Ac's Pov
Friday na. Ibig sabihin nun last day na ngayon. Summer vacation na. Gustuhin ko mang maexcite, mamimiss ko kasi yung dalawang kaibigan ko.
"Uy Ac anyare sayo? Ba't naka busangot ka?" Inirapan ko silang dalawa ni Jez at Junelle ng tumawa. Ano bang nakakatawa? Nakabusangot lang tatawa na? Gusto kong isigaw yan sa mukha nila.
"Ang babait niyo alam niyo yun? Tawanan daw ba ako." Sarkastiko kung sabi sa kanila. Hmp.
"Matagal na namin yang alam Ac. Mabait naman kami. Hahaha." I rolled my eyes at them. Grabi talaga tong dalawang to. Sobrang bait sakin.
"Nga pala Ac, punta kang rooftop mamayang lunch break. May ipapakilala ako sayo." Nakangiti ng nakakaloko na sabi naman ni Junelle. Ano nanaman kayang trip ng isang to?
"Oo na, may magagawa pa ba ako? Kung di naman ako papayag block mail nanaman ako." Inirapan ko sila. Tiningnan ko naman sila ng masama ng tinawanan ako. Dahil sa naaasar na talaga ako, nauna nakong maglakad papunta sa room ko. Baka ano pang gawin ko sa kanila.
"Uy Ac grabi naman to nang iwa daw ba." Sabi ni Jez ng makarating na dito sa room. At dahil naman sa pasigaw niya yung sinabi natuon lahat ng atensyon ng blockmates namin sa kaniya.
"Oh anong tinitingin niyo diyan? Ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosa?" Napasubsub nalang ako sa desk ko. Nakakahiya talaga tong babaeng to. Grabing confidence tong isang to.
*********
'Ac asan ka na ba? Andito na kami sa rooftop. Ikaw na lang hinihintay. Mainipin pa naman tong kasama namin. Bilisan mo na.'
Basa ko sa text ni Junelle. Pssh! Paki ko. Nakakatamad kayang umakyat. Pisting hagdanan. Nag paelevator nalang sana sila. Ang taas kasi nitong building. Bwisit.
Akmang tatakbo na sana ako ng may makabangga ako. Bangga nanaman. Mag sosorry na sana ako ng makita ko kung sino yung nakabunggo ko.
"Woh, grabing tadhana to ha. Lagi tayong pinagtatagpo." Nankangisi ng nakakaloko naman siya. Tiningnan ko siya ng nakakunot ako noo ko.
"Pardon? Di ako naniniwala sa destiny. Kaya kung pwede umalis ka sa dadaanan ko at nagmamadali na talaga ako." Inis kong sabi sa kaniya. Nakaharang pa kasi sa dadaanan ko.
"Ang init naman ng ulo mo babe. Meron ka ba?" Mas lalong kumunot ang noo ko. Kaya nasampal ko siya ng malakas.
"PERVERT!!!!!!" Sigaw ko sa kaniya, bago tumakbo palayo. Tinakbo ko nalang ang hagdan. Kaya pag dating ko sa rooftop hingal na hingal ako.
"Oh anyare sayo? Hingal na hingal tayo ha." Kita ng pagod sa kakatakbo nakuha pang mang asar. Pssh!
"Di ba obvious Junelle? At teka, san na yung ipapakiala mo. Akala ko ba andito na siya. Asan na?" Tanong ko sa kanila. Napatingin naman sila sa isa't isa.
"A-ano ka-kasi A-Ac. Uhm....." Anyare sa dila nito?
"Oh ba't nauutal kayo? Ano bang nangyari sa dila niyo?"
Magsasalita pa sana si Jez, ng bumukas ang pinto para sa rooftop.
"Sorry, ngayon lang ako." Sabi ng napaka pamilyar na boses. Nilingon ko kung sino. At sana pala di nako lumingon. -_______________-
"Woh woh woh. Hey babe, destiny really is playful." Pssh!
"Magkakakilala kayo? Anyway, Ac siya nga pala ang ipapakilala ko sayo, si Lucky." Sabi ni Junelle. Right.
"Ac?" Paniguradong tanong niya. Oh problema nito.
"Yeah, got a problem with my gorgeous name?" Mataray na sabi ko sa kaniya. At ang loko nagchuckle lang.
"None. Yeah, it's really gorgeous. Gaya ng may ari." Aba, nag wink pa. Inirapan ko na lang siya.
Lucky's POV
So siya pala si Ac. Ay ngayon pa nag sink in. Syempre sa kaniya yung necklace. Siya lang naman yung nakita kong malapit dun sa pinagpulutan ko ng necklace.
Di ko na lang muna ibibigay yun. Sa susunod na. Para surprise na rin.
-MARA CARMEN
----------------------------------VOTE || COMMENT || SHARE || FOLLOW
Follow me in IG @sunicomara