PAGKAUWI ni Rosemary sa bahay nila kaagad niyang kinausap ang magulang."I---Itay, Inay, may sasabihin po sana ako sa inyo." Atubili si Rosemary na magsabi sa magulang dahil ngayon lang niya gagawin ito.
"Ano 'yon, anak sabihin mo lang," ika ng ama.
"Itay, Inay, puwede po ba akong sumama sa mga kaibigan ko?"
"Anak, na sa'yo iyan, basta ba wala kayong kalukuhan na gagawin."
"Wala naman po Itay, may ikakasal kasing ka klase namin doon kami pupunta."
"Sige anak, pumunta ka hindi ka naman namin pinag babawalan na lumabas, ah, " wika ni ina.
"Oo nga po Inay, pero mas maganda na'yon nag papaalam ako sa inyo para hindi kayo mag-alala sa akin."
"Tama ka anak, at salamat dahil alam mo 'yan, hindi kagaya ng ibang mga kabataan ngayon basta na lang umaalis ng bahay nila, kung may masamang mangyari sa kanila, walang alam ang magulang nila kung saan sila puntahan o hanapin."
"Kung ganon po Itay, puwede akong sumama sa mga kaibigan ko?" paninigurado niya.
"Narinig mo naman ang sinabi ng Inay mo hindi ba Rosemary, hindi ka namin pinipigilan sa nais mong gawin, dahil kailangan mo rin 'yan kasi dalaga ka na at para marami kang maging kaibigan pa. At kailangan mo rin iyan sa buhay dalaga mo."
"Salamat po, Itay, Inay." Napayakap siya sa magulang.
"Sige na magpalit ka na ng damit mo, nagluto ako ng miryenda ninyo nasa kusina kumuha ka na lang, anak. "
"Sige po, Itay."
Excited naman si Rosemary sa bridal shower na pupuntahan nila dahil ito ang una niyang party na dadaluhan.
Pag katapos niyang kumain ng niluto ng ama naligo muna siya para hindi na magmamadali mamaya at nagpahinga muna sandali.
Pagsapit ng alas-sais dahil tulog pa si Rosemary, pinuntahan siya ng ina upang tignan.
"Anak, gising na di ba may pupuntahan ka, ano nga ba 'yun?"
Napabalikwas naman ng bangon si Rosemary sa sinabi ng ina.
"Inay, anong oras na po ba?"
"Ala-sais na anak!"
"Naku kailangan ko nang mag handa para mamaya, baka parating narin ang mga kaibigan ko. Hay napasarap ang tulog ko!"
"Kaya nga anak, sige na bumangon ka na. At ng makapag-ayos ka."
"Salamat, Inay, sa pag gising mo sa akin, bridal shower po iyon pupuntahan namin."
"Ganon ba anak, sige na lalabas na ako para maka paghanda ka na ng maigi."
"Opo, inay, salamat po ulit."
"Walang ano man, anak." Sagot nitong papalabas ng kuwarto.
Kaagad naman na siyang nag-ayos ng sarili simple lamang ang ginawa niyang make up. Isinuot naman niya ang regalo ng ate Rossana na damit sa kanya.
"Hindi ko akalain na maisusuot ko pala ito, tama si ate Rossana baka isang araw maiisuot ko this is it na nga," ika niya sa sarili habang nakatingin sa salamin.
Simpleng bare back na bistida ang suot na lampas tuhod na meron din ternong heels ito.
Nasalabas naman na ng bahay nila ang dalawa niyang kaibigan.
"Tao po," tawag ng isa.
"Baka ang mga kaibigan na iyang ni Rosemary."
"Buksan mo ang pinto at puntahan ko na ang anak nating para sabihin na nariyan na ang kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.
RomanceAl FALCON. Naghahanap ng tunay na pag-ibig ng makita at makilala si Rossana, akala niya ito ang babaeng mamahalin pero hindi pala dahil nakalaan na ito sa kanyang matalik na kaibigan. Sabi ng kaibigan niya isa siyang lover boy. Ang sagot niya. Zero...