Para sayo mahal ko

482 9 0
                                    


Isang araw, maaalala mo yung babae na sobra kang minahal na pati sarili niya nakalimutan niyang mahalin. Maaalala mo sya sa paggising mo, sa pagkain, at maging sa pagtulog mo. Sya yung hinding hindi mo makakalimutan na panaginip mo. Ikaw na yung iiyak, at habang sya masaya sa piling nang iba .

Isang araw,  mag sisisi ka dahil pinakawalan mo sya.

Nawala yung babae na ginawa lahat para sayo. Nawala yung babae na laging nandyan sa tabi mo kung wala kang masasandalan. Nawala yung babae dahil sa katangahan mo . Nawala yung babae na nandyan lagi sa tabi mo kahit na pinagsasabihan mo sya nang masasamang salita at nakakasakit sa kanya. Nawala yung babae na sinubukan kang intindihin kahit na kung kailangan ka niya at wala ka doon .

Isang araw,  Marerealize mo na sya pala talaga yung para sayo. Yung babae na laging nasa tabi mo kahit na di mo pinapahalagaan. Yung babae na mas pinili mong e let go dahil napuno ka nang pride.  Isang araw, Marerealize mo na yung babae na binitawan mo at iniwan mo para sa ibang babae, sya pala yung babae na pinaglaban ka at pinagtangol kahit na nakakarinig sya nang mga masasamang salita tungkol sayo.

Isang araw, makikita mo sya na masaya at contento na sa buhay niya na wala ka. Nagpapasalamat sya dahil ni let go mo sya at pinafeel mo sa kanya na may mas worth it pa at better kaysa sayo, at may iba pang lalaki jan na willing na gawin lahat para sa kanya. Titignan ka niya sa mata nang walang halong feelings.

Isang araw, kung makikita mo sya, mararamdaman mo na parang nasasaktan ka at tinutusok yung puso mo nang ilang beses dahil sa pag give up mo sa kanya. At kung dadating yung araw na yun, kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, wala na siyang pakialam sayo dahil tapos na siya sa buhay mo she's already done spending years of her life trying to make you love her as she loved you. But you didn't.

Para sayo mahal Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon