Chapter 13

5.5K 139 2
                                    



NAPATITIG na lang si Al kay Rosemary, hindi pa naman niya kayang sabihin ang totoo rito.

"Al, may problema ba? Puwede ko bang malaman baka makatulong ako sa iyo?"

"Wala sweetheart. Tungkol sa business ang sinabi ni Edward."

Ngumiti na lang si Rosemary dito.

"God, hanggang saan ang kaya kung magsinungaling sa kanya mahal na mahal ko na siya. Please gave me a strength to tell her the truth." Muni ng isip ni Al habang nakatingin sa asawa.

Sa paningin ngayon ni Al, sa asawang nakangiti lalo itong gumaganda."You are so beautiful and sweet, sweetheart!"

"Nang bola ka pa," lalong naman napangiti siya.

"No I'm not seeing you now, you have a beautiful smile. Na lalong nagpaganda sa iyo."

"Hmp! Bolero!" She smile more attractive.

Al heart melted to her smile. The lie to his heart suddenly burst. 

"Rosemary, sabi pala ni Edward. Na---nahuli na ng taga NBI ang mga lalakeng gumawa ng masama sa inyo." gusto sana niyang ilihim mo na ang nalaman dito.

Lumarawan naman sa mukha ni Rosemary ang galak dahil sa nalaman."Ta---talaga?!"

"Yes, Edward. Said  baka mamaya o bukas invite ka ng NBI para makita mo sila and mai-identify mo kong sila nga."

"Thank you Lord, mabibigyan narin ng justice ang ginawa nila sa amin at para malaman namin kong nasaan dinala ng mga hayup ang mga kaibigan ko!"

Lalong nakadama ng takot si Al para sa sarili. Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"Al, okay lang?"

"Yeah, I'm okay, bakit mo naman na tanong?"

"You look sad, why?"

Ngumiti siya."I'm not sad, may naisip lang kasi ako bigla, mabuti naman at nahuli na sila magkakaroon ka na ng peace of mind, sweetheart!"

"Oo makakatulog na ako ng mahimbing nito," may ngiti sa labi niya.

"I have to go na pala sa opisina sweetheart, ikaw na ang bahala dito," paalam niya.

"Oo sige, mag ingat ka."

"I will sweetheart, baby aalis na si Daddy, behave ka diyan ha, at h'wag kang maglilikot." Hinahaplos ng palad sa tiyan ni Rosemary.

Napatitig si Rosemary sa binata. Dahil sa ginawa nito nakadama siya kakaiba she feel something, para bang ang haplos ay haplos ng nagmamahal na ama.

Naramdaman naman ni Al na nakatingin sa kanya ito."Damn bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko!" saad niya sa sarili.

"Alis na ako." Kaagad siyang tumayo. Tango naman ang tugong ni Rosemary.

Tumalikod na si Al. Nasabi tuloy ni Rosemary sa sarili na"Wala man lang kiss"

Bigla naman humarap sa kanya si Al. At walang sabi-sabing ginawaran siya ng halik sa labi.

"Bye, take care," ika nito ng matapos ang halik.

Pakiramdam tuloy ni Rosemary bigla siyang nag ka energy isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi niya.

Pagdating ni Al sa opisina niya wala siyang nagawa dahil ang isip ang posibleng mabunyag na ang totoong nagawa niya.

"Ahhh! What I'm gonna do now, WHAT?" gusto niyang sumigaw ng malakas.

Palakad-lakad siya sa loob ng opisina gulong-gulo ang kaisipan.

"I'm going to be craz. God, tell me kong ano ang tamang gagawin ko? I know malaki ang kasalanan ko sa'yo pero ginawa ko naman ito ng tama di ba? I marry her dahil yong ang alam kong tama. At para makabawi sa nagawa ko, and now mahal ko na siya, ayokong mawala sila sa akin. Tell me papaano ko itatama ang nagawa ko?" Lakad upo ang ginagawa niya.

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon