Lumapit naman na sila dun sa grupo ng mga babaeng may makakapal na make-up. Agad nila itong hinalikan sa pisngi ung dalawa ay sa lips humalik. Agad namang nagsi tilian ang mga babae dito. Halata mo namang kinilig ang apat na babae sa ginawa ng Stones? ba? Ay ewan. Napansin ko namang dahan dahang bumulas ung pinto at di nila ito napansin. Nakita ko ang isang babaeng maputi medyo matangkad naka glasses ng makapal tulad ko at may ilan ring pimples. Tiningnan ko naman ung bracelet niya at nakita ko na isa rin pala siyang scholar. Umupo siya sa tabi ko. Tiningnan niya lang ako at naghead down din tulad ko. Mukha naman siyang maamo, mabait at wala ring kaibigan tulad ko. Kinalabit ko naman siya at agad namang napa taas ang ulo niya kaya nagsalita nako.
"Uhmm.. Hi! Ako nga pala si Adrienne Yunice Flores, scholar at nerd din." Sabi ko sakanya habang inabot ko ang kamay ko at nakangiti. Tiningnan niya muna ako na parang nagtataka at parang sinusuri. Pero ngumiti din naman siya at inabot ang kamay ko.
"Hello! Michelle Kim Vega, pangalan ko" sabi niya ng malumanay at parang nahihiya. Pero maririnig mo sa boses niya na parang ang saya niya. At yun nag usap lang kami. At tinanong ko siya ng mga ilang bagay tungkol dito sa Salveda Academy.
"Uhm, Mich transferee ka rin ba dito sa SA?" Tanong ko. Agad naman siyang umiling at ngumiti.
"Matagal nako dito, since high school nandito nako" mahinhin niyang sabi. Tumango naman ako at may tinanong ulit ako sakanya.
"Ah, Mich sino nga pala ang mga iyon?" Sabay turo sa grupo ng mga lalaki na ngayon ay tuwang tuwa habang may mga naka kandong babae sakanila. Agad namang nanlaki ang mata niya at binaba ang naka turo kong kamay sa kanila. Napakunot naman ako ng noo sa ginawa niya. Magsasalita na sana ako ng magsalita siya.
"Yunice, wag mo silang duruin ng ganon! Baka mahuli ka nila at patay ka kapag nangyari yon!" Sabi niya ng pabulong na may halong pag aalala.
"At bakit naman? Mich? Estudyante din naman sila katulad natin ah! Scholar nga lang tayo!" Sabi ko habang naka kunot pa rin ang noo. Agad namang umiling si Mich.
"They are not just a simple student they are dangerous! Ang apat na lalaking iyan ay ang mga anak ng may ari nitong school!" Sabi niya. Agad namang nanlaki ang mata ko dahil sa gulat. Kaya naman pala ganyan ang mga ikinikilos nila dahil pagmamay ari nila ito.
"Their group is called Stones! Ang nasa kaliwa ay si Peter Arthur Collins, sa kanan naman ay si Jericho Blake Lopez, ang nasa likod ay si Angelo Nathan Park at lastly ang nasa gitna ay si Michael Zack Salveda" sabi ni Mich sakin. Napanganga naman ako sa sinabi niya sakin. Magtatanong pa sana ako ng biglang pumasok ang teacher namin.

YOU ARE READING
Nerd's Revenge
Teen FictionThis is a kind of story that tells you that we should live in REALITY not in some imaginations.... Annyeonggg!! Im Adrienne Yunice Flores, 16 years of age at nakatira sa isang simpleng bahay! I thank you! Pak Ganern! Hahahaha pero totoo lahat ng nak...