Chapter 11

5.6K 134 0
                                    



MAAGANG nagtungo si Al sa National statistic office. Para kumuha ng marriage contract nila. Pag katapos niyang makuha agad din siyang nagpunta sa isang judge na kilala niya para ito ang mangkasal sa kanila ng dalaga. Pati narin restaurant na pagdadausan ng munting salo-salo inasikaso na rin. Buong araw ito ang kanyang ginawa." All is done," turan ni Al ng magawa na ang lahat.

Tinawagan ang kaibigan si Edward para ipaalam na ayos na ang lahat para sa kasal nila bukas ni Rosemary.

"Hello, bro anong balita?" bungad nito.

"Bro, all is done na."

Todo kunot ang noo ni Edward."Wow, hindi ka naman excited sa lagay na iyan ha, bro," biro niya.

"Bro, mas mabuti na ang maagap di ba?"

"Oo nga naman, so anong oras bukas ang kasal ninyo?"

"Tree o'clock in the afternoon, bro."

"Okay sasabihin ko kina Rosemary at Rossana ito."

"No need, bro, ako na lang pupunta diyan mamaya sa bahay mo dahil may ibibigay ako kay Rosemary."

"Hulaan ko kong ano iyan, bro."

"Sige nga, bro."

"Engagement ring?"

"Hindi pa ngayon iyang, bro."

"Ha? Eh, ano?"

"Secret!"

"Naman bro, sabihin mo na pa secret-secret kapa ngayon,ha."

"Oo na, clothes!"

"Ha? Para saan naman 'yan?"

"Aba siyempre, bro para bukas isusuot niya."

"Grabe wala akong masabi sa'yo bro, lahat na ginawa mo na ano bang meron sa'yo, ha?"

"Ano naman ang ibig mong sabihin, bro?"

"Well na papaisip lang kasi ako sa'yo, parang minamadali mo ang lahat, my something ba, bro?"

"Naman bro, wala ah, ginawa ko ito para kay Rosemary yon lang."

"Sigurado ka, bro?"

Napalunok naman si Al sa tanong nito.

"Bro, ano bang klaseng tanong 'yan."

"Okay wala na akong sinabi bro, pero ito lamang ang tandaan mo kong meron kang dahilan para gawin ito sana maganda pero kung masama bro kilala mo ako," madiin ika ni Edward.

Lalong napalunok si Al sa tinuran ng kaibigan.

"Oo naman bro, I know you well," sagot niya.

"Okay magkita na lang tayo sa bahay mamaya, bro."

"Sige bro, bye."

Nang mai-off na niya ang kanyang mobile napabuntong-hininga ng malalim si Al.

"Ahhh, kay hirap ng ganito. Stupid me kasi eh, ngayon dinadala ko ito, ahhh," sigaw niya.

Kinagabihan maagang nagpunta si Al sa bahay ni Edward habang nasa daan siya may nadaan siyang flowers shop huminto siya bumili ng isang doseng pulang rosas.

Napatitig si Al sa hawak niyang rosas." Why I am doing this?" ika niya sarili. Gusto niyang isauli ang binili pero na hiya naman na siya.

Pagkadating niya sa bahay ng kaibigan nag dalawang isip siyang kunin ang bulaklak. Kong ibibigay ba niya ito sa dalaga. Tila naman may isip ang kamay dinampot niya ito.

Napabuntong-hininga na lamang siya. Nag doorbell na.

"Hon, may tao."

"Si Al, na 'yan ako na ang magbubukas."

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon