T N T I C H 8: Mall

113 11 0
                                    


Ella PoV

*VIP room*

"Ella bat ang tahimik mo ata?" Tanong sa akin ni ate sophia. Oh well napansin ko rin bat ang tahimik ko. Alam nyo kung bakit? Iniisip ko lang kung bakit ang seryoso ni Ethan kanina tapos bigla akong kikindatan. Hindi kasi ako sanay na ganun sya sakin. Nacucurious tuloy ako malaman kung bakit sya ganun kaseryoso kanina tas bigla na lang magiging masaya.

"Ah wala wala ate, may iniisip lang"

"Si Ethan ba yang iniisip mo?"

"Ah hindi ate ano kaba. Wala to"

"Naku ella magdedeny kapa. Alam mo ella dati ko pa Alam na may crush ka sa kanya. Or I say na may gusto muna sya"

"Eh kasi ate eh. Ang seryoso nya ngayon. Hindi ko tuloy makausap ng maayos tapos kinindatan pa ako kanina"

"Baka crush ka nya ella. Malay mo lang"

"ayoko umasa ate. Hindi mangyayari iyon no. Hindi sya magkakagusto sakin"

"Malay mo lang. Wag ka muna magexpect sa ngayon okay. Mabuti pa kung tulungan mo ako dito maghain Baka dumating na yung mga iyon" so iyon tinulungan ko na lang maghain si ate imbis na isipin si ethan. Ethan bakit ganun. Crush kita pero parang higit na ata Duon ang nararamdaman ko ngayon. Pagkatapos maghain ay saktong pagpasok ng tropa. So inaya na ni ate ang tropa na kumain Maya naman nagmadali silang umupo dahil mukhang gutom na gutom na sila.

"Hmm..mukhang masarap ang ulam ah" sabi ni kuya Jacob.

"Oo masarap ang ulam natin ngayon kasi ako ang nagluto. May kasama yang pagmamahal haha" pagkasabi nuon ni ate ay biglang uminom ng tubig si kuya Eros. Hmmm. I smell something about him.

"Naku Sophia Baka may gayuma to ah. Haha" sabi ni kuya Alexander kaya ang lahat ay nagsitawa. Biruin mo yun may pagkajoker pala siya. So nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan about sa mangyayaring pe day. Pagkatapos kumain ay ako ang nagprisintang magurong. Habang naguurong ako ay may naramdaman ako na may lumalapit sa akin. Pagkatingin ko ay sya lang pala.

"Ella pwede ba kitang tulungan?" Tanong nya sa akin.

"Oo ba! Sge ilagay mo na lang yang mga Plato sa lalagyanan" pagkasabi ko nuon ay siya naman nya itong ginawa. Pagkatapos nyang ilagay sa lalagyanan ang mga ginamit namin ay dumiretso na kami sa sala.

"Oo nga pala guys may hindi pa ako nasasabi sa inyo" sabi ni kuya Eros.

"Ano nanaman yon eros?" Tanong ni ate.

"Wala daw pasok mamaya nagtext sakin si Christine. May meeting daw ang faculty" pagkasabi ni kuya iyon ay para bang new year na dahil nagsisigaw at nagtatalon kami.

"Guys tutal naman walang pasok ngayon. Let's go to mall para naman may magawa tayo!" Sabi ni ate Sophia sa amin.

"Oo ba sophia. Tara na guys! Dala ko ang kotse ko ngayon" pagkasabi iyon ni kuya James ay kanya kanya na kaming lumabas sa room at dumiretso na sa parking lot. Habang bumabyahe ay napansin ko si Ethan. Ang tahimik nanaman nya. Hmm matanong kaya...ay Mamaya na nga lang. Pagkarating namin sa mall ay dumiretso na kami sa WOF at nagsimulang maglaro ng basketball,just dance, bowling at iba pa. Pagkatapos namin maglaro ay dumiretso na kami sa department store dahil mag wiwindows shopping daw si ate. Pagkapasok namin ay dumiretso na kami sa female section.

"Guys ano sa tingin Nyo ang maganda. Itong red dress or itong blue?" Tanong ni ate sa amin.

"Hmmm..yung red maganda" payo ni kuya Eros Kay ate. At si ate ay namula. Tsk tsk. Mukhang alam ko na ang nangyayari ngayon. So pagkatapos ni ate bumili ng dress ay sa accessories naman sya tapos sa shoes at pagkatapos ay sa mga bag naman. At puro si kuya Eros ang laging nagpapayo sa kanya. Pagkatapos bumili ni ate Sophia ay nagpasya na kaming kumain kaya dumiretso na kami sa mang inasal. Masarap duo eh hehe. So si kuya Eros at si kuya Jacob daw ang oorder ng pagkain namin. So nagahanap na kami ng upuan at bingo! May nakita ako. Kaya Duon na kami umupo at hinintay ang pagkain.

"Oh guys eto na. Let's eat na!" Sabi ni kuya Jacob at nagsimula na kaming kumain. Pagkakain namin ay nagpasya na kaming umuwi dahil sa gabi na rin naman. Pagkarating sa bahay ay umakyat na ako at dumiretso sa kwarto. Pagkapasok sa kwarto ay diretsong humiga na ako. Hindi ko man lang nakausap si Ethan. Hays.
Diko namalayan na nakatulog na pala ako.

The Nerd Turn Into A Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon