Ashley's POV
"Tignan mo nga naman napakalandi talaga sabay pang nilandi ung Ex niya at ung boyfriend ko." sabi niya sakin.
Namumuro kana ha. Bibingo kana.
"Baka nakakalimutan mo wala na kayo ng sinasabi mong boyfriend? Saka alam naman lahat na bestfriend ko lang ito." sabi ko sakanya.
Maraming naiinis kay Ally dahil yan sa attitude niya. Saka di naman porket maldita ako sa lahat galit na sila sakin, halos marami rin kumakampi sakin pag nagaaway kami nitong gaga kong kapatid.
"H-Hindi totoo yan kami parin ni Gino. *Tumingin siya kay Gino* diba babe? Diba hindi ka naman nakipag break sakin? Diba mahal mo ako? " sabi niya at parang naiiyak na.
Tumingin ako kay Gino at walang emosyon ang tingin niya kay Ally.
"Ano? Ayaw ka nga pansinin ng sinasabi mong BABE. Kasi naman nakita pa kita sa mall kasama ung ex ko tapos nung nakaraang linggo ung kapatid naman ni Rachel." sabi ko sakanya. Nakita ko naman na parang nagulat siya sa mga sinabi ko.
Nagsimula na rin magbulungan ung maga estudyante dito sa canteen. Ung iba ang sama ng tingin kay Ally ung iba naman nagulat sa sinabi ko. Si Gino mukang lalo siyang nainis ng sinabi ko un.
Grabe di ko lubos na maisip na ganito ang ugali niya. Hindi naman ganito sila mommy at papa. Saan to nagmana? Sa kapit bahay? Hehehe jk lang syempre halos mas mabait pa nga kapit bahay ko na chismosa kaysa dito kay Ally, peace tayo kapitbahay.
"No! That's not true! Gumagawa ka lang ng kwento para magustuhan ka ni Gino. Sinisiraan mo pa ako? May ebidensya ka ba? Wala naman eh!" sabi niya sakin. Muling nagbulungan ang mga estudyante, iniisip nila na gumagawa nga lang ako ng kwento. Pwes tignan naten kung wala nga ako ebidensya.
Umalis na ako dun para kunwari mapaniwala siya na wala akong ebidensya. Magpakasaya ka ngayon. Bukas ipapahiya kita.
Habang iniisip ko ang plano na gagawin ko bukas may nabangga nanaman ako. Kainis lagi nalang ako may nababangga buti nalang talaga malakas ako.
Pagtingin ko.
"IKAW NANAMAN?! " sabay pa naming sabi. Oo siya nanaman si Nathae bayun?
"Tadhana nga naman hahaha!" mayabang na sabi niya. Feeling mo tayo tae mo!
"Utut pinagsasabi mo? " sabi ko sakanya with matching irap.
"Bakit tumitirik mata mo?" pangiinis niya sakin.
WTF?! Hindi tirik un no? Ang ganda nung irap ko eh sa sobrang ikot ng mata ko nahilo ako siyempre joke lang, kayo di naman mabiro oh.
"FYI that's not tirik. Sa ganda kong to titirik lang mata ko? Sayang naman ganda ko kung titirik lang mata ko." pagmamayabang ko.
"Ano naman connect ng ganda mo sa mata mo? " pambabara niya sakin. Hindi ako papatalo masawa ka kakasagot sakin.
"Siyempre iisipin nila na nababaliw ako kung titirik lang mata ko edi matatakot sila sakin. Kaso ang ganda ko para katakutan diba?" sabi ko sakanya at nag flipped hair.
"Oo na dami mong alam eh." sabi niya sakin at parang naiinis na sa kaartehan ko.
Di ako maarte talagang hindi ako agad nagpapakita ng totoong pag uugali ko siyempre baka lubusin nila ang kabaitan ko mahirap na.
"Ash! Nasan ka ba hintayin moko!" biglang may sumigaw at si Xander yun.
Malandi na ba ung bestfriend mo ung Ex mo? Diba di naman? Porket marami akong close na lalaki malandi na?
YOU ARE READING
Maybe You're The One (On-Hold)
Teen FictionSi Ashley ay isang maldita na dalaga ang gusto lang naman niya ay ang sumaya sa buhay niya paano nalang kung sino pa ung taong mahal niya yung tatraydor sakanya. Makahanap kaya siya ng totoong magmamahal sakanya? Tuklasan kung bakit naging maldita s...