Ashley's POV
[Mall]
Naglalakad lakad lang kami dito sa mall at parang gusto ko mapag-isa.
"Nash mag ikot-ikot muna kayo ni Mia may bibilin lang ako." sabi ko sakanila.
"Osige sa text mo nalang ako kung saan magkikita. Bye." sabi niya.
"Okay! Bye!" at tuluyan na akong umalis.
Gusto kong mapagisa para isipin ang nangyari kay Gino. Magkakaroon narin ako ng chance dahil nag break na sila ni Ally. Oo nag break sila may halong tuwa at lunkot akong nararamdaman.
Siyempre malunkot ako para sakanila kasi ayun pareho silang nasasaktan or sabihin nating si Gino lang.
Masaya naman ako kasi ngayon makakausap ko na si Gino kasi di na sila lagi magkakasama, ewan ko ba kung deserve ni Ally ang ganto eh kasi nga naman ung dating ex ko boyfriend niya ngayon.
Hindi naman talaga ako maldita eh. Lagi lang talaga ako nabubully dati kaya ganto natatakot na akong makipag kaibigan sa tao kasi mamaya pinaplastik lang pala nila ako.
Tulad ng ng sabi ko mayaman ako kaya maraming nakikipag kaibigan sakin. Ewan ko ba ano naman kung mayaman? Malilibre sila ganun? Diba dapat kung gusto ko magka kaibigan ung totoo ung laging nanjan para sayo? Yung kahit mamulubi ka na nanjan parin sa tabi mo? Si Xyrile lang ang nakita kong ganon, siya lang.
*bing! (Hhahaa kunwari po tunog ng cellphone)
From: Xyrile
Uy asan ka? Tara mall tayo.
Aysus nasa mall na ako eh.
To: Xyrile
Nasa mall na ako magkita nalang tayo sa Gerry's grill hintayin nalang kita.
Siyempre hindi ako agad pupunta doon maglilibot libot nga din ako eh.
Saka diba sabi ko kay Gino lang ikot ng mundo ko pero may Ex ako? Marami narin akong naging ex mga 7 ang dami no? Akala ko kasi isa na sakanila ung taong mamahalin talaga ako at mamahalin ko din kaso wala eh. Baka si Gino un siguro eto na ung time para bigyan kami ng chance.
Maybe you're the one Gino.
Habang naglalakad ako bigla akong may nakabangga.
*Boogsh
"Aray!" - sabay naming sabi.
Napatingin ako dun sa lalaki at siya si.............
Di ko alam.
Napatingin din siya sakin at...nakatulala?
Oo alam ko maganda ako pero nakakatunaw ha. May itsura siya at naka salamin pero mas gwapo parin si Gino my loves.
"Earth to kuya!" kaya naman bumalik na si kuya sa realidad.
"A-ah E-eh...." nauutal na sabi niya.
"Ih, oh, uh?" inis na sabi ko.
"A- ako nga pala ni Nathan." sabi ni kuy-- ay ni Nathan pala.
"Ok?" di ko lang masabi na " I don't care di ko naman tinatanong." nakakainis si Nathan.
"And you are?" tanong niya sakin.
"None of your bussiness." matamlay na sabi ko.
"Wow ha maganda nga sama naman ng ugali. Eto na nga nakikipag kaibigan na ang sungit pa." - siya
"Eh sino ba naman kasi nagsabi na makipagkaibigan ka? Diba wala naman? Tapos ikaw tatanga tanga ka sa daan na ayaw tumingin kaya may nababangga ka." inis na inis na sabi ko. Bwisit.
"Excuse me miss sino satin ang tanga? Ikaw itong nag se-cellphone sa daan at di nakatingin sa daan kasi naman ikaw dapat ang nagiingat kung bakit ba kasi nag cecellphone ka diyan?" halata na inis na din siya.
"Eh alam mo naman pala na nagcecellphone eh! Sana umiwas ka nalang diba? Saka bakit ako nag cecellphone? malamang may katext!" nakaka inis na ha. Pinagtitinginan narin kami ng ibang tao.
"You know what? Pagusapan nalang natin to. Ung tayong dalawa lang" mahinhin na sabi niya.
Pahawak na siya sa kamay ko ng bigla akong napataas ng boses.
"DON'T! TOUCH! ME!" marami ding napatingin sakin kaya nagpaalam na ako.
"Alis na ako." umalis narin ako ng tuluyan bwiset nayan.
Lalo niya pang pinagulo ang isip ko bwiset nayun!
Papunta na ako sa Gerry's Grill at nakita ko agad si Xyrile.
"Beb eto ako yuhuuu!!!👋" sigaw niya sakin.
Pumunta na ako sakanya at parang ayaw ko narin kumain diyan gusto kong uminon ng kape.
"Beb tara dun tayo sa.........."
[Starbucks]
Yeah nasa Starbucks kami ngayon eto namang babaeng ito naghahanap ng gwapo. Tagal ng gusto magka jowa anjan naman si Josh para sakanya kaibigan ni Gino.
"Oh.my.grande." sabi niya fav. Niya kasi si Ariana Grande kaya ayan puro si Ari na sa isip.
"Bakit nanaman nakakita ka ng SUPER GWAPO?" diniinan ko pa yung super gwapo pano ganyan yan pagnakakita ng sobrang gwapo sinasabi niya yan.
"No, look beb." tapos may tinuro siyang couple na umoorder sa counter of course alangan sa banyo.
Teka is that? ALLY?
With my ex?
Yah oo nga grabe maglandian.
Wait mapicturan nga.
*click*
Ipakita ko kaya kay Gino? I just can't believe.
"Xyrile beb tara na." sabi ko.
~~~~~~~~~~~~
Thanks po kasi hanggang dito binabasa niyo parin hhahaahaha😂😂
Vote and comment lang po if you want. Hehehe.
YOU ARE READING
Maybe You're The One (On-Hold)
Teen FictionSi Ashley ay isang maldita na dalaga ang gusto lang naman niya ay ang sumaya sa buhay niya paano nalang kung sino pa ung taong mahal niya yung tatraydor sakanya. Makahanap kaya siya ng totoong magmamahal sakanya? Tuklasan kung bakit naging maldita s...