Chapter 12

5.4K 133 3
                                    



"ROSEMARY, anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Natarantang tanong ni Al. Oh yes, papaanong hindi damang-dama niya ang hubad na katawan nito.

"May---may, ipis sa loob ng banyo," takot na sagot nito at napayakap pa siya ng mahigpit sa binata. Nakalimutan naman yata ni Rosemary na sabon-sabon pa ang buo niyang katawan at hubad pa siya dahil sa takot niya sa nakita. Kahit na laki siya sa hirap ang bahay nila walang ipis kung meron man agad na inaapakan ng ina at ama dahil may phobia siya sa ipis.

Di naman malaman ni Al kong ano ang gagawin dahil ramdam na ang nagbabago na ang temperature ng katawan. Dahil nasa bisig niya ang dalagang walang ano man saplot.

"Ro---Ro---" parang may bara sa lalamunan dahil hindi niya mabigkas ang pangalan nito lumunok muna siya ng laway bago muling nag salita."Rosemary, ipis lang yong hindi ka niya aanuhin."

"Kahit na, baka kagatin niya ako, ayoko ng makagat ng ipis."

"Naranasan mo na bang makagat?"

"Oo, isang linggo akong hindi nakalakad eh, kaya takot na ako sa ipis."

"Halika samahan kita sa loob."

"Ayoko may ipis nga!"

"Akong bahala sa ipis na iyon, she or he don't bite you, ako muna ang kakagatin niya bago ikaw, at para narin makapagbanlaw ka look ang dulas ng katawan mo."

Dahil sa tinuran ng binata ng laki ang mata ni Rosemary, dahil ngayon lamang niya napagtanto na hubad pala siya.

"My gosh, wala pala akong damit, oh I'm totally naked pa, anong gagawin ko now," sabi niya sa sarili. Ayaw naman niyang bumitaw sa binata. Dahil pag ginawa niya makikita naman nito ang buo niyang katawan sobrang tense tuloy siya.

"Tara na sa loob, Rosemary."

Hindi naman kumibo si Rosemary. Nararamdaman na lang niyang naglalakad na sila patungo ng banyo.

Nagpalinga-linga muna si Al sa loob ng banyo bago niya ipinasok ang dalaga. Para siguraduhin walang ipis.

"Wala na ang ipis, lumabas na natakot din yata sa sigaw mo, eh."

"Promise wala na?"

"Wala na talaga, sige mag banlaw ka na dito lang ako sa labas ng pinto."

"Ayoko dito ka sa loob magbantay," namutawi sa bibig ni Rosemary.

"Rosemary, hindi mo alam ang hinihiling mo sa akin."

"Ah, basta dito ka sa loob baka babalik na lang bigla, eh!" pilit niya.

"Nagtitimpi lang ako alam mo ba?"

"Bakit ka pa kasi nag titimpi?"gusto niyang isagot dito.

"Basta dito ka lang sa loob," munkahi pa rin niya.

Wala naman nagawa si Al kundi pag bigyan sa nais nito.

Habang nagbabanlaw ang dalaga. Naka talikod naman siya rito pero hindi niya maiwasan na mapalingon paminsan-minsan.

"Ahhhh!" sigaw ng isip niya. Dahil matindig pagtitimpi talaga ang ginagawa niya sa sandaling iyon.

"Al, kaya mo 'yan 'wag ka na naman magpadala sa init ng katawan mo," payo niya sa sarili.

Kong ano-ano ang ginawa niya para mawala ang nararamdaman. Tingin sa kisami iunat ang braso ipilig ang leeg habang nakapikit. Kita naman ito ni Rosemary. At alam niya kong ano ang nangyayari sa binata. Kahit naman sino kasing makakita ng hubad hindi ka ba malilibugan.

"Kawawa naman siya," nasabi niya sa sarili."Kaya ko ba siyang pag bigyan ahhh, asan ka ng butiki ka para masagot mo ako," tumunog na butiki ng tatlong beses na ikinalaki ng mata niya.

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon