Yunice's POV
Annyeongg!! First day of class ko ngayon sa Salveda Academy. Transferee ako dito kaya medyo kinakabahan ako. Galing akong Olongapo City at nag transfer lang dito sa Manila. Dito kasi nalipat si papa sa trabaho niya. Medyo may kaya naman kami kaya nakabili kami ng isang maliit na condo para sakin. Dalawa lang kaming magkafated. Ung kapatid ko ay nasa Grade 9 palang kaya pinagpapatuloy na muna pansamantala ang pag aaral don. Oo nga pala ang daldal ko ngayon. Heto na po ako chan chararan... naka uniform nako ng Salveda Academy... Simple lang itong parang shortsleeve na pantaas tapos mini skirt naman pang baba mga 3 inches lang above the knee, tas may necktie din kami at parang vest pag may araw at coat na pambabae naman tuwing umuulan naka black high socks din kami at di ako nag school shoes naka black vans ako, baduy ba? Sorry naman wala kasi akong alam sa fashion eh. At siya nga pala naka glasses din ako at medyo makapal ito ang grado ay 250. Medyo may mga pimples at, blackheads din ako pero wala naman akong pake diyan.
"Kaya mo yan Adrienne Yunice Flores, AJA!" Sinabi ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili ko sa isang salamin. May mga 30 mins pa naman ako tsaka malapit lang ang school na papasukan ko sa condo ko.@School
Hayss. Puro yayamanin ang mga nandito. Mahahalata mo naman kasi sa mga kilos, itsura at aura nila pati narin sa mga suot nila at pananalita. Ang aarte ha! Pumunta nako sa principal's office para sabihin na sakin ng principal kung san ang room ko.
Kumatok muna ako bago pumasok *toktoktok at saka binuksan ang pinto at bumungad sakin ang principal na naka ngiti,
"What can I do for you, Miss?" Sabi niya sakin. "Uhmm... Mam Im a scholar here at your academy.." Habang sinasabi ko yan ay kinakabahan ako. "I just want to know po kung ano ano ang mga schedule ko?" Patanong kong sabi. "Oh, okay! May I know your full name para mabigay ko na sayo" sabi niya habang nakangiti padin. "Adrienne Yunice Flores po" sagot ko naman sa kanya. Tumango lang siya at may parang kinuha sa table at binigay sakin. "Uhm... Hija you said you were a scholar right? And I almost forgot that you were a transferee here. So here's your sched and rooms, and wear this bracelet as a sign that you were a scholar." Sabi niya na nakangiti at inabot sakin ang bracelet na kulay black at may naka lagay na "Scholar in SA" na kulay puti naman. Agad naman akong ngumiti sa principal at nag paalam na.
YOU ARE READING
Nerd's Revenge
Teen FictionThis is a kind of story that tells you that we should live in REALITY not in some imaginations.... Annyeonggg!! Im Adrienne Yunice Flores, 16 years of age at nakatira sa isang simpleng bahay! I thank you! Pak Ganern! Hahahaha pero totoo lahat ng nak...