T N T I C H 5: O Pag Ibig <3

123 12 0
                                    

A/N: Uhm pasensya na readers kung Hindi ko na maiidescribe yung ibang character hehe. Sorry talaga.

----------

Ethan PoV

So yun na nga nagpraktis na kami ng kanta ni Ella at ang napili naming kanta ay ang o pag ibig ni Ylona Garcia at Bailey May.

Play the music video in multimedia....

So nagsimula na kaming kumanta ...

Oh oh pag-ibig, oh oh, Oh oh pag-ibig, oh oh

Bakit ganito ang nadarama makita lang kita
ng isang saglit
ang araw ko ay buong buo sa gabi ikaw ang panaginip

Ang ganda pala ng boses ni ella. Nakakainlove...Parang boses anghel.

dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi

Nakakakaba Nakakaaliw, Nakakakilig, Nakakabaliw Napapakanta, Napapaisip, Napapangiti Nakakabaliw Oh oh pag-ibig, Oh oh pag-ibig Oh oh pag-ibig, oh oh

Oh ano itong aking nadarama marinig ang boses mong ka'y tamis
ang araw ko ay puno ng musika sa gabi ikaw ang nasa isip

Oh dahil sa iyo puso ko'y sumasayaw isip di mapakali ngiti ay laging nasa labi

Nakakakaba, Nakakaaliw Nakakakilig, Nakakabaliw, Napapakanta Napapaisip, Napapangiti, Nakakabaliw oh oh, oh oh, oh oh pag-ibig

Nakakakaba, Nakakaaliw, Nakakakilig Nakakabaliw, Napapakanta, Napapaisip Napapangiti, Nakakabaliw, Nakakatuwa Nakakagigil, Nakakakilig, Nakakabaliw Nakakakaba, Nakakaaliw, Nakakakilig Nakakabaliw pag-ibig...

Pagkatapos naming kumanta ay napatitig ako sa kanya. Ang kanyang pilikmata, ang matangos nyang Ilong, at ang mapupula nyang labi. Ahh. Ethan aral muna.

"Oy ethan...oy okay kalang?" Nabalik na lang ako sa realidad ng nagsalita si Ella.

"O-oo okay lang ako. Ano kaba." Pagkasabi ko nun ay ngumiti sya sakin.

"So Tara na sa baba at gabi na oh pasado alas sais na rin" pagkasabi nya nun ay lumabas na kami sa music room at bumaba. Pagkababa naming ay naabutan namin sila kuya Eros at ang barkada na nagtatawanan habang nanunuod. Ano kaya yung pinapanood nila. Nang pagkatingin ko ay natawa narin kami ni Ella dahil akalain mo banaman yung tao nagsasayaw tapos nahulog sa swimming pool. Hahaha. Pagkatapos ng palabas ay nagsitayuan na kaming lahat at nagpaalam na kayla ella, ate Sophia at sa barkada. Gusto sana namin magtagal pero naalala namin si mama. Walang kasama sa bahay. Wala naman kaming katulong at si papa naman ay Nasa trabaho bilang technician sa manila. Panigurado madaling araw nanaman uuwi yun.

Pagkauwi namin sa bahay ay nagmano kami Kay mama at dumiretso na ako sa kwarto para magpalit. Pagkapalit ko ay lumabas na ako ulit sa kwarto at tumulong Kay mama para maghain.

"Oh mga anak, bago kumain magdasal muna." So nagdasal na kami at ang namuno ay si kuya. Pagkadasal namin ay kanya kanya na kaming sandok nang kanin at ulam. Habang kumakain kami ay nagkwentuhan kami about sa nangyari kanina sa baby nila Ella. Pati yung sa pinanood namin sa Tv nila.

Pagkakain namin ay nagpresinta na ako Kay mama na ako ang maguurong dahil sya naman itong nagsaing at nagluto ng ulam para samin. Nakakahiya naman kung papagurin namin sya. Pagkaurong ko ay dumiretso na ako sa kwarto at kinabisado ko ang linya ko para bukas. Habang kumakanta ako ay may biglang kumatok...

"Pasok!" Sabi ko na lang at nagulat ako nang si kuya pala iyon...

"Ganda naman ng boses ni bunso. Nako panigurado maraming magkakagusto sa iyo kapag narinig Nila ang boses mo." Sabi sa sakin ni kuya at ginulo ang buhok ko.

"Hindi din kuya kasi nerd ako" malungkot kong sabi sa kanya.

"Ano kaba bunso. Pogi kanaman e ayaw mo lang magayos. Saka nasa loob ang kagwapuhan mo at wala sa labas. Sige na bunso goodnight na" pagkasabi iyon ni kuya ay lumabas na sya nang kwarto at napaisip sa sinabi nya. Kapag ba nag ayos ako marami nang titigil sa pangbubully sa kin? Magugustuhan ba ako ni Ella? Matutuwa ba ang barkada? Haist. Dami Kong tanong sa sarili ko. Pero sabi nga nila. Be yourself. So yun nagpapakatotoo lang ako sa sarili ko. Sadyang may masasakit na nakaraan na mararanasan mo na sya ring babago sa pagkatao mo. Pagkatapos Kong kabisaduhin ang kanta ay dumiretso na ako sa higaan at natulog....

*kinabukasan*

*Ringgggg, ringggg*

Ano bayan. Ang aga aga naman may tumatawag. Pagkakakuha ko sa cellphone ko ay napamulat ako ng mata nang makita ko kung sino ang tumatawag. Si ella!

"Hello ella, bat napatawag ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ethan gusto ko lang sabihin sayo na goodluck satin mamaya. Nakabisado mo ba?" Tanong nya sakin.

"Oo naman. Bakit?"

"W-wala lang. O sya sge bye" pagkatapos namin magusap ay lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko si mama na nagluluto ng umagahan.

"Good morning anak"

"Morning po mama"

"Anak Tara kumain na tayo" pagkasabi nuon ni mama ay nagsimula na kaming magdasal at kumain. Pagkakain namin ay nagprisinta ulit ako magurong. Pagkaurong ko ay dumiretso na ako sa kwarto at nagsimula nang maligo. Pagkaligo ay nagbihis na ako at lumabas nang kwarto. Pagkalabas ko nang kwarto ay nagpaalam na ako Kay mama at lumabas ng bahay para pumunta sa school.

*Milescent University*

Pagkapasok ko sa school ay nagulat ako nang lumapit sakin ang barkada... At eto nanaman ang mga tao. Nagbubulungan nanaman about sa akin. Kesyo ano dw ginawa ko at naging close ko daw ang 5th impact.

"Hayaan mo na sila. Mga inggit lang yung mga yan" pagsabi nuon ni ate Sophia ay dumiretso na kami ni ella sa room. Pagkapasok namin sa room ay umupo na kami sa bandang dulo at nagsimula magpractice.

---------





The Nerd Turn Into A Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon