Chaptee 12: Introducing the Real Michelle

2 0 0
                                    

Mich's POV
Matapos kong asikasuhin si Yunice ay bumaba ako para ikwento lahat kay mommy. At ngayon ay naka upo kami sa sala at natapos ko nang ikwento lahat lahat ng nangyari.
"So, that Yunice girl is your savior?" natatawang sabi ni mommy sakin, nakangiti naman ako habang tumatango. "Hmmm... Hayaan muna natin siyang matulog. At pag gising niya saka na lang ako magpapakilala at iexplain mo na sakanya ang lahat" sabi ni mommy tsaka siya umakyat. Dumaan na muna ako sa kwarto na pinag dalhan ko kay Yunice. Nakita ko naman siyang mahimbing na natutulog, kaya sinarado ko na ang pinto atsaka dumiretso sa kwarto ko para magpahinga. This day was a long day for us.

Yunice's POV
Nagising ako dahil sa di pamilyar na amoy ng lugar at sa sobrang lambot ng kama na hinihigaan ko. Teka, bat ganto ang amoy ng kwarto ko? Hindi naman ganto eh, masyadong mabango dito. At sobrang lambot ng kama na hinihigaan ko, eh hindi naman ganto kalambot ung akin. Napamulat naman agad ako at bumungad sakin ang isang napaka laki at napaka gandang kwarto. "Wow!" yan nalang ang nasabi ko. Pero teka pano ako napunta dito, eh sa pagkaka alala ko nahimatay ako sa cr ng girls sa academy. Napalingon nalang ako sa pinto ng may kumatok dito, nakita ko naman ang naka ngiting si "Mich?" gulat kong sabi sakanya. "Uhmmm... I'll explain Yunice, hehe" sabi niya na para bang nahihiya.  Syempre pumayag ako dahil ano namang karapatan ko para tanggihan siya. Napatingin naman ako sakanya dahil bigla siyang tumikhim at nagsalita, "Uhm... I'll introduce my real me first, I'm Michelle Kim Vega, 16 yrs. of age. At dito ako nakatira" sabi niya sakin na may pag aalangan. Napanganga naman ako dahil nandito pa lang ako sa kwartong toh ay malaki at maganda na, pano pa kaya ung buong bahay nila diba? Medyo natawa naman siya... Luh ang cute ng tawa niyaaaaa!! Haha. Natotomboy na ko dito. Pigilan niyo ko! Baka maligawan ko toh! Haha. Pero syempre joke lang yon dahil pure babae ako noh. "Nagpanggap ako bilang isang scholar at nerd, dahil sa mga kaibigan ko noon. Niloko kasi nila ako. Akala ko tunay silang mga kaibigan pero hindi pala," sabi niya sakin habang naluluha na. "Para lang pala akong bangko sa kanila, lagi ko silang nililibre, pinagsho shopping, binibilan ng bagong labas ng iphone, binibigyan ko ng loptop, ipad, printer pati nga kotse nabigyan ko sila" napatigil saglit si Mich dahil hindi na niya mapigilang maluha, pinunasan niya ang luha niya tsaka nagpatuloy. "Hanggang nung isang araw, narinig ko silang nag uusap sinabi ng pinaka leader nila na ginagamit lang nila ako, kinaibigan lang nila ako dahil sa pera ko. Narinig ko pa nga na sinabihan nila akong tatanga-tanga daw ako, hahaha. Ang sakit palang maganon noh? Kaya simula non ay nagpanggap ako bilang nerd at mahirap, nag apply din ako ng scholarship kahit na kaya ko namang magbayad ng tuition fee don," huminto muna siya dahil hindi na siya makapag salita dahil  sa pag iyak niya. Lumapit naman ako sakaniya at pinunasan ang luha niya at niyakap siya, "Please, Yunice wag mo kong lolokohin, wag mong gawin ang ginawa nila sakin. I trust you" sabi niya sakin habang magka yakap pa din kami, "Shhh, Mich wag kang mag-alala. Di ako tulad nila, di ako magiging kaibigan mo para lang sa pera mo" sabi ko habang nakangiti ako. Kumalas naman siya sa yakap at tiningnan ako, "Halika na, baba na tayo. Ipapakilala pa kita kila mom at dad" masigla niyang sabi.

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now