ay isa sa mga sikat sa gang at ako ang leader nito. Nabuo un simula nung nag college ako. Nung nawala si Nathan. Ung lalakeng pinakamamahal ko.

"Miss Monteverde are you Listning?" sabi nung panirang prof. Namin
"Yes sir!" sabi ko nalang
"Then sabihin mo sakin ang parts ng isang speech"

Sinabi ko ung sagot at tama naman ito. Hay, buti matalino ako kundi lagot nanaman ako kay Auntie Jane nito e.

~~~~~~~~

Lunch na pala , sakto kumakalam na sikmura ko, Nasaan na kaya sila Wayne, Dino, Chris, Shin at Ella. Usapan kasi sa rooftop e.

"Natagalan ba kami JM?" ayun na pala sila Wayne. JM tawag nila sakin Jam Monteverde nga diba?

"Oo, sobrang tagal nyo Wayne, kumakalam na sikmura ko" sabi ko

"Ito kasi si Chris at Shin, nag away pa kung saan bibili ng pag-kain" sabi naman ni Dino

"Mas masarap naman kasi talaga ang pizza kesa sa pasta mo Shin e" Sabi ni Chris kay Shin

"Tama na yan! Kumain na tayo!" Pigil ko sa kanila.

Pag-katapos naming magsikain nag kwentuhan muna kami, may 15 mins pa naman bago ang sunod na klase.

"May laban nga pala tayo mamayang 7 ng gabi, 4 na lalake at Isang babae." Sabi ni Wayne

"Kayo nalang may pupuntahan ako e, kaya nyo na un." Sabi ko at bumaba na ako.

Kumuha ako saglit ng libro sa Library at hiniram ito para may mabasa ako sa bahay.Nandun uli ung lalaking nakabnga ko kanina, nakatingin saakin at nakangiti pero di ko na pinansin.

Ung kanina nga pala. Sinabi ko lang na may gagawin ako para din na ako sumama sa laban. Wala ako sa mood para makipag bugbugan ngayon.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Hi po! 1st time ko mag sulat kaya sana magustuhan nyo. 😁 every day ang update.

The Black Gangsta  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon