Hindi mo na din siguro natatanggap na may mga bagay lang talaga na nagbago. May mga bagay na unti-unting nawawala at minsan bigla nalang naglalaho, mga bagay na akala mo meron pa pero wala na pala. Na kung dati sinusulit natin ang bawat pagkakataon, ngayon hindi na kagaya dati. Na kung dati sa bawat magkakausap tayo, nangangawit ang panga natin dahil sa sobrang saya, ngayon nangangawit ang panga dahil sa tuwing magkakaroon tayo ng oras magkausap wala na tayong mapagusapan.
Minsan hindi talaga natin alam kung ano ang dahilan ng isang bagay pero hahayaan nalang ba nating magpatuloy itong bagay na kung saan hirap at sakit ang ating nararamdaman?
Sabi, may bagay na hindi na pinaguusapan para hindi na lumaki pa. Hahayaan mo bang hindi maayos to? Hindi nga lalaki, pero lumalala yung sakit na nararamdaman mo, yung labo na meron pa ba? Yung labo na kaya pa ba? Yung labo na ako parin kaya? Na sa bawat pagiwas sa problema para hindi lumaki, hahayaan nyong maging malabo ang lahat, at dumating sa puntong wala na. Sa sobrang labo wala ka ng makitang dahilan para tumuloy pa, para lumaban pa, para kumapit pa.
Pero, sa kabila ng hirap at sakit kinakaya mo parin kasi mahal mo sya, kasi sya lang, kasi ayaw mo sa iba. Dahil sya lang talaga.