Chaptee 14 : Shopping

3 0 0
                                    

Yunice's POV
Nandito kami sa mall ngayon ni Mich, naghahanap ng mga bibilhin. Pumasok kami sa isang boutique shop, House of Hera ata ang name niya. Humiwalay saglit sakin si Mich at ako naman ay nagtingin tingin muna. Nakakita ako ng isang eleganteng dress, kulay black siya at may lace din sa gilid. Tiningnan ko ang presyo niya at agad ko naman itong isinauli sa kinalalagyan niya, umalis naman nako don at nagtingin tingin nanaman. Mga ilang minuto na ang lumipas ay may kumalabit na sakin at nakita kong si Mich pala ito at may dala dalang mga damit, pantalon, skirt at kung ano pa. Basta kumpleto lahat.
"Yuniceee, halika isusukat mo tong lahat!" masaya niyang bati sakin habang iniangat pa ang mga dala niya. Hinatak naman niya ako agad sa fitting room at nagsimula ng isukat lahat ng damit na binibigay niya sakin.
Sa wakas natapos na lahat ng pinapasukat niya sakin at pumunta na kami sa counter para bayaran lahat ng binili niya. Nagulat ako ng halos 15,000 lahat ng pinamili niya. Naglabas naman siya ng isang credit card at binigay sa kahera.
"Tara na Yu" aniya niya. 
Pagtapos namin don ay sa mga sapatos naman kami pumunta. Pinasukat niya lahat sakin ng mga napipili niya. Ibang klase din pala tong si Mich mamili eh noh? Lahat ng style ay pinipili. At dahil halos lahat ata ng paninda sa store na yon ay nabili na niya at napasukat na lahat sakin ay lumabas na kami don.
Sumusunod lang ako sakanya at ngayon ay papunta na kami sa isang restaurant, kakain na ba kami? Kasi kung oo ay salamat naman. At yun nga pumasok na kami don at nag order, "Yu order lang ng order ha!" sabi niya sakin at un nga nag order ako ng kaya ko lang kainin.
Natapos na kami kumain at ihahatid na niya ako pauwi sa unit ko.
Nakarating na kami don at pagbaba ko ay binigay niya lahat ng napamili namin kanina sa mall. Nagulat naman kasi ako dahil akala ko parang ako lang yung model niya ganon o kaya taga sukat. "M- Mich diba sayo naman toh? Bat mo binibigay sakin lahat?" sabi ko naman na halatang gulat. Nalungkot naman siya bigla at sinabing "Sige ka pag yan di mo tinanggap, di na tayo bati. Di na tayo magkaibigan" nanlaki naman agad ang mga mata ko at agad na kinuha ang mga pinamili namin kanina. Tumawa naman siya ng mahina at nagsalita. "Sabi na eh, di mo ko matatanggihan! Ahahahahaha" sabi niya sakin. "Sus! Ikaw pa! Matatanggihan ba kita? Hindi naman diba?" sabi ko sakanya. "Sige na pala Mich! Gabi na oh! Baka mapagalitan ka pa nila Tita and Tito" sabi ko at nag wave nako sakanya. "Byee Yu bukas nalang ulit ha!" sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na.
Ako naman ay inayos lahat ng pinamili namin kanina. Wow lang talaga ang mamahal at ang gaganda ng mga pinamili namin kanina, isa lang talaa ang masasabi ko kay Mich. 'siya ang kaibigan na dapat pinahahalagahan at dapat na tinuturing na tunay'. Pagtapos kong mag ayos ay natulog nako dahil may pasok pa bukas.

Zack's POV
Nandito kami ngayon sa bar, nag iisip kung pano namin mapapa ibig ang mga nerds sa school.
"Mga pars, pano kaya kung bukas magpa abang tayo ng banda para sa mga nerd na yon? Ano sa tingin niyo?" suggest nitong si Peter
"Tanga! Dapat sila pareng Zack at Gelo nalang ang mangharana. Hindi ba mga pare? Ganda ng idea ko noh?" sabat naman ni Echo habang nakahawak sa baba niya na parang nag iisip ng matino.
"Mukhang maganda ang naisip ng  bubuyog na to ah" bulong sakin ni Gelo. Napatango tango naman ako habang umiinom.
"Uyy! Anong binubulong bulong mo diyan kay Zack, Angelo?!" sabi ng parang bata na si Echo. Tss. Kahit kailan naman talaga. Ewan ko nga kung pano ko naging kaibigan yan eh.
"Tss" yan nalang ang nasabi ni Gelo. Ano ba naman ang alam niyan? Kung hindi yan lang salita na yan. Tsk. Pero tatawagan ko nalang si Gelo mamaya kung anong klaseng plano ang gagawin namin para bukas.

Nerd's RevengeWhere stories live. Discover now