"WHAT?!" Pasigaw na sabi nila Angelo at Zack. "Lalayuan namin sila?" Sabi ni Angelo "Sorry but we can't do that" sabi naman ni Zack na may hand gestures pa. "Bakit ganyan na lang ang epekto nila sainyo?!" Sigaw ni Maxene na naluluha na. "Because we love them" sabay na sabi nila Zack at Angelo. Napa angat naman ako ng ulo dahil don. A-anong sabi nila, they love us? Napatingin ako kay Mich at parehas lang kami ng ekspresyon ng mukha. "What?! T-the t-two o-of y-you l-love t-them?!" Umiiyak na sabi ni Maxene. May tumutulong luha na din sa mga mata ni Rachelle. Dahan dahan namang tumango ang dalawang lalaki. "We can't believe this?! Your unbelievable?!" Sabi ni Rachelle na umiiyak. Nagulat naman kaming lahat ng lumuhod si Maxene sa harap ni Zack. "Please, Zack, I am begging you! Love me back! Love me like I love you! Please, choose me over that stupid nerd!" Yan ang sinasabi ni Maxene habang umiiyak na naka luhod sa harap ni Zack. "Sorry Maxene but I can't love you back" sabi ni Zack sabay alis sa harapan niya. Tumayo si Maxene at dinuro ako. "You b*tch! This is all your fault! Malandi ka!" Galit niyang sigaw sakin, habang naglalakad siya papunta sakin, "Siguro ung nanay mo nilandi niya rin ang tatay mo! Kaya ka nabuo!" Nagpanting naman ang tenga ko dahil don, at ngayon ay nagpipigil lang ako ng galit ko. "Baka totoo nga, dahil MALANDI KA! Kung ano ang puno yun din ang bunga, MALANDI ANG NANAY MO KAYA MALAN--" di na niya natapos dahil nagsalita nako "Please lang wag mo idadamay ang nanay ko dito!" Malumanay at pasigaw kong sabi sa kanya. Ngumisi naman siya at sinabing, "Hindi porket may gusto sayo si Zack ay mauutusan mo nako?! Sasabihin ko lahat ng gusto ko?! Gagawin ko kung ano ang gusto ko?!" Sabi niya sakin. Habang sina Angelo at Zack ay nasa gilid lamang at nanonood. Teka bakit nanonood lang sila?! Akala ko ba they love us? Bakit hindi nila kami tulungan dito? Hayyss Yunice magising ka nga sa katotohanan baka mamaya pinag lalaruan lang kayo niyan eh. Nagising naman ako sa katotohanan ng biglang sumigaw si Mich "Ahhhh!! Tama na please!! Tama na Rachelle pleaseee!!" Sigaw ni Mich habang sinasabunutan siya ni Rachelle. "Serves you right b*tch! Malandi ka kasi! Nilandi mo ang Angelo ko! Baka nga parehas kayo ni Nerd eh MALALANDI ANG MGA NANAY NIYO?!" Nagpanting ulit ang tenga ko don. Di ko na napigilan ang sarili ko at nagdilim na ang paningin ko.
Mich's POV
Nasa kalagitnaan kami ng away ngayon. Hawak ni Rachelle ang buhok ko habang sinasabi niya na malandi daw ang nanay namin ni Yunice. Umiyak nalang ako dahil sa sakit ng paghatak niya sa buhok ko at sa mga sinasabi niya tungkol kay mommy. Nagulat nalang ako ng bigla niyang nabitawan ang buhok ko. Napaupo kami parehas sa sahig. Tinulungan ako ni Angelo tumayo. Lumingon naman ako kay Yunice at nagulat sa ginawa niya kay Maxene. Sinampal niya ito ng napaka lakas dahilan upang mapa upo si Maxene. "Sa susunod huwag niyo ng idadamay ang mga magulang namin sa sawi niyong puso?!" Galit na sigaw ni Yunice sa kanila. Tumingin naman ng masama sakanya si Maxene at si Rachelle naman ay sakin. Dahil siguro naka alalay si Angelo sakin. Hawak niya kasi ang magkabilang bewang ko. Lumabas naman ng room si Yunice, "Yunice!" Tawag ko sakanya pero di siya lumingon sakin kaya napilitan akong sundan siya kahit nanghihina ang mga tuhod ko.

YOU ARE READING
Nerd's Revenge
Novela JuvenilThis is a kind of story that tells you that we should live in REALITY not in some imaginations.... Annyeonggg!! Im Adrienne Yunice Flores, 16 years of age at nakatira sa isang simpleng bahay! I thank you! Pak Ganern! Hahahaha pero totoo lahat ng nak...