Yunice's POV
Pagkatapos ng kaganapang nangyari ay umalis agad ako sa room at agad na pumunta sa cr. Narinig ko naman ang pagtawag ni Mich sakin kanina eh, kaya lang di ko na kaya pang humarap sa kanila. Okay lang sana kung ako nalang ang sabihan nila ng ganon, pero hindi eh. Nandamay pa sila. And worst ung NANAY ko pa! Iyak lang ako ng iyak dito sa cr habang naka harap sa salamin. "Yunice", narinig kong tawag sakin, kaya napalingon ako sa may pintuan ng cr. Nakita ko naman doon si Mich na halatang umiyak at nag aalala. Niyakap niya naman agad ako. Narinig ko naman ang paghikbi ni Mich, at naalala ko nanaman ang nangyari kanina. Umiyak lang kami ng umiyak hanggang sa napagod na kami. At kahit na pinipigilan ko ay bumababa na ang talukap ng mata ko. Agad naman akong tumayo ngunit natumba ulit ako, "Yunice!" yan ang huli kong narinig galing kay Mich at napa pikit nalang ako.Mich's POV
Nagulat nalang ako ng biglang natumba sakin si Yunice. Oh my gosh! Nasigaw ko nalang ang pangalan niya pero huli na, dahil naka pikit na siya, tinawagan ko nalang ang driver ko, "Hello, Kuya Ramon paki sundo na po ako dito. Paki bilis nalang po. Salamat." binaba ko naman kagad ang tawag. Tiningnan ko si Yunice na nahimatay sakin. Hindi ako makahingi ng tulong dahil malalaman nila na hindi talaga ako mahirap. Nag ring naman ang phone ko, hindi ko na tiningnan pa kung sino ito sinagot ko na kagad. "Hello?" sabi ko, "Hello mam, si Ramon po ito, nasan po kayo? Nandito na po kasi ako" sabi ni Kuya Ramon, sumagot naman ako kagad "Ayy kuya nandito po kami sa cr ng girls, paki tanong nalang po diyan sa guard kung san" narinig ko naman na nagtanong na siya kaya naman pinatay ko na ang tawag. After 5 mins. ay nandito na si Kuya Ramon, pinabuhat ko na si Yunice at pinadala sa kotse. At agad na nagpauwi sa bahay. Pagkarating ko sa bahay ay pina akyat ko kagad sa guess room si Yunice. Nakita naman ito ni mommy, "Anak, who's that girl?" tanong ni mommy sakin habang nakaturo kay Yunice. "Uhmm... Mommy siya po si Yunice. Siya po ung sinasabi ko sainyo ni dad na kaibigan ko. Uhm, mom aakyat na muna po ako" sabi ko kay mommy pero bago ako maka akyat ay nagsalita si mom, "You'll tell the whole story later, Kim" sabi ni mommy sakin, tumango naman ako at umakyat na para magbihis at asikasuhin si Yunice.
YOU ARE READING
Nerd's Revenge
Teen FictionThis is a kind of story that tells you that we should live in REALITY not in some imaginations.... Annyeonggg!! Im Adrienne Yunice Flores, 16 years of age at nakatira sa isang simpleng bahay! I thank you! Pak Ganern! Hahahaha pero totoo lahat ng nak...