October 4
dear f,
Intrams natin ngayon at late ako nagising kasi galing kami nang cagayan kahapon. Naka black ka kanina at ako naka white tapos ang hot mo tignan sa suot mo naka plain black, plain cap na color black din at naka short pants kung alam mo lang ikaw parin ang tinitibok nang puso ko kaso di ko lang masabi sayo, kanina ayan na nanaman yung mga kaibigan ko tinatawag nanaman ang pangalan mo at ayun napapatingin ka sabay ngiti sakin at 'hi' sa totoo lang sobra ang kinilig ngayong araw ang daming nagyari at parati kitang nakikita . Nasa may college kami kanina at nandun ka tumitingin nang soccer game, sa di ko inaasahan nakita ka nang mga kaibigan ko at tinawag ka nila at ako naglalakad palayo sa kanila pero parang may pumipilit sa akin na lumingon at kaya tumingin ako at nakita kita nakatayo, nakatingin sa akin sabay kaway, sabay sabi nang 'hi' sobrang tagal mo kumaway sakin kaya ayun nag peace sign ako kasi yun ang paborito kung pose . Hahaha. Napaisip tuloy ako ano ba talaga ang meron sa atin ngayon? Ahh! Tama nga pala kaibigan lang at wala nang iba .
Ps: Mahal kita pero...