T H T I C H 1 : Ethan

295 15 1
                                    


Ethan PoV

*Milescent University*

"Loser"

"Pangit"

"Nerd"

Ayan ang sinasabi nila sakin kapag dumadaan ako sa hallway. Sanay naman ako na lagi akong binubully. Hindi na bago sakin ang mga iyan. Halos 3 taon ko na rin nararanasan ang mga ito. Basta ako masaya nako kung ano ako ngayon.

By the way I'm nathaniel ethan uy. 16 years old, grade 11 at certified campus nerd ng university. Meron akong kuya at ang pangalan nya ay si kuya eros. Mas matanda sya sakin ng tatlong taon.

Pagpasok ko sa room ay bigla na lamang may bumato ng itlog sakin at Mas nagulat ako nang may bumuhos sakin na harina. Ano bayan. Bagong bili at bagong plantsa tong uniform ko tas dudumihan lang nila. Lumabas na lang ulit ako ng room at pumunta sa locker. Buti may extra akong uniform para kung bubullyhin man nila ako may susuotin ulit ako. Pagkapalit ko ng uniform at dumiretso sa room.

"Your late Mr. Uy"

"Sorry mam I'm late"

Iyon na lamang ang nasabi ko at umupo sa duluhan. Habang nagdidisscuss si mam ng mission and vision about sa school ay napaisip ako...kung hindi kaya ako nerd...titigilan na ba nila ako? Siguro, baka, Ewan.

"Mr. Uy are you listening to me?" Nagulat na lang ako ng may biglang may naghampas ng desk ko at si mam lang pala.

"Sorry mam"

"So class magkakaroon tayo ng projects by partner so ang gagawin nyo lang is perform a song okay

And the partners is Mr. Uy and Ms. Cruz and so on..."

"That's all for today Goodbye class!" Pagkasabi samin ni mam iyon ay ang mga kaklase ko naman ay kanya kanyang lapit sa kanilang mga partner.

Nagulat na lang ako ng may lumapit sakin na isang Babae.....siguro transferee sya? Ang ganda naman nya.

"Kuya okay ka lang?" Nabalik ako sa katinuan nang bigla nya akong kinausap.

"A-ah oo okay lang ako hehe" hoo muntik na.

"So kuya ano nga palang name mo?" Tanong nya sakin

"Ako si Nathaniel Ethan Uy, ethan for short at ikaw?"

"Nathalia Ella Cruz. You can call me Ella na lang :)" at ngumiti sya sakin at Alan nyo ba ung feeling na...parang bumilis yung puso ko.

"So Ethan Pwede ka bang magpractice tayo bukas ng kanta sa amin?"

"S-sge ba"

*Bell rangs*

"Okay see you later" at Pagkasabi nya nun ay diko namalayan na recess na pala. Kaya napagpasyahan Kong tumungo sa canteen.

Pagkabili ko ng pagkain ay naghanap ako ng pwesto at kung sinuswerte ka nga naman. Mag isa lang si Ella sa table nya kaya tumabi ako sa kanya.

"Oh Ethan buti nagrecess ka :)"

"W-wala lang nagugutom na kasi ako e" yun na lamang ang nasabi ko dahil walang pumapasok sa isip ko kundi sya. Pagkatapos naming magrecess ay napagpasyahan naming bumalik sa room...

After nang 5hrs na klase ay uwian na pala. Ang bilis pala nang oras. Parang relasyon lang. Ang bilis matapos.

"Uhm Ethan pwede bang Sabay na tayo pls"

"Osge ba :)" pagkalabas namin nang room ay nagulat na lang ako ng paakyat kami sa 3rd floor. Pagkaakyat namin ay pumasok kami sa isang room.

"Oh Bal nandyan kana pala" ate nya bayon? Parang magkamukha kasi sila eh

"Oo naman ate at syempre may kasama nanaman ako! Bagong kaibigan ko nga pala ate si Ethan."

"Hi Ethan!"

"At syempre Ethan si ate Sophia nga pala"

"Hi po!"

"So guys Tara na sa kusina para makakain na tayo"

Wow! Ang ganda naman dito. Parang bahay. So pagkadiretso namin sa kusina ay may nakita akong 3 lalaki. Sino naman kaya sila?

"Guys si Ethan nga pala at Ethan si Alexander, James, at Jake" pagpapakilala sa akin ni ella.

"Hi po!"

"Hi pre welcome sa grupo namin" sabi sakin ni james

"Grupo?" Tanong ko sa kanya

"Yeah. Kami ang 5th impact." Sabi ni alexander

Oh sila pala yung sinasabi ng mga kaklase ko na sikat na grupo sa campus. Ang 5th Impact. Ang gagwapo at ang gaganda naman nila.

"Tara na guys gutom na ko" pagkasabi ni Jacob nun ay nagsimula na kaming kumain...

Pagkatapos namin kumain ay biglang nagvibrate ang phone ko at nagtext pala sakin si kuya...pinapauwi nanya pala ako.

"guys uuwi na ako ah pinapauwi na kasi ako nang kuya ko e"

"Sge ingat!" Yun lang ang sinabi nila sakin at kumaripas ako ng takbo para makahabol sa sakayan ng jeep.








The Nerd Turn Into A Campus HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon