Chapter 2 - How I met you

430 13 0
                                    


Ashley's POV

Nakaraan ang ilang linggo ganon parin ang takbo ng buhay ko. May gusto parin ako dun sa boyfriend ni Ally kasi naman napaka perfect niyang tao.

Nasakanya na lahat. Ang pogi niya, matangkad, maputi, matalino, mabait halos lahat ata ng magagandang ugali ng lalaki  nasakanya na.

Una ko siyang nakita noong ako'y 9 years old. Hindi pa ako maldita noon lagi pa ako nabubully.

Flashback

"Hoy babaeng panget!" napatingin ako sa nagsabi nun.

Lagi nalang ganto lagi nalang ako inaaway kailan ba titigil itong mga classmate ko?

"Hoy! Babaeng panget na naka red na damit. Bigay mo samin yang teddy bear mo kung hindi sisirain namin yan." sabi ng isa sakanila.

Ayaw kong ibigay itong si Ted. Bigay sakin ni Daddy ito eh bago siya mamatay. Sabi niya sakin wag ko daw iwawala.

"Ayoko. Bigay sakin ito ng daddy ko di ko pede ibigay sayo." sabi ko sakanila.

"Ibibigay mo o sisirain namin yan?" sabi ulit nung batang babae.

"Ibigay mo na kase bago pa namin sirain yang teddy bear mo." sabi nung isang kasama nung babae

"SABING HINDI NGA PWEDE EH!" hindi na ako makatiis ayaw ko na. Lagi nalang ako ang kawawa lagi nalang ako ang talo sawa na ako maging ganito.

Nagulat sila sa inasal ko lagi kasi nila ako pinapaiyak ngayon lumaban ako, sa totoo lang kinakabahan ako kasi ginawa ko sakanila un at di sila nagdadalawang isip na saktan ako.

"Aba! Lumalaban ka na ha?" sabi nung leader nila.

Bigla nalang hinablot ung teddy bear ko.

0_0

"Ibalik niyo sakin yan!" sigaw ko sakanila ngunit parang wala silang naririnig nagulat nalng ako nang bigla nilang binato un.

Ni kahit isa hindi dumikit sa lupa un. Tapos ibabato lang nila.

" I-Itigil n-nyo nayan!" pilit ko silang pinapatigil pero ayun ganun parin ang kanilang ginagawa.

Wala na akong ibang magawa kundi ang umiyak nalang, wala rin naman akong laban sakanila ang dami nila.

Sorry papa di ko naingatan si Ted sorry po talaga.

"Ano yang ginagawa niyo ha?!" sigaw ng isang batang lalaki.

Napatingin ako dun sa batang un. Napaka gwapo niya.

"Hala. Siya yun Gino inaaway niya kami gumanti lang kami." pagsisinungaling nung babae.

"Umalis na kayo bago ko kayo isumbong kay teacher." 

Umalis na sila. Nakatitig lang ako kay Gino.......Gino ang ganda ng name.

"Ally ba't ka naman nagpatalo diba sila pa takot sayo?" sabi niya.

Ally?

Ung kapatid ko?

Kilala niya?

Paano?

"A-ah e-eh hindi ako si Ally."   - ako

"Ally bakit ganyan boses mo? Saka wag mo nga ako lokohin."  - Gino

"Hindi nga ako si Ally hehe."  - ako

"Oh come on Ally."  - Gino

"I told you I am not Ally, I am Ashley."  sabi ko sakanya.

"Ohhhh so you're Ally's twin? Nice to meet you!pagkasabi niya bigla siyang ngumiti.

Dug Dug. Dug Dug.

Ang gwapo niya. Nakakatunaw yang ngiti nayan. Teka bakit ang bagal ng kilos ng paligid? Halos tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

"Sige alis na ko bye!" pagpapaalam niya at umalis na.

End of flashback

[School]

Simula noon lagi ko siyang iniistalk. Sa buong 8 years siya lang ang lalaking gusto ko.

Pero isang araw nalaman ko nalang na nililigawan ni Gino si Ally. Sobrang sakit saka kahit isang beses di naman naging mabait si Ally sakin halos sa lahat ng bagay kaagaw ko siya.

Habang naglalakad nadaanan ko ung garden ng school. Lagi akong tumatambay dito. Dito ako nagbubuhos ng nararamdaman ko.

May nakita akong lalaki na nasa damuhan at parang............umiiyak?

Malapitan nga.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

"Huy! Bakit ka umiiyak?" sabi ko.

Swerte ito ha first time ko lang kumausap ng lalaki. Hearttrob kasi ako dito lahat pinagmamalditahan ko kaya takot ung iba sakin.

Biglang humarap sakin ung lalaki.

"G-Gino??"

~~~~~~~~~~~~~

Hi!!!!

Hhaaha nakakabitin ba? Hhaha bukas mag uupdate po ulit ako bye!

Sana po mag Vote po kayo at Mag comment kung may susuggest kayo.

Thanks sa pagbabasa!

Maybe You're The One (On-Hold)Where stories live. Discover now