"ROSEMARY, puwede ba tayong mag-usap?""Tungkol saan naman, Ate?"
"Sa'yo!"
Biglang kinabahan si Rosemary."Ha? Anong meron sa akin, Ate?"
"About your health?"
"Ate, wala naman akong sakit, ah."
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin, Rosemary."
"Ate, deretsohin mo nga ako, paligoy-ligoy ka pa, eh!" Bigla na lang siya nairita.
"Okay, magsabi ka nga ng totoo sa akin, Rosemary."
"Ate, ano naman ang sasabihin ko, wala naman akong ginagawa ah, pwede ba stop asking me sabi ko nga deretsuhin mo na kung ano mang 'yan tinutumbok mo."
"Rosemary, alam mo ang ibig kong sabihin, hinihintay lamang kita nagsabi sa akin eh, but you won't."
"Ano ba ang gusto mong malaman, Ate?" Napapasimangot na siya.
"Buntis ka di ba, Rosemary?" deretsong turan ni Rossana.
Hindi naman malamang ni Rosemary kong ano ang sasabibin niya sa kanyang Ate nakatingin lamang siya rito hindi pa siya sigurado na buntis pero ang pag-iiba ng kanyang katawan pang amoy at hindi siya dinatnan pa posible nga na nalagyan siya ng gumahasa sa kanya.
"Oh, bakit hindi ka makasagot Rosemary, dahil totoo ang sinabi ko di ba?"
"A---ate?"
"Rosemary, kapatid mo ako pwede mo akong pagsabihan ng ano man problema mo, ano buntis ka ba?" Napataas na ang kanyang boses.
"Ate, so---sorry, hindi ko alam pero---" Napaluha siya.
"Pero ano, Rosemary?"
"Hi---hindi na ako nagkaroon ngayon buwan, Ate!"
"Kaya pala ganon na lang ang pagkasabi mo kay Al na mabaho siya, naglilihi ka na sino ang ama?"
Umiling siya.
"Ano wala kang alam, papaanong nangyaring buntis ka kung hindi mo alam ha, Rosemary?"
"Ate!" umiiyak na siya.
"Sino, Rosemary?"
Umiiling-iling siya ng paulit-ulit.
"Naman, Rosemary. Sagutin mo ako ano bang nangyari sa'yo, para alam ko at matulungan kita o kami ng kuya mo."
Hindi naman makapag salita ang dalaga dahil humahulhol na ito.
Niyakap naman ni Rossana ang kapatid.
"Tama na h'wag kang umiiyak masyado nakakasama sa baby 'yan," pag-aalo niya.
"Ate, ayoko sa batang ito, AYOKO!" may diin saad niya.
Lumuhod si Rossana sa harapan ng kapatid hinawakan niya ang pisngi nito bago muling nagtanong.
"Look at me Rosemary, at sabihin mo sa akin ang totoo, anong bang nangyari, ha?"
Pinakalma muna ni Rosemary ang sarili bago sumagot." Ate, ginahasa nila ako!" Humikhikbi niyang sabi
Hindi malaman ni Rossana kong ano ang maging reaction niya sa pinag-tapat ng kapatid. At hindi niya namalayan pumatak narin ang luha.
"Ate, ano ang gagawin ko? Ayaw ko sa batang ito ayoko!"
"Psssttt, tahan na ituloy mo 'yan,nariyan na malaking kasalanan pag pinalaglag mo buhay iyan. Rosemary."
"Ate ayoko nga, ayoko! Masama silang tao!"
"Kilala mo ba kung sino sila, Rosemary?"
Umiiling siya.
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.
RomanceAl FALCON. Naghahanap ng tunay na pag-ibig ng makita at makilala si Rossana, akala niya ito ang babaeng mamahalin pero hindi pala dahil nakalaan na ito sa kanyang matalik na kaibigan. Sabi ng kaibigan niya isa siyang lover boy. Ang sagot niya. Zero...