Im Back

2.2K 52 0
                                    


John's POV

Isang linggo syang di pumasok ah. Bakit kaya?. Hays. Monday naman na bukas kaya sana pumasok na sya para makita ko naman na.

Teka, bat ba iniisip ko sya? >_<

Hay, makatulog na nga lang tutal wala namang gagawin.

~~~~~~~~

Nagising ako ng 5:00 ng gabi. Nanood nalang ako pag katapos sinabayan ko na si Mama sa pag-kain ng hapunan.

"Kamusta school mo?" Tanong nya Sakin.

"Okay naman, maganda ung education nila doon." Sabi ko nalang.

Nag-patuloy sya sa pagkain. Pag-katapos hinugasan ko na ang pinag-kainan namin nanood na lang ako dahil di ako makatulog.

Maya-maya naka ramdam ako ng Antok.

"Huy, Jam na miss kits ah. Isang linggo lang nawala. San na galing?" Bati ko.

"Bat ba kailangan mo malaman?, ano ba kita?"

"Gusto ko lang naman malaman" sabi ko

"Eh ano bang paki mo Sakin, ni di nga tayo close eh"

"GUSTO KITA!" Pa-sigaw kong nasabi.

Umalis na lang sya.

"Jam!"

"Jam, teka!"

"Jammmmmmm!!!!"

"Nak gising!, tsaka sinong Jam ba un?". Bungad Sakin ni Mama.

"Ah wala po, panaginip lang pala, anong oras na nga po pala?" Tanong ko.

"6:30 ng umaga Nak, dyan ka na natulog sa sofa."

"Sige ma, pasok na po ako"

Umakyat ako ng kwarto at naligo, di na ako kumain dahil di naman ako gutom.

___________

Jam's POV

Hay!, pasukan nanaman. I hate school. -_- pero kailangan.

Andito na ako sa school. Kasabay ko si Kuya at Wayne kaya pinagtitinginan nanaman ako. Este kami. Badtrip na to ah.

Hayaan. Sa dabut ko aaminin na ako ang may Ari ng school na to. 

"Ang landi nya talaga oh" hipon 1

"Pinag sabay nya pa" bisugo 1

Dirediretsyo nalang ako nag lakad papunta sa room.

Pagkadating ko dun bilang.

"Jam!!!!!" Sigaw ni John

"Kamusta ka na?" Dagdag pa nya.

"Okay lang" tipid Kong sagot.

"Ano bayan cold Neto, San na taking?"

Di ako sumagot kasi dumating na prof namin.

Wala akong sa mood para makinig kaya natulog nalang ako.

Pagkatapos ng klase sakto namang gagising ako, kaya dumiretsyo na ako papunta sa office. Sabay daw kami kakain ni Kuya ng lunch eh.

~~~~~~~

"Kuya, san tayo?"

"San mo ba gusto?" Tanong sa akin ni Kuya.

"Kahit san na lang, basta may pagkain."

At nag drive na sya kung san man sya pupunta.

___________

Jae Mark's POV

"San mo ba gusto?" Tanong ko kay Jam

"Kahit san nalang, basta may pagkain."
Sagot nya.

Kaya dumiretsyo na ako sa pupuntahan namin. Actually nakapag pareserve naman talaga ako. Alam ko namang wala syang gustong resto eh. Andito na kami.

"Diba may reservation dito?"

"Nag pareserve na ako, tsaka kahit di na noh. Sakin kaya to." Pagmamayabang ko.

"Sayo din pala to." Sabi nya.

"10 mins nalang klase na" dagdag nya.

"Ako na bahala sa first sub mo." Sabi ko.

Nag order na kami at kumain.

"Kuya, kilala mo ba ung transferee natin.?"
Pagputol nya ng katahimikan.

"Sino si John?, bakit crush mo?" Asar ko.

"Baliw, ang kulit kasi eh. Palitan mo nga schedule ko." Sabi nya Sakin.

Tumango nalang ako at kumain. Pag katapos nun ay hinatid ko na sya.

_____________

John's POV

Tapos na ung lunch pero Wala parin si Jam, asan kaya un?. Tsaka sino kaya ung kasama nyang lalake ang sarap sapakin.

Teka, bat ba ako nag kakaganito. -_- Lutang tuloy ako sa klase.

"Mr. Castillo, are you listening?!" Sabi ni Prof.

"Yes Ma'am!" Sigaw ko.

"Pinapatawag ka sa principal's office"

Lumabas naman ako. Bakit kaya? :/
Andito na ako at kumatok.

"Pasok!" Sigaw nung principal.

"Pinatawag nyo daw po ako".

Nilapag nya ang isang papel sa harap ko.

"Iyan ang bagong schedule mo Simula bukas. Makakaalis ka na" tipid na sabi ni principal.

Bakit naman pinalitan schedule ko. Di ko na tuloy makakasama si Jam. Teka bat ba sya iniisip ko?. Baliw nga naman oh.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Sorry, busy lang kaya short UD. Bukas ule. Goodnight. 😊

The Black Gangsta  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon