HABANG papalapit si Al sa bahay nila, hindi niya mawari ang kabang nadarama."Lord, bigyan mo po ng malinaw na pag-iisip ngayon si Rosemary, magalit mang siya pero sa huli mapapatawad din niya ako. Please Lord, and guide me para masabi ko sa kanya!" piping dasal niya siya ay napabunting-hininga.
Pagdating ni Al sa bahay nila agad niyang hinahanap ang asawa ng hindi niya makita ito nag tanong siya sa kanilang kasam-bahay.
"Manang, Auring. Si Rosemary, po saan siya nagpunta?"
"Aba kanina lamang nariyan siya sa sala nanunuod ng television."
"Ganon po ba, kasi hindi ko siya makita, Manang."
"Baka naman natutulog siya sir."
"Wala naman siya sa silid naming Manang, pumunta na ako roon."
"Alam ko na kung na saan siya sir."
"Saan po Manang?"
"Ikaw naman sir, di ba ang lagi niyang pinupuntahan ang kubo-kubo."
"Oo nga pala, salamat Manang sige pupuntahan ko na siya," paalam niya sa ginang.
Dali-dali naman niyang tinungo ang kubo na nasa gilid ng bahay.
Pagbungad palang niya sa may pinto ng kubo nakita na niya ang asawa dito na pala natalog ito.
Dahan-dahan siyang lumapit dito para hindi muna magising.
Napangiti siya habang nakatitig sa asawa. Himbing na himbing ito sa pagtulog.
"Simpleng ganda pero ka akit-akit," ika niya habang nakatitig siya rito.
Nilapitan ito at inangat ang palad upang haplosin ang pisngi nito.
"Mahal na mahal na kita Rosemary, ang bilis mong pinasok ang puso ko, hindi ko alam kong ano ang mangyayari sa akin pag ika'y lumayo dahil sa ipagtatapat ko sa'yo, hindi mo man ako mapatawad ngayon sana hindi maglaon mapapatawad mo rin ako at dahil mahal mo ako."
Nararamdaman naman ni Rosemary na may dumadantay na mainit na bagal sa pisngi niya kaya medyo napaungol pa siya unti-unti na niyang iminulat ang mata ang nakangiting mukha ng asawa ang nabungaran."Al?"
"Naistorbo ko ba ang pagtulog mo, sweetheart?" malambing na sabi niya.
"Hmmm, Oo pero okay narin kasi mahaba na ang naitulog ko, bakit ang aga mong umuwi ngayon?"
Bumangon siya inalalayan ni Al ang asawa.
"Hmmm, na miss kasi kita kaya umuwi na ako," may ngiting turan niya.
"Ikaw ha, binubola mo na ako niyan, magkasama naman tayo, ah."
"I'm not, I said it is true, ang gusto ko nga eh isama ka pa sa office ko para lagi kitang nakikita."
"Al, ah sobra na 'yan?" nangingiting ika ni Rosemary pero deep inside na kakataba ng puso ang sinabi nito.
Titig na titig si Al sa asawa pakiramdam niya if he tell the truth to her mawawala na ito sa kanya.
"Oy, Al. Bakit ba ha, may problema ka ba? Kong makatitig ka sa akin wagas, ah." puna nito.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Al at naging sersoyo na siya.
May kaba naman nararamdaman si Rosemary dahil sa biglang pag-iba ng expression ng mukha ni Al.
"Rosemary, sweetheart, may gusto akong sabihin sa'yo?"
"Ano iyon? Kinabahan naman ako bigla sa'yo."
Ginagap ni Al ang palad nito."Puwede bang tawangin mo rin akong sweetheart kahit ngayon lang, sweetheart. Please!"
BINABASA MO ANG
PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.
RomanceAl FALCON. Naghahanap ng tunay na pag-ibig ng makita at makilala si Rossana, akala niya ito ang babaeng mamahalin pero hindi pala dahil nakalaan na ito sa kanyang matalik na kaibigan. Sabi ng kaibigan niya isa siyang lover boy. Ang sagot niya. Zero...