Chapter 5

5.5K 138 2
                                    



"SAAN KA NAKATIRA?" agaw pansin ni Al sa katahimikan namamagitan sa kanila ng dalaga sa loob  ng kotse.

Ayaw nang pumunta pa sa prisento ni Rosemary. Dahil iniisip niya ang magulang at ang kanyang Ate Rossana. Higit sa lahat ayaw niya ng gulo.

Napanatag naman ang loob ni Al, sa disisyon ng dalaga. Hindi na niya pinilit pa ito para na rin sa kanya.

"Sa---Sta Mesa," kiming sagot nito.

"Where's the exactly location?"

"Basta bababa na lang ako, sa may Sta Mesa."

"No, tell me where? Para maihatid kita hanggang sa bahay ninyo," giit pa rin ni Al.

"H'wag na ayokong magtanong ang magulang ko kung bakit may kasama akong lalake at hindi ang mga kaibigan ko ang akin kasama."

Napa buntog-hininga naman si Al bago nag salita."Okay, kung iyan ang gusto mo."

Pag sapit nila sa SM Sta Mesa. Hindi na hinintay pa ni Rosemary na pagbuksan siya ng pinto ni Al, agad na siyang bumaba naglakad papalayo. At hindi mang lang niya nilingon ito.

Napailing naman si Al sa ginawa ng dalaga sinundan na lamang niya ng tingin.

Nang hindi na niya makita pa ipinasya na niyang umalis na.

Nagkubli lang pala si Rosemary sa isang sulok tinatanaw  ang papalayong kotse ng binata.

Nang wala sa paningin ito umalis narin siya.

"Oh anak, bakit ngayon ka lamang umuwi? At saan ba kayo natulog nag-alala kami ng tatay mo, ah?" bungad ng ina pagkakita sa kanya.

"Ah-eh---Inay, sa hotel po ka---kasi umaga nang matapos yon kasiyahan." pagsisinungaling niya. Ayaw ni Rosemary na magsinungaling sa ina pero hinihingi ng pagkakataon.

"Ganon ba anak? Mabuti naman, akala ko kung ano na ang nangyari sa inyo sa hindi ninyo pag-uwi."

Gustong umiyak ni Rosemary sa sinabi ng ina. Dahil totoo ang sapantaha nito. Lumunok siya at tuminga ng bahagya upang pigilan ang pag daloy ng luha.

Napansin ng ina ang kanyang ginawa."Rosemary, anak, okay ka lang ba, ha?"

Ngumiti siya sa ina."Opo naman Inay, pasensiya na kayo kung hindi na ako nakapag alam kagabi low battery na kasi ang mobile ko, hindi ko na kayo natawagan o na text man lang."

"Wala iyon anak, ang mahalaga, ay walang nangyaring masama sa inyo. Sige na pahinga ka na pagod na pagod ang itsura mo anak. Teka nga pala kumain ka muna ng almusal bago ka matulog."

"Hindi na po Inay, busog pa po ako," alibi niya para pakapasok na sa kuwarto upang ibuhos ang luhang pinipigil.

"Oh sige anak, mamaya pala pagka gising mo may sasabihin kami ng itay mo sa'yo."

"Eh, ano bang sasabihin mo Inay, ngayon na po sabihin mo na sa akin?"

"Magpahinga ka muna, isa pa wala ang itay mo."

"Saan ba nagpunta si Itay, Inay, pati Erick wala rin po?"

"Ah, basta magmahinga ka na muna mamaya na nga."

"Sige po Inay, pasok muna ako sa silid ko." humakbang na siya papasok sa silid niya.

Dahil masakit pa ang maselan bahagi niya kaya medyo paika siyang naglakad napansin naman ito ng kanyang ina.

"Anak, na paano ka?" biglang tanong nito.

"Po? bakit mo naman naitanong 'yan, Inay?" Kinabahan siya bigla.

PAG-IBIG NA KAYA? (Book 2: The Proxy Bride) by: Ginalyn A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon